"Hey! Alysson! Wake up already. I got your schedule. And base on this, magkapareho lang tayo. Heyyy!" I felt something poking me. Dinilat ko ang mata ko upang makita kung anong oras na. It's 8:00?! Omy!
Agad agad akong naligo. I don't know kung panong ligo ang ginawa ko. Medyo natagalan pa nga dahil sa paglalagay ng disguise ko. Tsk. Whatever. Paglabas ko ay nakahanda sa kama ko ang isang pares ng long sleeve na color black and red at isang paldang kulay dark red. Hinanda siguro ni Ashley. Naiinis nga lang ako dahil ang igsi igsi ng palda. Ayoko lang talaga. Pero I have nothing to do so sinuot ko na lang.
"Hey Alysson. Kain ka muna." I saw Ashley on the table na kinakalikot ang bag niya.
"No thanks. We're late already."
"Are you sure? Baka sumakit tiyan mo?" tiningnan ko na lang siya. Mukhang nakuha ko naman siya sa tingin dahil ngumiti ito ng awkward at nag lihis ng tingin. Tss. When I say I'm okay. I'm okay.
Sabay kaming lumabas ng room at naglakad sa pagkahaba habang hallway. Narating namin ang hagdan kung saan tanaw mo ang napakalaki at kumikintab na chandelier sa taas. Nakikita ko din ang ibang studyante na nag aayos, nagmamake up at parang nagmamadaling gumawa ng kung ano man ang ginagawa nila. Assignments? I guess. Tss. Napapala ng mga tamad.
"First subject natin is weapon assembling or WAS. Mag babaklas tayo ng ibat ibang klaseng sandata tulad ng baril. Tapos ibabalik natin sila at itetest kung tama. Mag mememorize din tayo ng parts nila. Well it's our first day, makakasabay ka naman siguro samin." I looked at her curiously. May ganon bang subject? It's weird. Bakit pag aaralan ng college ang ganung bagay? And one more thing, di man lang ako pinapili ng course na kukunin ko. Well, baka si Mr. Lim na ang pumili para sakin. But what ever that subject is, it's weird at the same time cool.
Hinayaan ko lang nadumaldal ng dumaldal si Ash. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Sinabi niya sakin lahat ng susunod naming subjects at kagaya ng nauna weird talaga.
Paglabas namin sa girls dormitory ay tumambad samin ang mga studyanteng nagkalat sa Campus. Grabe. Ang lawak. May mga studyanteng nakaupo sa football field na nag gigitara. May ibang nagsusulat at yung iba ay nag kukulitan. Mamaya pa siguro ang pasok nila. Whatever. I don't care.
"Tapos may isang student dito na napakagaling talaga. As in! Pero di niya pinapakita ang mukha niya pag may mission siya. Nag didisguise kumbaga! Ayaw niya kaseng may makakilala sa kaniya. Malay nga natin nasa paligid lang natin siya eh- wait. Alysson? Nakikinig ka ba?" I heard her poked me. Nagulantang naman ako dahil sa buglaan niyang pag kalabit. But I recovered immediately.
"A-ah oo. And what? Mission? Para saan? Saka anong pangalan nung student? Bakit may mission?" tanong ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Ang gulo kase. Bakit may mission pang nalalaman dito?
"Mission. Pag mataas ang nakukuha mo sa bawat test na gagawin ng mga teachers natin, pwede ka nilang ipadala sa isang mission. Saka yung student? Walang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. Pero kilala siya sa tawag na Dark. Dahil sa kaniyang madilim na aura. Well, di natin alam kung sino siya bilang natural na studyante. Malay mo nasa tabi mo na pala siya. Diba?"
Then bakit kailangan pa ng mission? So pag mataas ka sa test, ipapadala ka sa mission? This Academy is really weird. I don't understand. At kung sino yung Dark na yun? I don't care. Bakit? I don't know him/her.
Narating namin ang isang building na umaabot hanggang 5th floor. Maybe our classroom is here. May mga studyanteng pakalat kalat pa sa hallways ng buildings kaya di pa kami late.
"Malapit na tayo." rinig kong sabi niya.
"Get ready ha? " eh? Get ready for what?
Habang papalapit kami sa naturang room ay pansin kong papalaki ng papalaki ang ngiti ni Ash. I don't know pero sa lagay niyang yan, para siyang batang bibigyan ng laruan. So childish.
YOU ARE READING
Lady in Disguise
Teen FictionMeet Alysson an assassin that was given a mission by Lim's Org. Part of her mission is for her to disguise as a pale and weak woman who's good at computer hacking. Pinadala siya sa Campus which is totally different from any other Campuses. At doon...