[Bear]Nandito ako ngayon sa pangalawang bahay ko, ang Sleuth integration. Maraming mga malalaking monitor at ibat-ibang gadgets sa gilid gilid. I worked here.
Abala ang aming leader na si Apple sa isang monitor, seryoso syang nakaharap dito kaya napalapit ako.
“Master Apple? Anong nangyayari sa isang yan?”
“Sa Feathxr University nakalagay ang cctv na ito kung hindi ako nagkakamali”
Tinignan ko ng mabuti ang eskwelahan, tama nga, Feathxr University.
“Anong nangyari?”
“May naganap na krimen dito”
Kuha ito ilang araw na ang nakalipas.
Ibinalik ni Apple ang footage kung saan may isang lalaki at babae.
Naglabas ng kutsilyo ang lalaki at binugbog ang babae nang magkaroon na ito ng mga pasa ay pinagsasaksak naman ng ito ng mabilis, wala namang laban ito. Pero na weirduhan kami ng maglabas ng blade ang lalaki.
Blade?
Eh halos mapatay nya na nga si Erin. May kung anong iminarka sya sa pisnge nito. Wala pang 3 minuto ang ginawa nyang krimen, at masasabi mong bihasa na talaga sya sa pagpatay.
Pagkalipas ng 2 minuto ay nagkumpulan na ang mga estudyante sa babae. Ngunit may isang naglakas loob na lumapit dito, Dion.
Pinagmasdan nya muna ang babae at parang may isang bagay na kumuha ng atensyon nya, ang marka sa mukha ng biktima ngunit bago nya pa ito mahawakan ay napigilan na sya ng isang Detective.
Saglit nya itong tinitigan at saka naglakad palayo. Nagkumpulan at mas lalong kumapal ang estudyante sa paligid ng babaeng biktima.
Nakita ko na umaaksyon na pala ang mga pulis at ang Detective na 'yon.
Lumapit muli si Dion sa Detective wari'y nakikipagusap sya dito, wari'y tumutulong syang malutas ang kaso.
Nabaling ko ang tingin ko kay Master Apple na nakahawak ngayon sa kanyang salamin na tinatamaan ng liwanag.
“Anong pangalan ng babaeng yan?”
“Dion, Dion Erande”
“She just solved the crime scene” pagsasalita ni Apple.
I can't believe na may gantong abilidad pala si Dion.
“Anong gagawin natin?”
“I want her to be part of our integration”. “Wala, wala muna tayong gagawin basta ngayon may iuutos ako sa'yo, nag-aaral ka naman sa Feathxr University diba?”
Tumango ako.
“Protect her”
Napakunot ang noo ko kaya nagpaliwanag si Apple.
“She just revealed the suspect's pawn, he will do everything just to keep her mouth shut. I know ngayon pa lang nagpaplano na yung suspect kung paano nya patatahimikin si Gion”
YOU ARE READING
My Smitten Detective
RomanceInteresado ka ba sa pagso-solve ng mind boggling codes o naisip mo na ba kung paano magsolve ng mga ganoong bagay? Eh ang makasali sa isang integration at makatagpo ng isang detective na-gwapo, matalino, mabait at medyo masungit? Samahan natin si Di...