Chapter 17.0

2.5K 66 2
                                    

Kakatapos ko lang maghilamos at magpalit ng pantulog. Sumilip ako sa bintana ng maliit na dampa kung san ako naro'n. Kasalukuyan akong nandito sa bahay nina tata simon, ang matandang nagsisilbing tagapagsalita ng buong barrio.




Naghanda ito ng kaunting hapunan para pasalamatan kami sa pagpunta. Hindi ko matanggihan ang matanda kaya nagpaiwan na lang ako. Tutal babalik pa rin naman kami dito bukas para sa pangalawang araw ng medical mission.





Lahat ng student volunteer ay bumiyahe na patungo sa hotel accomodations. Halata sa mukha ng mga ito ang pagod kaya hinayaan ko na lang sila na umalis. Kapag kasi nagpaiwan ang mga ito hanggang hapunan, tiyak na madaling araw na ang dating ng mga ito sa hotel. Nagdesisyon akong maiwan dito pero may isa pa na hindi ko inaasahan na magpapaiwan.


Si Alyssa.




Pagkasabi na pagkasabi ko na magpapaiwan ako, agad ding sinabi nito na magpapaiwan din ito, na labis na hindi ko maintindihan. Noong una ay nagtataka ako, pero mabilis din itong napalitan ng pag aalala. Sa klase kasi ng ugali nito, baka may masabi itong hindi maganda kapag hindi nagustuhan ang mga pagkain na ihahain sa'min. I couldn't let her offend the kind people who were living here. But to my surprise, nothing of that sort happened.






Alyssa accepted the food given to her graciously. Hindi lang yon, magiliw pa nitong kinausap ang mga tao na kasama namin. Maging kanina, walang reklamong tumulong ito sa pagtatayo ng tent pati na rin ang pamimigay ng canned goods at bigas. Hindi lang yon, nakipaglaro pa ito sa mga bata na walang humpay na kinukit ito. Ang akala ko nung una ay may nakain lang itong masama kaya umaakto ng ganon. But then I thought, maybe that was just another side of her. A side that she had not been able to show to others until now. If that was true, I'm glad because I had the chance to see it.





Lahat ng iniisip ko nong umpisa na maaring mangyari nang sabihin ni chancellor na kailangan isama si Alyssa ay hindi nangyari. Wala itong ginawa para sirain ang mission. She was at her best behavior, well, as best as I hoped for. Hindi ito nakipag away o nakipagtalo sa kahit na sino. She didn't even give nasty retorts to people talking to her. She even made the shy Joanna talk to her. Kung meron man akong mairereklamo ngayong araw, that would be the fact that she couldnt just seem to keep her hands to herself.




Buong araw, kapag may pagkakataon ito na makalapit sa'kin, wala itong ibang ginawa kundi ang hawakan ako. She would touch my hands, my arms, my shoulders. Ilang beses rin niya akong niyakap ngayong maghapon. Alam ko ginagawa lang nya yon para asarin ako. Dahil alam niya na hindi ako mag re react ng bayolente sa kahit ano pang gawin nito. Ang hindi nito alam ay kung ano ang naging epekto ng mga pinaggagagawa niya sa 'kin. Nakakainis.





Ilang beses kong naramdaman na sasabog na ang puso ko dahil sa ginagawa nitong pagyapos yapos sa 'kin. Akala ko nga aatakihin na ako sa puso dahil don. Ilang beses kung naramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko tuwing nagkakalapit kami. Hindi ko talaga lubos maisip ang dahilan kung bakit ganito ang epekto niya sa 'kin.

Or maybe, you have an idea Dennise pero pilit mo lang itinatanggi. Ay ewan!


Kahit ano pang gawin kong pag iisip, iisa at iisa ang magiging konklusyon. I am attracred to her. To Alyssa. Kung may nakapagsabi lang siguro sa'kin  one month ago na posible akong makaramdam ng ganito kay Alyssa malamang sa malamang pinagtatawanan ko na ang taong yun. Thr only problem is, I never knew Alyssa the way I knew her now. I didnt spend time with her the way I spent time with her now. Because the simple fact was, Alyssa is not really the jerk everyone thought she was.





Oo maaaring hanggang ngayon ay gumagawa pa rin si Alyssa ng mga bagay na ikinaiinis ko. She might be annoying and irritating, but hindi ko masasabi na masama ang ugali niya. At napatunayan ko na 'yon. Kung masama ang ugali nito, hindi nito aasikasuhin ang mga taong lumapit at nagtanong kanina. Hindi nito pasasalamatan si Tata simon dahil sa masarap na pagkain na inihanda nila. At hindi ito makikipaglaro sa mga bata sa barrio with that elated expression on her face.





Habang pinapanood ko ito kanina, lihim kong hiniling na sana ay manatili ang ganong klase ng ekspresyon ng mukha nito. Because I always felt this incredible warmth in my heart whenever I saw her smile and laugh. Napasandal ako sa bintan at napapikit. Maybe I wasn't really attracted to her, maybe, at some level, I actually like her.





Muntik na akong mapasigaw ng may isang pares ng malalamig na kamay ang bigla na lang dumampi sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mga mata mukha ni Alyssa ang agad kong nasilayan. She's looking at me as if she's.... worried?




"Ayos ka lang ba? Do you feel sick?" Tanong nito na idinampi pa ang noo sa noo ko, like she's feeling my temperature.



Dagli akong lumayo rito at tinalikuran ito para hindi nito makita ang pamumula ko. "I'm F-fine." Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero wala pa ring tigil ang pagwawala ng puso ko. Damn this stupid heart. Stop beating crazy for once, would you?




"Then come outside, let's go for a walk."



Nilingon ko ito at napansin na nasa labas pala siya ng bahay. "It's late baka may makasalubong pa tayong mabangis na hayop dyan."



"Hindi naman tayo lalayo. Come on."



Ilang sandali ko itong tinitigan. Nang hindi ito mukhang magpapatinag sa gustong gawin ay napabuntong hininga na lang ako.





"Fine. Magjajacket lang ako."







***Green 😕

Sorry guys! Pinalitan ko. Parang nakukulangan kasi ako sa interaction nila. May 17.1 pa siguro to at 17.2 hehe. Peace!
Back track na lang po kayo. Salamat.

Undeniably (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon