Chapter 24

2.4K 53 0
                                    

Nabitin kayo noh! Hahaha! Sarrey... 😉
Eto na! 😄😄😄 happy reading!

*
I am pacing restlessly. Nasa ospital kami at hinihintay ang resulta ng surgery ni Dennise. Nang tumawag ito kanina at isang malakas na busina ng isang sasakyan ang narinig ko bago ito mawala sa kabilang linya ay kinutuban na ako ng masama. Mabuti na lang at on the way na rin kami kanina papunta sa bahay nila.



Pagkatapos kasi ng nasaksihan ko na naging trato ng mommy nito, pinilit ko si Ella na dalhin ako sa bahay ng mga ito. Ginamit namin ang kotse nito at iniwan sa bar ang big bike. Pero bago pa kami makarating nakatanggap ako ng tawag mula kay Dennise.




Halos agawin ko na ang manibela para lang mabilis itong mapuntahan. Huminto si Ella ng makita ang isang ambulansya hindi kalayuan sa bahay nila. Nanginginig ang buong katawan ko ng bumaba kami ng sasakyan. Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko ng makita ang duguang katawan ni Dennise habang isinasakay ito sa ambulansya.

It felt like I am being torn into pieces. Hindi magawang iproseso ng utak ko ang nangyayari. Kung wala siguro dito si Ella baka nananatili lang akong nakatulala at nakatitig sa papaalis na ambulansya.



Pinatayo ako nito at agad sumunod sa ambulansya. Dinala si Dennise sa pinaka malapit na ospital. Sa kabuuan ng biyahe sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay mababaliw na ako sobrang pag aalala. No. Not now. Hindi pwede.



I love her. God, I love her so much that if anything happens to her it will surely kill me. No, it will destroy me. Na mas nanaisin ko pang mamatay kaysa mabuhay nang wala ito. That was the depth of my feelings for her. At labis akong nagagalit sa sarili na kailangan pang may mangyaring ganito bago ko mapagtanto ang lahat.


"Will you stop pacing , Alyssa? Ako ang nahihilo sa'yo e." Narinig kong sabi ni Ella, who is obviously on edge like me.


Tiningnan ko ito. "Hayaan mo na lang ako, pwede?" I just can't. I can't stop. Ayokong mawala si Dennise sa buhay ko.



How could this happen to her? Bigla kong naalala ang sinabi ng paramedic na nagdala kay Dennise dito sa ospital. Ang sabi raw ng driver na nakabangga kay Dennise ay bigla itong tumawid sa kalsada kaya hindi agad ito nakapag preno. But I know how careful Dennise is. Hindi ito basta basta tatawid ng kalsada na hindi man lang tinitingnan kung may parating na sasakyan.



"Ano sa tingin mo ang nangyari that made Dennise so careless to the point that she was even hit by a car?" Tanong ko kay Ella.


Pinagmasdan ako nito, waring nag iisip kung sasagutin ba nito ang tanong ko o hindi.

"If you know something, just answer me!" Naiinis na singhal ko rito.



Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "You saw how tita treated her bact at the police station. Malamang sa hindi, nang makauwi sila, tiyak na sinaktan na naman niya si Dennise."



Nagsalubong ang kilay ko sa narinig, "anong ibig mong sabihin?"





"Everytime Dennise upsets tita, sinasaktan siya nito. Kahit na gaano pa kaliit na bagay 'yon, basta hindi nagustuhan ni tita, sinasaktan niya si Dennise."



Pilit na pinoproseso ng utak ko ang sinabi ni Ella. Ang akala ko nang makita ko ang mommy nito na muntik ng sampalin si Dennise ay dahil lang sa nabigla ito na makita ang anak na nasa presinto. I never thought that it was something she usually did. Naikuyom ko ang mga kamay ko.

"You mean, Dennise is being abused by her own mother?" Maski ako ay nahihirapang bigkasin ang mga sinabi ko.


Nag iwas ng tingin si Ella bago tumango. Napatiim bagang ako. "Since when?"


Undeniably (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon