Chapter 29

2.7K 56 2
                                    

Pagtikhim ng daddy ni Dennise ang bumasag sa sandaling katahimikang namamagitan sa amin dito sa kanyang opisina sa ospital.





"Sa napaka igsing panahon ng pagkakakilala natin, itinuturing na kitang anak, Alyssa." Napatingala ako sa gulat dahil sa sinabi nito.







"Hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari na dahil alam kong alam mo kung gaano ko kamahal ang asawa ko, pero humihingi ako ng kapatawaran sa inyong dalawa ni Dennise." Tumingin ito sa akin.






"Matagal ko na din kayong napatawad Sir. Kung ang sarili ninyong anak ay napatawad kayo, sino po ako para hindi magpatawad at magtanim ng galit."  Oo. Naiintindihan ko na si Tito Mike. Para kay Dennise tatanggapin ko ng buo ang pagkatao ng mga magulang nito. Tatanggapin ko ang lahat lahat, dahil mahal na mahal ko siya.





"Salamat Iha, Salamat. Gusto ko lang malaman mo na ayokong panghimasukan ang relasyon ninyo ng anak ko, dahil alam ko at nakikita ko sa mga mata niya ang kasiyahan tuwing nagkukwento siya tungkol sa iyo. Sana'y alagaan mo siya ng mabuti at wag sasaktan. Mahal na mahal ko siya, Alyssa."



Umunat ako sa pagkakaupo. Salamat sa diyos at tanggap nito ang relasyon namin. "Mahal na mahal ko din po ang anak ninyo Sir. Wag po kayong mag alala dahil hindi ako gagawa ng kahit ano mang ikasasakit ng damdamin niya. Kaya rin po ako naparito ay para hingin ang kamay ng inyong anak. Balak ko na po sanang pakasalan si Dennise." There I said it. Halos panawan na ako ng ulirat dahil kanina pa ako ninenerbyos.







Seryoso lang ang mukha nito sa narinig. Ilang sandaling katahimikan ulit ang namayani bago ito sumagot. "Hahayaan ko kayong magdesisyon para sa inyong dalawa at ibinibigay ko ang basbas sa inyong dalawa ni Dennise. Tama na rin siuro ang pagtawag mo sa akin ng Sir." Ngumiti ito. "Please Call me Mike. Or Tito, Tito Mike or Dad. Kung san ka mas komportable, Iha." Sukat sa narinig ay umaliwalas ang mukha ko. Yes. May basbas na si Dad, este si Tito Mike!





"Thank you S-sir. Ah, T-tito. D-dad." Nauutal na sagot ko. Nakatanggap tuloy ako ng mahinang tapik sa balikat sa nakangiting si Tito Mike.




Nagkwentuhan lang kami ni Tito mike tungkol kay Dennise. Natigil lang ang mumunting halakhak namin ng may kumatok at umawang ang pinto ng opisina nito.



*

"Tama ba ang narinig kong sinabi ni Alyssa, Dennise?" Humihingi ng kompirmasyong sabi ni Tito Mike. Pinipigilan kong mapatawa sa napaka seryosong mukha nito.





Naguguluhang napatingin sa akin si Dennise. Why so cute babe? Unti unting sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi ko at kinindatan ko ito. Siya namang pagtaas ng kanyang kilay. Nang bumaling siya kay Tito Mike ay natagpuan na lamang niya ang sarili na tumatango. Hahaha! I got you babe!






"Bueno! Bakit hihintayin pa natin ang pagdating ng ilang buwan. I want you to get married as soon as possible!"





Bago pa makagalaw si Dennise tumayo na si tito mike at niyakap ito. "You have my assurance and blessing anak, magiging maligaya ka sa piling ni Alyssa. I know, she will take good care of you..." yumuyogyog na ang balikat nito senyales na umiiyak na ito. Oh babe. Kinagat ko ang labi ko para pigilin din ang luha, luha ng sobrang kaligayahan.



