2 years later...
3rd Person na po ito ah. 😂 kyaaahhh! Natapos ko na. Woohoooo!!!!
*
Gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi ni Dennise nang makita ang dalawang guhit ng pregnancy test kit na ginamit niya. Oh, God, thank you!
Bitbit ang resulta ng test, lumabas si Dennise ng beach house. Naroon sila sa Resort na pagmamay ari nila sa Camiguin, na naipundar nilang mag-asawa.
Nakita niyang nakikipaghabulan si Alyssa sa panganay nilang anak na mag iisang taon na, Si Aiden Mikel. Si Aiden ay nabuo thru IVF at ang nagdala ay si Dennise. Naroon ang mga ito sa malawak na aplaya.
Walang kapaguran ang mga ito tuwing naroon sila. Minsan kasi sa isang buwan, sinisiguro ni Alyssa na makakapagbakasyon doon ng apat na araw. Palibhasa ay wiling wili ang anak nila. Marunong na kasi itong lumangoy.
Nang lumakad siya upang lapitan ang mga ito ay nasilaw siya sa tama ng sikat ng pappalubog na araw. Tumatama iyon sa sa salamin ng light house sa di-kalayuan, at nagsasabog ng liwanag sa gawi niya.
Nakita siya ni Alyssa. Kumaway ito sa kanya. "Babe! Come, join us!"
Walang pagmamadaling nilapitan niya ang mga ito. "I have a surprise for you" aniya nang makalapit ito dito. Nakatago sa likod ang mga kamay niya.
Napangiti si Alyssa at parang batang tumanghod ito sa kanya. "What is it?"
"Mag-promise ka muna na ibibili mo ako ng special bibingka sa bayan mamaya kapag sinabi ko sa'yo."
Tumawa ito. "Nagbibiro ka ba?"
"Hindi." Aniyang humalukipkip pa.
"Babe, fifteen kilometers ang layo ng bayan dito. At papagabi na."
Lumapit ang kanyang anak sa kanya, nagpapakarga. "Kargahin mo na lang pala si Aiden."
Nang makarga nito ang anak nila ay pinaghahalikan niya ang mukha nito. Tumatawang itinataboy nito ang kanyang mukha. "Aiden, anak, ano ba ang gusto mong kalaro, baby girl o baby boy?"
Nanlaki ang mga mata ni Alyssa nang makuha nito ang sorpresang sinasabi niya. Noon niya ipinakita rito ang resulta ng pregnancy test kit. Humiyaw ito.
Nang mahimasmasan ito ay siniil nito ng halik ang asawa pagkatapos ay binalingan ang kanilang anak. "Anak, kay tita Ella ka tatabi mamayang gabi, ha. Magse-celebrate kasi sina Mama at Mimi kaya hindi muna pwede ang istorbo sa kwarto."
Kinurot niya ito sa tagiliran. "Ouch! Babe!" At humalakhak ito.
"I love you, babe. Thank you so much for Seven year of happiness" seryosong sabi nito nang maglubay. "Thank you for fulfilling my dreams. Our dreams." Ikiniskis nito ang ilong sa ilong niya at bumulong. "Mahal na mahal na mahal kita Doctora Lazaro. My Babe. My Dennise."
"Mahal na mahal na mahal din kita, babe. My Alyssa. My number 1 Business coccoon este Tycoon." Tumatawang ganti niya.
Pagkatapos, ay inakbayan ni Alyssa ang asawa habang karga karga ng isang kamay ang anak nila. Mabagal na bumalik sila sa beach house habang panay ang palitan ng biruan at sweet nothings.
Wala ng siyang mahihiling pa. Alyssa Valdez proved to be her haven of love, hope and happiness for the past seven years since she first met her, no, knew the real her.
The End...
***
Ayun! Tapos ko na po. Sa wakas!
Maraming maraming salamat po sa inyong mga nagbasa at magbabasa pa nito.
Hanggang sa susunod ko pa pong mga istorya. Paalam!
Green signing out! 😙😙😙
BINABASA MO ANG
Undeniably (AlyDen)
FanfictionIf there is really a God out there who's listening to me, please save Dennise. Please, let me have her. I beg you.