[Dion]Pagkabalik ko sa room ay—nagiba ang timpla ko. Natural na nagsalubong ang kilay ko.
Dagdag mo pa ang bwisit na si Syntax at Dylan.
Katatapos lang ng periodical test namin, ang bilis ano?
Frequency of correct response nanaman kami hay—
“Ia-announce daw yung score sa lahat ng subject.
“Science muna”
“Perez 48”
Narinig kong nagsayaw sa tuwa si Syntax.
“Ay teka hindi naka-arrange sa scores yung papel”
Parang hindi nga, binalik ni Champ ang mga papel at nag-arrange kami.
“50?”
May tumayo at nag-abot ng papel.
“Erande 50”
They clapped, namangha pa ang iba. Expected ko ng maka-perfect sa Science, kaya una pa lang alam ko na na mali ang pagkaka arrange ng mga papel.
“Perez 48”
Pinalakpakan din sya.
“Hanggang 45 lang ang i-announce mo” paglilinaw ni Sir Wit.
“Gomez 45”
“Tatlo lang ang naka 45 above, wala namang naka 37 pababa don't worry”
“English naman” pagsasalita ni Champ.
“Perez 48, Erande 47, Dela Cruz 46, Co 45, ang lowest ay 35”
Parang nabunutan ng tinik ang ilan sa mga kaklase ko.
“Math naman”
“Perez 50, Fatima 45, Manansala 43, Dimatalo 42, Gomez 41, Gagarin 39, Erande 38 ang lowest ay 33”
Magkaaway talaga kami ni Math kahit kailan! Natatawa ako kasi wala naman akong pake sa grade ko pero—inaabangan ko mga score ko.
“MAPEH”
“Erande 50, Ferrera 48, Nicholas 47, Ada 45, Gamboa 43, Gagarin 42, Reyes 40 ang lowest ay 38”
Nagpalak-pakan nanaman ang mga kaklase ko, tuwang tuwa? Natawag ba kayo? Psh.
Bakit ba iritang irita ako sa room? Basta!
“AP”
“Erande 46, Perez 44, Reyes at Gomez 41...”
Tinuloy ang pag announce ng scores hanggang sa pinakamababa.
“Tumayo ang mga naka 39 pababa”
Tumayo ang mga kaklase ko, 1/2 ng klase.
“Alam nyo naman ang agreement natin hindi ba?”
Nagsitanguan sila at naglabas ng bente pesos. Ang mga bagsak ay magbabayad ng bente pesos kay Sir Wit at kung sino ang pinakamataas ang syang makakatanggap ng pera galing sa mga nakabagsak. Tapos ng mangolekta si Sir ng pera sa mga kaklase ko.
Astig diba? Ay teka—ako pala yung highest.
“Sino yung pinakamataas Champ?” tanong ni Sir Wit.
“Si Dion po”
“Tayo Dion”
Tumayo ako at inabutan ako ng pera ni Sir Wit. Nakatanggap ako ng halos tatlumpong tig-bebente pesos.
Sadyang siniko ako ni Dylan.
“Libre libre!”
Nginitian ko sya.
“Himala may pag ngiti ka ngayon”
“Masaya ka dahil highest ka?” dagdag nya.
“Hindi masama bang ngumiti? Good mood lang ako”
“So pag naka simangot ka bad mood ka?”
“Hindi rin, depende”
Naputol ang pag-uusap namin ni Dylan may iba pa palang subject.
“Congratulations Dion!”
Tumango ako kay sir.
“ESP”
“Erande 43, Perez 41 ang lowest 30”
“Ang hirap ng Values no?”
“Sinabi mo pa!”
“Ako ata yung lowest e”
“Di ako nagreview”
“Same same”
“Filipino”
“Perez 40 ang lowest 29”
“Hindi naman kasi nagtuturo si Maam”
“Sinabi mo pa!”
“Pero may mali rin tayo dapat kasi nag-aral din tayo”
“Eh dapat kasi nagtuturo rin sya!”
“Alam nyo na sa second grading”
“Oo babawi tayo!”
“Alam nyo na ang score nyo sa TLE diba? Nauna kayo mag periodical test doon?”
Nagsitanguan kaming lahat.
“Ba-bye class”
Sambit ni sir at saka narinig namin ang bell, hudyat na uwian na.
Ang payapa ng araw na 'to ah
———
I'm home.
Pero bago ako makauwi kinulit-kulit ako ni Dylan, sabi nya libre ko daw sya sa cafeteria pero niyaya ko sya sa labas nilibre ko sya sa Mcdo.
Niyaya nga ni Dylan si Syntax pero tumanggi ito. Ego nga naman.
Psh! Ni walang permiso nga si Dylan kung makapag-aya akala mo sya manlilibre—tapos tumanggi lang si Syntax?
Bwisit talaga yun kahit kailan, kakalbuhin ko na talaga yan si Syntax e.
O baka naman may aasikasuhin.
Ah—wala akong pake basta bwisit si Syntax.
YOU ARE READING
My Smitten Detective
RomanceInteresado ka ba sa pagso-solve ng mind boggling codes o naisip mo na ba kung paano magsolve ng mga ganoong bagay? Eh ang makasali sa isang integration at makatagpo ng isang detective na-gwapo, matalino, mabait at medyo masungit? Samahan natin si Di...