"Hello? Nasaan ka na?" Tanong ko sa kabilang linya habang palinga-linga sa paligid. "I'm already here." Nandito ako ngayon sa back entrance ng university at hinihintay si Alyssa.
"Malapit na 'ko." Sagot nito.
Napapailing na pinindot ko ang End Call button. Kanina lang, pagkatapos ng class ko ay nagtext ito na sinabing hintayin ko siya dito sa back gate ng university.
Kung tutuusin pwede ko siyang tanggihan. Wala na sa obligasyon ko na sundin ang mga gusto nito dahil tapos na ang medical mission at wala na itong pinanghahawakang leverage. Tatlong araw na lang at matatapos na rin ang one-month deal namin.
Isang linggo na rin ang nakararaan mula ng pumunta kami sa Barrio Asinan. Puro papuri ang natanggap namin sa matagumpay na medical mission at pati na rin sa tagumpay na naisama ko si Alyssa.
Sinabi ko non sa sarili na kapag natapos na ang medical mission ay wala ng dahilan para sumunod ako dito. Pero hindi ko rin natupad. Because until now, I'am still following her like a fool. At hindi ko alam kung bakit. Kinukumbinsi ko na lang ang sarili that it is only because I just wanted to keep my end of the bargain. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Simple lang ang rason, because I wanted to be with her and I wanted to spend more time with her. At ang pagsunod dito ang tanging paraan na nakikita ko para makasama ito. Kaya hindi ko din alam ang gagawin sa oras na matapos na ang deal.
We are not friends, to begin with. Ni hindi ko alam kung ano ang relasyon naming dalawa ngayon. Magkaibigan ba o simpleng magkakilala? Nakaka frustrate.
Napabuntong hininga na lang ako. Kung bakit kasi naramdaman ko pa to kay Alyssa. My life would definitely be more peaceful kung hindi nahulog ang loob ko rito. Yes. I fell.
The impossible had happened and I fell in love with Alyssa. And I had absolutely no idea what to do with this feelings. Ito ang kauna unahang nakaramdam ako ng ganito para sa kahit na sino.
Yong tipong simpleng ngiti lang niya, pakiramdam ki sasabog na ang puso ko. O yong hindi ako makatulog sa gabi kasi hindi siya mawala sa isip ko? Napasapo ako sa noo. Crap. At kailan pa ko naging ganito ka-corny?
Mabuti na lang at nadadala ko pang panatilihing kalmado ang expression ng mukha ko kundi tiyak na makakahalata na si Alyssa.
Naputol ang pag iisip ko ng makarinig ako ng sunod sunod na pagbusina sa likuran. Lumingon ako rito and I almost caught my breath when I saw her rising her big bike towards me. She looked like a bad-ass hero wearing her signature leather jacket and driving that Black Harley. And hanggang balikat nitong buhok na madalas na nakalugay ay nakapusod ngayon. Kulang na lang dito ay black shades at bandana and she would look like a biker gangster straight out of a movie.
Huminto ito sa harap ko. "Hop on."
"What do you mean 'hon on?"
"I'm telling you to ride my bike because I'm taking you out to dinner."
Excitement that's what I first felt. Kakain kaming dalawa sa labas ni Alyssa. Pero agad ding napalis ito. Hindi ako pwedeng gabihin sa uwi.
"I-I can't. Papagalitan ako sa 'min kapag masyado akong ginabi ng uwi."
"Dennise, you're already twenty. Hindi ka na bata. I'm sure hindi naman magagalit ang parents mo if you went out and had some fun."
And that was the problem. I never really gone out with anyone or had fun with anyone. Kahit nga si Ella na pinakamalapit ko na kaibigan ay hindi ko pa nakakasamang lumabas.
Nagulat ako ng hawakan nito ang mga kamay ko. "Come on it will be fun. I promise." Dugtong pa nito. "And it's my treat. Minsan lang ako manlibre, you shhould take advantage of it." Napahigpit ang paghawak nito sa mga kamay ko. Tiningnan ko ito at napalunok sa seryosong expression ng mukha nito na nakatitig sa'kin. Her brown eyes starring at me. "If you say no, I'm going to kidnap you."
Nagbibiro ba 'to o ano? My heart couldn't help but feel frantic because of the serious way she looked at me. This girl just so sly. How could I say no when she looked like that? Binawi ko ang kamay rito.
"F-fine. Tatawag lang ako sa bahay para magpaalam."
Isang maluwang na ngiti ang naging tugon nito. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Lumayo ako ng kaunti para hindi nito mapansin ang pamumula ko. Ugh. I dialed on our house's telephone number.
"Si mommy?" Isa sa mga maids ang sumagot rito.
"Kakaalis lang po, Señorita Dennise. Pupuntahan po yata ni Ma'am ang daddy niyo sa hospital."
Thank God. Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at wala pa si mommy sa bahay. I wasn't really good at lying to mom. Nasanay kasi ako na laging sinasabi ang ginagawa.
"Gano'n ba? Pakisabi na lang sa kanya na baka gabihin ako sa. May gagawin kasi akong project with my classmate. Baka hindi na rin ako makatawag kasi low batt na tong phone ko and I'm sure magiging super busy ako kaya mawawalan ako ng time na tatawagan siya. Magpapahatid na lang ako pauwi sa classmate ko." Nang umoo ito pinatay ko na agad ang tawag. Paglingon ko napansin ko na nakatitig ito sa'kin, halatang nakikinig. "What?"
"Nothing. Napansin ko lang na hindi ka pala talaga magaling magsinungaling."
"Ano naman ang ibig mong sabihin don?"
"Wala naman." Bumaba ito sa big bike nito at kinuha ang helmet na nakatago sa ilalim ng upuan. Pagkatapos ay lumapit ito. "But I think it's a good trait. Yon nga lang, it will leave you at a disadvantage. Good thing na magaling kang umarte. Kung hindi, you wouldn't be able to hide that terrible temper of yours."
"Says the person who doesn't have a temper."
Tumawa ito. "True enough. And maybe that's why we suit each other."
Hindi na ako nakasagot dahil isinuot na nito ang helmet na hawak at hinila pasakay sa big bike.
Hanggang makaalis ay hindi na mawala sa isip ko ang huling sinabi nito.
That were suited for each other.
***Green 😉
Umagang kayganda.
Kaygandang umaga.
Para sa inyong nagbabasa.
Maraming salamat at meron pla.Bow. Enjoy!
BINABASA MO ANG
Undeniably (AlyDen)
Fiksi PenggemarIf there is really a God out there who's listening to me, please save Dennise. Please, let me have her. I beg you.