[Dion]
Klase nanaman, usually I don't easily get bored kapag may nagtuturo sa harapan, makikinig talaga ako ng bongga at hindi ililipat ang atensyon ko sa iba.
Pero ewan ko ba.
There's something bothering me...
The integration?
No!
Who?
I don't know habang lumulutang ang utak ko ay may matinis na tunog ang narinig ko.
“Iiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhh...”
Napatigil sa pagsasalita si Maam Perlita.
“Hahahahaha”
“Uy mga loko loko 'to”
“Ano 'yun?” tanong ni Maam.
“Sa labas yun Maam”
“Kayo may gawa nun e”
“Hindi Maam”
“Okay, sa labas nga”
Mahinang napahalakhak ang mga gunggong. Napairap ako. Mga walang modo.
“Iiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhh...”
“Iiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhh...”
“Iiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhh...”
“Sunod sunod na ah, saan kaya nanggagaling yun?”
Ang sakit sa tenga ng tunog parang naipit na pusa.
Lumabas si Maam Perlita para tignan sa labas yung tunog, pero lingid sa kaalaman nya na gawa gawa lang yun ng mga pushit kong kaklase.
Pagkalabas ni Maam ay tawang tawa sila Jaco.
“Itigil nyo na nga yan, at sabay sabay nyo pa talagang pinlay?” saway ng President namin.
Tumawa lang sila.
Bumalik si Maam Perlita at sakto namang pinindot ni Jaco ang phone nya.
Tinignan ko kung anong oras na—hay salamat five minutes na lang.
“Iiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhhhhh...”
“Sabi na kayo may pakana ng nakakarinding tunog na yun e”. “Miss Erande come with me”
Ha? Bakit ako?
I lift up my brows, what is she saying?
“You made that sound right? You look so bored at my subject, come with me”
“Where are we going?” I asked as she pat my shoulder.
“Ako rin po Maam! I also made that sound at pinasahan ko lang si Dion”
Napatingin ako sa likod kung sino ang nagsalita, Dylan.
What the f? What the f is happening here?
YOU ARE READING
My Smitten Detective
RomanceInteresado ka ba sa pagso-solve ng mind boggling codes o naisip mo na ba kung paano magsolve ng mga ganoong bagay? Eh ang makasali sa isang integration at makatagpo ng isang detective na-gwapo, matalino, mabait at medyo masungit? Samahan natin si Di...