I and Alyssa went here to The Fort in Taguig City. Medyo matagal ang biyahe pero hindi ko na napansin pa dahil sa kabuuan ng biyahe all I could focus on was how warm Alyssa's back was.
Ang akala ko nung umpisa mahihirapan ako dahil ito ang kauna unahang umangkas ako sa isang big bike, but nothing like it had happened. In fact, I even enjoyed the ride. Siguro, ang malaking dahilan ay dahil sa kasama ko ngayon. It felt good. I felt safe. Kahit na siguro mag-bunjee-jumping pa kami, basta kasama ko ito, magiging masaya.
Isang Italian Restaurant ang pinagdalhan sa'kin ni Alyssa. She said that the restaurant had the best Italian Steak in the country. Tama ito sa sinabi. Unang subo pa lang wala ng kaduda duda na ito ang pinakamasarap na steak ang natikman ko. Well aside that steak is my favorite, kapag may time babalik ako rito. Our dinner went smoothly. Maliban na lang sa mga panaka nakang side comment. By now dapat sanay na ako sa mga pang-aasar nito, pero hindi ko mapigilang mainis. Para kasing nagiging favorite hobby nitong asarin ako.
Tiningnan ko ang suot na wrist watch. Nasa labas na ako ng restaurant at hinihintay si Alyssa. May kalayuan kasi ang pinagparadahan nito ng big bike dahil walang bakanteng parking space kanina. Malapit nang mag alas-nuebe ng gabi. Kung aalis na kami ngayon, before may ten-thirty nasa bahay na ako. Sinulyapan ko ang hawak na cellphone. Pinatay ko ito kanina. Natatakot kasi ako na baka tawagan ako ni mommy. Hindi ko alam ang sasabihin dito. Because just like Alyssa said, I wasn't really a good liar. Mamaya ko na lang iisipin pagdating sa bahay kung anong paliwanag ang gagawin ko kung bakit ako ginabi.
"Well, well, well, if it isn't our student council president." Wika ng isang tinig ng isang babae sa likuran ko.
Dagli akong lumingon at muntik ng mapasingot nang mapagsino ang babaeng palapit sa'kin. It was Gretchen Ho, anak ng isa sa pinaka kilalang business tycoon sa bansa na itinuturing na mad queen ng campus dahil sa extreme mood swings nito. Nakasuot si Ho ng slinky black dress na hapit na hapit sa katawan nito. Tinernuhan nito ng high-heeled black boots. (Ang sexy ni gretch. Haha. Imagine it people.) She should have looked like a slut dahil sa suot nito, but instead, she still manage to look elegant and classy.
"Gretchen." Nakangiting bati ko rito.
Hindi kami malapit sa isa't isa pero kapag nagkakasalubong kami sa campus ay nagbabatian naman kami. Teammates kasi ito ni Ella, so were somehow acquainted. Although, I never really liked her. Hantaran kasi ito kung magmaldita at ang lagi sentro ng kamalditahan nito ay si Joanna. Hindi ko nga maintindihan kung bakit inis na inis ito kay Jho.
"Are you alone?" Tanong nito. Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo mula sa pouch bag nito at sinindihan.
Bago pa ako makasagot ay bumusina ang isang asul na sports car sa tapat namin. Pagkatapos ay lumabas mula sa driver's seat si Kim Fajardo, ang ADMU's number one hearthrob (oha. Diba ambabait ko sa kanila? Haha 😂😂). And she looked dashing as always. Pero kahit na gaano pa ito kaganda, tanga lang ang magkakagusto rito. Because one look at this girl's handsome face and you knee you were in for heartache.
"Hoy Ho. I've been looking for you, nandito ka lang pala." Nakakunot noong sabi nito.
"Sorry, I got lost. But look who I've found." Sagot ni Gretch na bigla na lang umabrisete sa'kin.
Bumaking sa'kin si Kim na parang ngayon lang ako napansin. "Is that Dennise? Anong ginagawa mo rito?"
"I think she's on a date. Who would have thought that our stiff as a stick president could also go out to have fun, huh?" Sabi ni Gretchen.
Yeah. And there's a mockery in her voice, pero hindi ko na lang pinansin pa. Ayokong masira ang gabi ko dahil dito. "Oh no. Lumalabas naman ako. Hindi lang siguro tayo nagkikita dahil hindi ako pumupunta sa mga klase ng lugar na pinupuntahan mo." Malumanay kong sabi na sinabayan ng ngiti.
Agad itong bumitiw mula sa pagkakakawit ng braso niya sa'kin at tuluyan na sumimangot. Bigla namang bumunghalit ng tawa si Kim. "She got you there Gretch!. Ho ho ho!" Natatawa paring asar nito.
Inirapan lang niya ito. "Shut up."
"Ouch! What was that for?!" Himas himas ni kim ang ulo nito na binatukan ni gretch. Buti nga sayo.
Huh? Nakapagtataka ang isang nakakalokong ngiti na sumilay sa mga labi ni Gretch. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinitingnan nito at nakita ko si Alyssa na papalapit na naka big bike. Lumingon sa'kin si Gretchen.
"Let's have fun, Dennise. Pumunta tayo sa klase ng lugar na pinupuntahan ko." Nakangising sabi nito.
Bago ko pa maintindihan nang husto ang ibig sabihin ni Gretchen, bigla na lang ako nitong hinawakan nang mahigpit sa braso at hinila papasok sa backseat ng sports car ni Kim.
"What are you doing?" Nagpapanic na tanong ko rito.
"I told you, we're going to have fun. Kim, drive the car already."
"Yes, yes." Wika ni Kim at pinaharurot ang sasakyan.
"Si Alyssa ang kasama mo rito, tama ba?" Tanong ni Gretchen. "Now aren't you a weird couple?" Nang hindi ako sumagot kinuha nito ang cellphone at nagsimulang mag dial ng number.
"Hello, Alyssa? We've got your girlfriend here. Alam mo naman kung saan kami madalas pumupunta di ba? If you want to get her back, sundan mo na lang kami ro'n" then she hang up. "Oh, this is going to be so much fun."
Napapailing na lang ako na humalukipkip sa upuan. I'm so dead right now. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit bunansagang mad queen si Gretchen. This girl is just really freaking crazy.
"Don't worry, I'm sure Alyssa will come for you." Kim said.
Wala naman akong duda ro'n. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano napasama si Alyssa sa dalawang to.
Sinulyapan ko ang wrist watch. Kailangan ko nang makauwi. If not, then I wouldn't hear the end of it from my mom. Worse, mommy might have another fit because of this.
Sana wag 'yon mangyari. Dahil patay na kung sakali.
***Green 😈
Di ba mabait naman ako sa kanila? Haha. Wala. Ang astig kasi nila.
Please bear with my writing na lang po.
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Undeniably (AlyDen)
FanficIf there is really a God out there who's listening to me, please save Dennise. Please, let me have her. I beg you.