Chapter 25

2.4K 57 0
                                    

Nananakit ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay may mabibigat na bato na nakapatong sa mga mata dahil hindi ko magawang imulat ang mga ito. Pero wala akong pakialam. I wanted to go back to sleep again, back to that wonderful dream.  Pabalik sa malawak na hardin kung saan masaya kaming naglalaro ni ate.



Pero may maiinit na paghaplos ng palad akong naramdaman at ang pagtawag ng isang tinig sa pangalan ko, I suddenly felt the urge to wake up. To look at the face of the the familiar voice. Kahit mahirap ay pilit kong iminulat ang mga mata.






Then I saw Alyssa. Her beautiful rougish face and those impossibly brown eyes. My heart immediately ached at the sight of her.






"Alyssa." I said in a hoarse whisper.





"Thank God. Thank God you're awake!" Dinala nito sa mukha ang kamay ko and she kissed me on my palm.







Kahit na bahagya pa akong nahihilo, I could still see that she's shaking. Like a huge weight was lifted from her shoulder dahil sa paggising ko "What happened?"







Ang amoy ng gamot at ang puting paligid ang mabilis na nagsasabi sa'kin na nasa loob ako ng hospital, pero hindi ko matandaan kung paano ako napunta rito.





"You were hit by a car." Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa mga kamay ko. "Kinailangan kang operahan. Maraming dugo ang nawala sa'yo, you have three broken ribs and a severe concussion. I thought I'd lost you..."







Dahil sa sinabi nito ay saka ko lang naalala ang nangyari. Ang pagtakbo ko mula sa loob ng bahay, ang malakas na pagbusina, ang nakakasilaw na liwanag at ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa katawan ko. So I had been hit by a car. Bumaling ako kay Alyssa. She had been gripping her hand. Mukhang labis itong naapektuhan dahil sa nangyari. I gave her a weak smile.





"But I'm still here. Hindi mo ba alam yong kasabihang ang masamang damo mahirap mamatay?" Biro ko dito.





Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Ngumiti ito sa'kin. The gently smile that I had ever seen from her and it just made my heart skip a beat.




"How long have I been out?" I suddenly asked.


"A month."





Nagulat ako sa sinabi nito. I thought she was only joking. Pero her face is serious and I know at the moment she's not joking at all. Parang biglang sumakit ang ulo ko. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito. I had been in a coma.




"A month." Ulit ko.





"Sabi ng doctor na walang kasiguruhan kung kailan ka magigising. It take months, even years. Kaya nga sobra sobra ang kasiyahan ko ngayon dahil gising ka na." Idinampi nito ang mga palad sa mukha ko tska nginitian.  "Just finally hearing your voice again is enough to make me happy.






I leaned against her palm, savoring the peel of her palm on my cheek. "Oh. Alyssa."



Dahan dahang ibinaba ni Alyssa ang kanyang mukha hanggang sa tuluyan ng dumampi ang mga labi nito sa labi ko. Napapikit na lang ako. Her lips were warm and sweet. Panandalian lang na naghinang ang mga labi namin, and yet, to me, it felt like eternity. Nang iangat nito ang kanyang mukha, her brown eyes were full of warmth. And what she said next almost made me cry






"I love you, Dennise...."






Three simple words and yet it pierce inside me like nothing else ever had. Pakiramdam ko para akong inililipad sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan. It was like a dream come true. A dream that turned into reality. Pinagmasdan ko ang napaka gandang mukha nito, and right there I saw love in those impossibly brown eyes.





"Y-you really do?"






"Yes. Kung pwede nga lang kitang pakasalan ngayon din, ginawa ko na. If that's the only way for me to make sure I could have you for this lifetime." Tuluyan na akong napaiyak. Agad din naman nitong pinahid ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko.






"Sshh... dont cry, babe. Alam ko na hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin ko sayo ang tungkol sa nararamdaman ko. But, I can't wait another day to tell you what I feel for you. I've already waited for a month and I'm not waiting anymore."







Umiling ako. "I'm glad you did." Ikinulong ko ang mukha nito sa mga palad ko "Because, I also love you, so much!"



Kitang kita ang bigla nitong pamumula. Gustong gusto kong matawa dahil sa itsura nito. Pagkatapos nitong mag confess sa'kin ngayon pa ito namula.





"Totoo? You really feel the same way?" Tila nag aalangan pang tanong nito.




Napangiti ako. How I love this lady. "Wala namang dahilan para magsinungaling ako. But if you want a more profound declaration of love then I will gladly give it to you."


Sa wakas ngumiti na rin ito at hinalikan ako sa tungki ng ilong. "No, this is enough."







***Green 😆


Yay! Sa wakas naitawid din. How was it po? Okay pa po ba ang flow?
Ang dami ng nabibitin jan. Hahaha!

Undeniably (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon