[Fallenbonny]Pinapunta ko ang mga character ng istoryang ito sa bahay ko, kataka-taka namang mas nauna sila Dylan kaysa kay Dion kaya tinext ko na si Dion.
Asan ka na? Andito na sila Dylan.
Snobbish yung babaeng yun ah, eh kung tanggalan ko na ng exposure yun? Charot!
Nag-aantay ata si gaga ng mauuna sa kanya, I knew her well.
Ilang minuto pa at may kumatok na sa pinto.
“Ako na” masayang tugon ko sa kanila at excited akong pumunta sa pinto.
Bumungad sa akin ang nakasamangot na Dion kasama ang kambal nyang si Dine na nakangiti.
“Ang aga aga nakabusangot ka”
“Kasi ikaw may paganto ka pa”
“Hoy ikaw! Umayos ka nga” pagsasaway ni Dine sa kambal nya.
“Osya pasok na”
Pumasok sina Dion at Dine, natanaw ko ang malawak na ngiti ni Dylan habang si Syntax seryoso lang.
“Dion! Akala ko hindi ka na pupunta”
“Hindi nga dapat e” pagsasalita nito, hinampas naman sya ng kapatid nya. “Aray ah”
“Ang dami nyong sinasabi, fallen bonny ano bang gagawin natin? Magsimula na kaya tayo?”
“Ung sungut numun nutu” sambit ko habang nakanguso.
Tinawanan nila ako.
“Okay okay magsitayo nga kayo”
Nagiisip ako ng magiging ayos nila, sino ang makakatabi nila o ano.
“Dion tabi ka kay Syntax, Dylan sa tabi ka naman ni Syntax, Gen tabi ka kay Dine, George tabi ka kay Dine at Phinneus tabi ka saken”
Sila pa lang yung mga characters ng chapter one to seven kaya sila pa lang ang ponatawag ko, surprise muna kapag may bago.
“Oy! Bakit ka tatabi kay Miss Writer?”
“Kasi sabi nya tumabi daw ako sa kanya”
“Ikaw ah the moves ka kay Phinneus”
“Yieeeeee”
“Ship naman natin sila oh”
“Ang ingay nyo pwede ba—magsimula na tayo?!”
Kilala nyo na yung huling nagsalita walang iba kundi si Syntax yehey!
Gwapo gwapo kasi ni Phinneus, haysku. Bahagyang napairap si Gen nang makasalubong ng mata nya si Dion.
“Teka bakit andito si Gen?”
“I invited her” I said.
“Diba wala naman yang exposure sa mga chapter?”
“Meron” sagot ni Gen
“Yung nag-away kayo sa cafeteria”
Napatawa si Dion ng saglit biglang bumalik ang masungit nyang itsura.
Buti naman tumahimik na sila, napakaingay!
“Okay mga bebes ko...”. “May hinanda akong bowl, na naglalaman ng ibat-ibang tanong...sasagutin nyo lang naman yun lang gagawin nyo”
“Gusto ko yaan” pagsasalita ni Dylan habang ang katabi nyang si Syntax ay nakapoker face.
Pumalakpak ako at lumapit sakin ang assistant ko, dala dala nya yung bowl.
YOU ARE READING
My Smitten Detective
RomanceInteresado ka ba sa pagso-solve ng mind boggling codes o naisip mo na ba kung paano magsolve ng mga ganoong bagay? Eh ang makasali sa isang integration at makatagpo ng isang detective na-gwapo, matalino, mabait at medyo masungit? Samahan natin si Di...