9: Secret Admirer

4 2 0
                                    


[Dion]

Nababaliw na ako nang dahil sa nangyari kahapon pero masaya, wala sa sariling pumasok ako sa room. Nababaliw na si Bonny.

Wala pang isang oras ay pumasok ang matandang si Phinneus, may ibinulong sya kay Sir Wit tumango tango si Sir at nagpunta sa gitna si Tanda.

“I'm looking for Ella Gagarin”

Lumingon ako, ano nanaman kayang meron ngayon?

“Yes sir?” may pagka attitude na tugon ni Ella.

“Sumama ka sa amin”

Napansin kong napalunok si Ella pero nanatiling kalmado pa rin sya.

“B-b-bakit ho?” utal nyang sabi.

“Just come with us, we have something to talk about”

“O-okay”

Sinundan namin ng tingin ang napaka weirdong detective at ang kaklase namin.

Ano kayang meron?

“Okay let's go back...” Ani Sir Wit at nagpatuloy sa pagtuturo.

What's happening? Can someone please enlighten me?

———

“Involve kaya sya sa pagkamatay ni Alexander?

Sinong Alexander? Napaisip ako matagal-tagal na rin akong walang alam sa mga weirdong nangyayari sa school, yung last lang ay yung...may nanglason sa isang member ng deadly red-blooded gang ba yun?

“Hindi ko rin alam e, malay mo”

“Kayo mga judgemental kayo baka naman tatanong tanongin lang sya about—”

“Pero kasi niloko sya ni Alexander diba? May chance na gumanti lang sya”

“Sila pa rin ba?”

“Oo nakipagbalikan kasi nun si Alexander sa kanya”

“Baka nga naghiganti sya no?”

“Wag na lang kayong mangialam” singit ko nang hindi tumitingin sa kanila habang binubuksan ang locker ko.

Hindi sumagot ang mga babaeng nagchi chismisan kanina animo'y natakot sila sa presensya ko.

“O-o-oo nga po”

“Tara alis na tayo”

“Mabuti pa nga”

At narinig kong nagsitakbuhan ang mga babae, may nadapa pa nga e. Napatawa ako, ano kayang meron?

May napansin akong kakaiba sa locker ko, may bilog na kulay pulang sticker ang nakadikit sa panlabas nito, pero hindi ko na lang pinansin, cute naman e.

Pagbukas ko ng locker ko ay tumambad saken ang pulang papel.

Pagbuklat ko ay kulay puti ang loob at isinulat ang mga letra gamit ang dugo? Parang dugo sya.

I've been watching you afar
I wish every minute will freeze as I see you
I love you Dion Erande I highly do
I'm so shy to show up so,
I just wrote my love for you

Hope I made you smile :">
-Secret Admirer

Kahit papaano ay napasaya ako ng sulat na ito. Ang cute lang kase. Pero I think hindi nya talaga ako gusto he'll just use me like what others did.

Just like what he did.

Matagal ko ng kinalimutan ang ala-alang iyon at ayoko ng maulit pa iyon.

Labag man sa kalooban ko ay nilukot ko ang sulat at lumapit sa basurahan.

“I don't need a boyfriend”

Sabi ko sabay inihulog ang papel sa basurahan.

———

[Secret Admirer]

Pagka-alis ni Dion papunta sa susunod na subject nya ay lumapit ako sa basurahan.

I saw my effort wasted.

My heart twitched.

Pinulot ko ang ginawa ko, pinagmasdan ko ang locker ni Dion na may nakadikit na logo ng aming gang. Isang bilog na pulang sticker na kapag nabasa ay lalabas ang tunay naming logo.

Ibig sabihin ng sticker na 'to ay walang sino man ang pwedeng manakit kay Dion, walang sino man.

“I-i-ikaw?”

Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang tinig ni Dion.

Fck makikilala ka nya, umalis ka na.

Aalis na sana ako pero hinawakan nya ang braso ko.

“Wag kang umalis”

Namumula na ang mukha ko at nahihiya akong humarap sa kanya.

Iniisip ko pa lang ang mangyayari kapag bumalik ako sa basurahan ay nababaliw na ako. Ayokong makilala nya ako ngayon, knowing her na may sayad din ang utak at baka kung ano sabihin nya saken.

Gaya ng inaasahan ko ay bumalik si Dion sa locker nya at sumilip sa basurahan. Bumulong ako sa sarili ko.

“Akala mo ah, by the way, you look cute finding for your secret admirer”

My Smitten DetectiveWhere stories live. Discover now