8

2.7K 176 33
                                    

.

Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan nila Althea at Jade. Ay agad na sinundo ni Carding ang magkasintahan. Si Carding ang dating manliligaw ni Althea. Ngunit ng ipagtapat ni Althea ang totoong preperence nya ay maluwag sa puso nito na hanggang kaibigan lang ang kayang isukli sa kanya ni Althea. Ngayon ay masaya na ito sa piling ng asawang si beth. (😂)

"Uy Carding! Namiss kita"

Bati agad ni Althea ng makita niya ito palapit sa kanilang direksyon..

"Althea.. namiss ka din namin. Lalo na ng inaanak mo."

Sabi nito ng yakapin sya ni Althea.

"Talaga?a Namimiss ko na din si Precious.. uhm nga pala Cards si Jade asawa ko. Uhm love si Carding kababata ko

Pagpapakilala ni Althea sa dalawa. Agad naman nagkamay ang dalawa. Ngumiti naman si Jade kay Carding.

"Talaga Thea? May asawa ka na . Ang tagal mo na kasing wala dito. Kaya madalang na kaming magkameron eh balita sayo."

Sabi ni Carding kay Althea.

"Sorry masyado lang naging busy sa trabaho."

Pag papaliwanag ni Althea.

Mag mula kasi ng masaktan si Althea ng iwan sya ng dati niyang kasintahan ay nag pasya siyang lumayo sa lugar kung saan sila lumaki. Upang makakalimot sa sakit na nararamdaman. Tutol man ang pamilya nya na lumayo siya wala na silang nagawa.





















Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay nila Althea. Medyo may kalumaan na ang kanilang bahay. Ngunit malaki ang lupaing nasasakupan nila. Kaya naman namamangha si Jade sa mga nakikita nya.

Naunang bumaba si Althea. Kaya inalalayan nito si Jade na makakaba ng sasakyan. Nakasunod naman si Carding na bitbit ang kanilang mga gamit. Masayang masaya sinalubong ng mga magulang ni Althea ang mga bagong dating. Mahigpit na yakap ang sinalubong ng ina ni Althea sa kanya. Ganun din ang ama nito.

Pag katapos ng yakapan ay bumaling naman ang tingin ni Althea sa kasama nito at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Jade.

"Mama, papa. Si Jade po girlfriend ko." Ngiting pakilala ni Althea sa mga magulang nya.

Napangiti naman ang papa nya at sinalubong ng mahigpit si Jade. Kaya napayakap nalang din ito sa matandang lalaki. Samantalang ang ginang ay seryoso lang nakatingin kay Jade.

"Naku anak manang manang ka talaga kay papa kay galing pumuli ng babae.." ngiting sabi ng papa ni Althea sa kanya.

"Siyempre ako pa paba papa? