Ashley
The fudge! Ang lapit niya sakin shetttt.. Kalma Ashley kalma."Ano ba gusto niyo?" Kitang kita ang kaputian ni Jeff at ang mala koreano nitong mukha. Oh no.. Stop.
Pero gwapo kasi ehh. That's right, siya yung crush ko dito sa grupo nila. Kase naman, napaka gentleman niya, mabait, masayahin, magalang, gwapo.. Oh san ka pa? Tapos pinsan pa siya ni Aly! Diba! Di ko pa nga nakikita kung may abs ba siya eh. Kung meron perfect! Pero alam kong meron.. Medyo payat kasi ang pangangatawan niya eh.
Shh! Ash! Respect your king ano ba! Pinagnanasahan mo nanaman.
*snap*
Napakurap kurap ako kay Jeff na nag snap sa tapat ng mukha ko. Nakatulala yata ako sa kaniya kanina pa. Nakakahiyaaaa. 0////0
"A-ah C-caramel Macchiato na lang." Ngumiti naman ito sakin. Shiiitt. Yung pante ko nalaglag na yataaaaa! Ay OA. Hindi seryoso, napaka ganda ng ngiti niya. Makalaglag panty ang peg.
"Tulo mo lumalaway." Biglang hinampas ni Aldrin yung tissue sa bibig ko.
"Tulo mo-- what?" Natatawa naman na tanong ko. Shems. Tumulo nga yung laway ko. Kakahiya. Hahaha buti nandun siya sa counter.
"Laway mo kako tumutulo." Natatawang sabi ni Aldrin. Tong lalaking toh. Isa pa toh eh, mabait din siya, gentleman, piling gwapo nga lang, pero gwapo naman talaga eh. Tangos ng ilong. Pero Jeff pa rin ako. Fafa Jeff. Huhuu
"Here." Nilapag ni Jeff senpai yung macchiato ko. Bigla namang sumampa sa table si Jackie with his two legs. Inamoy niya yung macchiato at tumahol. Kawaiiii.. Parang si Oppa Jeff KYEOPTAAAAA! Ayy.. Kalma ulet Ash. Kalma. Baka mapagkamalan ka pa nilang may epilepsy. Buhatin ka pa ni oppa Jeff. Kya!
Ay lantod. HAHAHA
"Why are you smiling Ash?" Napa ayos ako ng upo ng marinig ko ang gwapong boses ni Jeff. Napatingin ako sa gwapong malakoreano niyang mukha. Napaiwas agad ako ng tingin ng magtama ang paningin namin. Shit.
"Pinag papantasyahan ka pre!" Asar naman ni Aldrin. Pinandilatan ko siya ng mata. Tumawa naman silang dalawa. Nakakahiyaaaa. Waaaaa.. Asan ba kasi si Aly? Tama.. Para makaiwas sa kahihiyan, ask a question.
"Where's Aly? Is she with Tristan?" Tanong ko na lang. Oo nga noh. Baka nagdate pa yung dalawaaa. Omaygad.
"Kasama yata si Tristan, bakit di natin sila napansin kanina?" Natatawang sabi ni Jeff.
"Baka nahawahan na siya ng kasungitan ni Tristan.. Ay masungit na pala si Aly." Dagdag pa ni Aldrin at nagtawanan naman kaming tatlo.
Speaking of the devil..
Pumasok ang dalawa. As usual, nakapoker face nanaman si Tristan. Samantalang si Aly naman ay nakasimangot. Natutuwa ako sa kanila. Hamak ang liit ni Aly kay Tristan. Perfect couple! Isang matangkad na boyfriend na gwapong gwapo at isang umm.. Di naman masyadong maliit si Aly eh. Aish wateber! Pero may gandang itinatago na si Aly! *Clap, clap, clap* (in mind)
"Heyy! Insan! Di ka namin napansin na wala ka kanina--Ohh~ pare! Why are you with Alysson?" Nang aasar na sabi ni Jeff senpai. Pinaulanan naman namin silang dalawa ng nakakalokong ngiti.
"Tss" napahinto kaming lahat sa nasaksihan namin.
Sabay silang napa 'tss'.. Confirmed! Nahawayan na nga si Aly! At dahil dun, natawa kaming tatlo. Syempre mang asar ba naman.
Tiningnan ko ulit silang dalawa.. At ayun pa rin si Tristan na poker face at napakagwapo siyempre. Parang wala lang itong narinig at blangko pa din ang mukha.
YOU ARE READING
Lady in Disguise
Teen FictionMeet Alysson an assassin that was given a mission by Lim's Org. Part of her mission is for her to disguise as a pale and weak woman who's good at computer hacking. Pinadala siya sa Campus which is totally different from any other Campuses. At doon...