Ngalingaling simangutan ko ang chancellor ng university. Nandito ako ngayon sa opisina ng chancellor at nakikinig sa walang basehan nitong mga demand.
"With all due respect, Sir, I think what you're asking of me is impossible," "Considering kung sino po ang pinag uusapan natin dito."
"Yes, I know Ms Valdez can be quite a handful pero naniniwala ako that with the right guidance, She can learn to be responsible."
Responsible my ass. Mas malaki pa yata ang tsansa na bumagsak siya sa isang subject kaysa sa maging responsable ang babaeng yun. And that was already saying something. Because she never failed and that was a fact.
"Kailangan mo lang naman siyang isama sa medical mission program ng student council," dugtong pa ng chancellor.
"Pero Sir, lahat po ng kasama sa medical mission na yun ay mga student volunteer. I highly doubt na magbo-volunteer siya para sumama sa 'min."
"Hindi mo na kailangan pang alalahanin yun. One of her professors last semester already made this as a requirement para maipasa niya yong subject nito. Kaya naman hanggang ngayon, nananatili paring incomplete ang grade niya para sa subject na yun. So if she will not abide, then wala ng magagawa pa ang professor niya kundi ibagsak siya. So, all you have to do is guide her and everything will be fine"
I almost snorted at that. Huminga muna ako ng malalim bago binigyan ng isang matamis na ngiti ang chancellor "Yes, kagaya po ng sinabi niyo magiging maayos ang lahat. I'll make sure of it"
"Maasahan ka talaga Lazaro. Then I'll leave everything to you"
God! I wanted to stomped my feet ng paulit ulit but wala na akong magagawa pa. Pagkatapos magpaalam ay lumabas na agad ako sa opisina nito. I let out an exasperated sigh. Kung ako lang ang masusunod isang malaking "hindi" agad ang isasagot ko kay chancellor. Walang kaso sa akin ang isang ordinaryong estudyante lang ang gusto nitong ipasama sa medical mission. In fact, I would be happy because we really needed all the help we could get. But no, they were talking about Alyssa Valdez, the self proclaimed delinquent and all around bad girl ng buong university.
Nangunguna si Valdez pagdating sa mga tao na hindi man lang marunong sumunod sa mga school rule. Minsan lang ito kung umattend sa klase at madalas nakikipagtalo ito sa mga student. Madalas din siyang napapaaway. But ang sobrang nakakainis madali siyang nakakalusot sa mga gulong pinapasukan niya. Sa simpleng dahilan na anak siya ng isa sa mga board member ng University. Ang pamilya nito ang isa sa mga nagbibigay ng pinakamalaking donasyon sa univerity kaya sa kabila ng lahat ng problema na pinaggagagawa niya ay hindi pa rin siya maexpel expel.
I really hated people like that. Mga spoiled brat na gumagawa ng sarili nilang problema para lang masabi na may problema sila. Dapat magpasalamat na lang sila na ipinanganak silang mayaman. Hindi ba nila alam kung paano sila kasuwerte? Other people would die just to be rich. Wala naman akong galit sa mga mayayaman. In fact, my family was quite well-off. Nagmamayari ng isang pribadong hospital ang family ko. Naiinis lang talaga ako sa mga tao na hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila.
3rd Person:
A bitter smile crossed Dennise's lips. O baka kaya siya naiinis ay dahil minsan din siyang naging katulad ng mga ito? Isang spoiled brat na gagawin ang lahat para lang makuha ang atensiyon ng magulang.
Napabuntong hininga uli siya. Sa puntong iyon wala na siyang magagawa kundi sundin na lang ang ipinapagawa ng chancellor. Ano pa ba ang iba niyang pagpipilian. Saying "no" to the chancellor would only ruin her perfect image. Her image as a perfect student and a perfect daughter? Kapag may marinig ang mommy niya na kahit isang bagay na hindi maganda tungkol sa kanya, tiyak na magwawala ito. And that was the last thing she needed right now.
Nagdesisyon na siyang lumabas ng building.
Ateneo de Manila University ang pangalan ng unibersidad na pinapasukan ni Dennise. It was located on a vast landmass in Quezon City, Manila. Isa iyong pribadong university na tanging mayayaman lang at may kaya sa buhay ang nakakapasok. Because they were the only ones who could afford it. Ang halaga ng tuition fee nila sa buong semester ay maaari ng magpakain ng libo libong nagugutom na pilipino. Pero wala siyang mairereklamo sa klase ng edukasyon na ino offer ng university. Despite its high tuition fee it was still one of the best universities in the country.Kompleto ang university sa mga state of the art facility. Mayroon din itong olympic size swimming pool, football field, tennis lawn, isang malaking cafeteria at ang sikat na BEG or Blue Eagles Gymnasium kung tawagin. Lahat ng kailangan nila ay naroon na. Kung mayroon man siguro mairereklamo si Dennise, it was the unspoken rule here in this university. Money was everything. Ang lahat ng bagay rito ay pinapatakbo ng pera. The richer you are the more respect you get. Kaya nga nagagawa ng isang Valdez ang kahit anu mang gustuhin nito.
Kung siya ang tatanungin, the people who deserved more respect were those students. Pero sa ADMU, sila pa iyong mas kawawa. Kaunti lang sa mga ito ang nakakatagal dahil narin sa pambubully ng ibang mga estudyante. The teachers turned a blind eye on it. Wala ni isa man sa mga ito ang gustong makialam. Dennise was really no better than them. Dahil sa kabila ng posisyon niya bilang student council president, wala rin siyang magawa para tulungan ang mga nabubully.
Because the simple fact was, despite everything, she was nothing but a coward.
*** Green! 😉
Ooooohhhhkkaaaayyy! Chap 1 done. More to go 😆
BINABASA MO ANG
Undeniably (AlyDen)
FanfictionIf there is really a God out there who's listening to me, please save Dennise. Please, let me have her. I beg you.