.
Mahigit isang buwan ng naninirahan sina Jade sa bahay ni Althea. At tinanggap na rin nya ang inoffer nitong trabaho bilang cashier sa restaurant ni Althea. Sabay rin silang umaalis ng bahay at ganon rin sa pag uwi. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ay napapansin na rin ng nanay ni Jade na may espesyal na pag tingin si Althea para kay Jade. Pero nanatili itong tahimik. Inaantay na mag sabi to sa kanya.
"Oh hija ang aga mo naman nagising. Ako na diyan at mag handa ka na para sa trabaho mo. Baka mahuli ka pa"
Bati ng ina ni Jade, ng maabutan nito si Althea sa kusina na busy sa pag hahanda ng kanilang almusal.
"Ma'am kayo po pala yan. Magandang umaga po. Pag hahanda ko po kayo ng kape sandali lang po"
Magalang na bati ni Althea sa matanda. Pero agad din siyang pinigilan nito.
"Nako wag na hija, ako. Tska wag na ma'am ang itawag mo saakin. Nanay nalang o Nay, masyadong magalang pag ma'am kasi sayo kami naninirahan."
Sabi ng matanda kay Althea, habang naka ngiti ito. Kaya napangiti nalang din si Althea dito.
"N-nay"
Napangiti nalang ang matanda sa pag tawag sa kanya ni Althea.
Masaya silang nag bonding ng nanay ni Jade sa kusina hanggang sa naisipan na ni Althea. Na tanungin ito kung papayag kung sakaling may man ligaw sa anak nito.
"Nay paano po kung may manligaw kay Jade papayag po ba kayo?"
Tanong ni Althea na medyo kinakabahan na kung anong isasagot ni nanay.
"Uhm depende yun sa kagustuhan ni Jade. Sino ba naman ako para tutulan kung sino ang taong magugustuhan at mamahalin nya. Bakit anak may kilala ka bang gustong manligaw sa anak ko?"
Nag tatakang tanong ng matanda at napatingin kay Althea na mukhang kinakabahan.
"N-nay... kung.... kung.... liligawan ko..... po ba... si-si Jade? Magagalit po ba kayo?"
Utal utal at kinakabahan sabi ni Althea kay nanay. Kaya napangiti naman ang matanda sa kanyang tinuran. At bahagyang hinaplos ang kanyang mga pisngi. Bago nag salita
"Bakit naman ako magagalit? Alam kong napakabuti mong bata Althea. Kaya umaasa ako na hindi mo sasaktan ang aking anak."
Naka ngiti nitong sabi habang patuloy sa pag haplos sa kanyang magandang mukha.
"Pangako po hinding hindi ko po sasaktan si Jade. Nay"
Naiiyak na sabi ni Althea. At agad na napayakap sa ginang.
"Alam ko una palang may pag tingin ka na sa aking anak. Dahil sa mga titig mo."
Biro ng ginang kay Althea. Kaya agad naman nag blush siya.
"Masyado na po ba akong halata?"
"Hindi naman."
❤❤❤
Pag katapos ng masayang almusal ay agad ng pumunta ang laberds sa kanikanilang trabaho. Pero siyempre hinatid muna ni Althea si Jade, para masiguro nitong maayos na mamakarating sa trabaho.
"Oh ayan na pala ang couple of the year!"
Nakakalokong bungad ni Wila kina Jade at Althea. Kaya si Althea todo ngiti at halatang kilig na kilig 😍