[Dion]Kasama ko si Kuya Dine. Papunta kaming Cafeteria kokotongan ko na to e.
Buti tumigil na yung integration sa pangungulit saken.
“How's my twin?”
“Okay lang ako kuya”
Kay Kuya, Mom, Dad at Nine lang ako nagiging childish, ayoko kasi ipakita yung side kong ganun sa iba, basta ayoko lang.
“Libre mo ba akoo? Dali libre mo ako!”
“Oo na, kahit kailan talaga ang takaw takaw mo pinapakain ka naman sa bahay” sabi ni kuya habang tumatawa.
Aish! Kung di ko lang kapatid 'to—at kambal kanina ko pa natarayan to.
“Hoy ikaw kuya may nabalitaan ako tungkol sayo ah”
Nanlaki ang mata ng kuya ko, para talagang xerox copy kami ni kuya.
“A-ano yun?”
I smiled at him. Mukhang may tinatago yung kuya ko ah.
“Uyy ano yun?”
Nilabas ko ang dila ko para maasar sya, wala naman talaga akong alam sa kanya charot-charot ko lang yun. Pero mukhang may tinatago talaga si kuya.
Nagorder si kuya ng spaghetti, burger at coke para saken. Sya naman slice ng chocolate cake, lasagna at orange juice.
Napabuntong hininga sya.
“May nililigawan ako”
Sabi na sya rin magsasabi saken ng sikreto nya e.
I laughed. Tinaasan nya ako ng kilay.
“Who's the fortunate girl?"
“Akala ko ba alam mo?—teka niloloko mo lang ba ako Dion?”
I laughed out loud.
“Kahit kailan talaga kuya”
Tumatawa pa rin ako ng tumatawa.
“Dine” may narinig akong nagsalita sa likod ko.
Napansin ko ang kakaibang reaction ni kuya. Parang pinipigang kamatis.
Lumingon ako at nakita ko ang babaeng maputi, makinis at maganda.
Mukhang may attitude problem.
Tinaasan ako ng kilay. Bwisit tong gaga na 'to.
“At whom do you think are you raising your eyebrows huh?”
“Sa isang ahas na gaya mo”
“Oh...pero sorry kung mas pipiliin ako ni Dine kaysa sayo”
“fool bitch” I whispered.
“Bakit ka nya pipiliin? I'm much more gorgeous than you!”
Tinignan ko ang reaction ni kuya, if I knew nagtitimpi syang saktan ang babaeng 'to. Ayaw ni kuya na may nang-aaway sa aken. Kaya malamang sa malamang he'll stop courting this girl.
“Gen”
Gen? The SSG Secretary? Oh sya pala 'to.
“What now? Let's go Dine”
“Go away”
Nagulat ang babae sa inasta ni kuya, akala nya ah.
“Why?”
Parang iiyak na ewan 'to. Kawawa naman awwww—
Napatayo si kuya sa biglaang pagsampal sa aken ni Gen.
YOU ARE READING
My Smitten Detective
RomanceInteresado ka ba sa pagso-solve ng mind boggling codes o naisip mo na ba kung paano magsolve ng mga ganoong bagay? Eh ang makasali sa isang integration at makatagpo ng isang detective na-gwapo, matalino, mabait at medyo masungit? Samahan natin si Di...