Paging doctor Lazaro. Paging doctor Lazaro, to emergency room please.

Paging doctor Lazaro. Paging doctor Lazaro, to emergency room please.



Tinanguan ako ni Tito at lumabas na ito as soon as he heard the paging at the intercom. Napangiti ako. Yakap yakap ko na ngayon ang soon to be wife ko. "O tama na yan, sinisingaan mo na favorite shirt ko o." Biro ko dito.





"Eh. Nakakainis ka. Di mo man lang ako binigyan ng heads up. Nakakahiya tuloy kay daddy. Di man lang ako nakasagot." Nagmamaktol na sinuntok suntok nito ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang mapahalakhak ng malakas.





"Ouch! Babe, nakakarami ka na ah." Pilit kong pinipigilan ang kamay niya. Tinitigan ko ito ng mataman. Her blue marble eyes. How I love this girl. My Dennise. Pinunasahan ko ang nangilid na luha sa kanyang mga mata.






"I will take care of you babe. Mahal na mahal kita." Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ang singsing sa bulsa ng pantalon ko. "Will you spend your lifetime with me babe, will you marry me? "






This time, isang matamis na ngiti ang sumungaw sa mga labi nito. Her smile. Her smile that captivated my heart. Not the fake one but her genuine smile. Masaya ako, at alam kong masaya din ito ngayon. Hindi man nito sabihin, nababasa ko ito sa kanyang mga mata.



Napatakip ito ng bigbig at tuluyan ang pag agos ng masaganang luha na naglalandas sa kanyang pisngi. Still. She's looking at the ring I am holding. Inhale, exhale, Alyssa.


"Babe?" Sabi ko na namamawis na. Ilang sandali pa ang lumipas bago ito sumagot.



"Yes! Babe. I want to spend my lifetime with you. And yes, I will marry you."




Wow! Yes! Napatalon ako sa kaligayahan. Isinuot ko ang singsing sa kanyang daliri, I gave her na quick peck on her lips and I hugged her tight. My wife. Ang sarap isipin. And I can't wait to say it to her everyday. Wala na akong mahihiling pa.






"Babe, wala ka bang aaminin sa 'kin?" I suddenly asked. In my serious face.




Nagulat ito sa narinig. "What do you mean, babe?"




Tumahimik ako at tinitigan siya ng maigi. "That you're kinikilig na right now. Aminin!" At humagalpak ako ng tawa. Hahaha!




"Alyssa!" Hinabol ako nito at naghabulan kami dito sa loob ng office ni tito mike. Hahaha! Super flexible talaga ng babe ko, pinagkukukurot ako nito sa tagiliran ng mahabol ako nito. "Why do you always have to ruin my mood! Ugh! Nakakainis ka talaga!" Mamumulang sigaw niya.





"Babe! Sorry na! Awat na! Mamumula na o." Pagmamakaawa ko. Ang pula pula ng tagiliran ko. Ouch!




"Ikaw kasi! Patingin nga! " itinaas nito ang polo ko at hinawakan ang namumulang pinagkukukurot niya. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Malakas talaga ang epekto ko sayo Lazaro. Hehe.


"O babe! Tsansing na yan ah!" Aruy! Sinuntok nito ang tyan ko.




"Alyssa! Bahala ka nga!" And the fierce girl appears. Akmang tatalikod na ito pero hinawakan ko siya sa kanyang bewang. I hugged her tight, ipinatong ko ang baba ko sa balikat nito at bumulong.







"I love you so much, babe. My wife. My Dennise. Dennise Michelle Garcia Lazaro-Valdez."




And as if on cue, our heart beats in one rhythm...






"I love you too, babe. My Alyssa. My Valdez. And yes, kinikilig ako."






***Green 😍



Ihhh... sinong kinikilig? Itaas ang mga paa. Hehe!

Undeniably (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon