Chapter 13

2.4K 70 9
                                    

AN: para kay zarzua , ang kauna unahan at kaisa isang ngcomment. Hehe. Thanks fo reading I hope nag-eenjoy ka. 😊

***



Mabilis lang na nahanap ko si Alyssa sa loob ng greenhouse. Nandito lang kasi ito sa parte kung saan ko siya nakita noon.





Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang nakikita ko ito ngayon na nagbabasa ng malaking libro. Aba't may lagnat yata to ngayon at marunong pa lang magbasa. Lumapit na lang ako at tumikhim para kunin ang atensyon nito.





Nag angat ito ng tingin. "Hey, Dennise!"






Napasimangot ako. Nasasanay na kasi ang mokong na to sa pagtawag sa pangalan ko. Feeling close lang. Hindi na lang ako nagsalita. Ibinaba ko sa harap niya ang problem set na pinasagutan at canned soft drink na ipinabili. "O ayan na mga pinapadala mo kamahalan, may kailangan ka pa? Sabihin mo na agad"







Dinampot nito ang problem set at pinasadahan ng tingin. Aba't nakakarami na to ah. Ang sarap batukan. "Sigurado ka ba na tama ang mga isinagot mo dito?"






"Iniinsulto mo ba ako? Ofcourse all the answers there are right." Ang sarap mong pigain. Argh! Nginisian ba naman ako.





"You're that confident ha?"






"Sino ba ako sa tingin mo? Just like you said I am the number one student of this school and I always do things perfectly."







"Whoa! Masyado yatang lumakas ang hangin dito. May bagyo ba?" At umarte pa talagang parang nililipad ng hangin. Nakakabwisit talaga. Nakakainis!






"Shut up! Kung wala ka ng ipapagawa aalis na ako." Akma na akong aalis ng hawakan nito ang kamay ko. I then again felt the sudden jolt of electricity because of the mere contact. Agad kong binawi ang kamay para putulin ang kung ano mang nararamdaman at nilingon ko ito "What?"






"Stay. Dito ka muna, mamaya pa naman anng klase mo di ba?"






Aba't pati schedule ng class ko alam na rin niya. Hindi na nakakagulat pero ang nakakabigla gusto niyang manatili muna ako dito? Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan. But as if I wanted to spend more time with her?




Hindi nga ba? Dennise?

O conscience stop!





Natagpuan ko na lang anng sarili na dahan dahang umupo sa tapat nito. "Paano mo nalaman na wala pa akong class?"






"I saw your schedule inside your planner no'ng nahulog mo yon accidentally last time." Ngumisi na naman ito "Ikaw lang yata ang kilala ko na nilalagay ang class schedule sa planner nila."






Inirapan ko nga ito. "Then maybe ako lang ang kilala mo na seryosong pumapasok sa mga klase nila. And in relation to that, bakit nga ba pinapagawa mo pa ako ng reaction papers at problem sets, eh, hindi ka naman pumapasok sa mga klase mo?"







Binuksan nito anng soft drink at ininom. "Hey I'm trying really hard to lessen thr number of my absences."







Tiningnan ko ito na para bang may sinabi itong isang biro na hindi naman nakakatawa. "Seryoso ka ba?"






"Oo, ayoko ng maulit 'yong nangyari last year na bigla na lang akong ibinagsak nong isang professor dahil lang madalas akong umabsent. Tapos pasasamahin pa niya ako sa medical mission niyo para lang ipasa niya ako. Kaya nga sinusubukan ko na ring magpasa ng assignments na ibinibigay ng mga prof ko ngayong sem. Ayoko rin namang ma extend ako."






Undeniably (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon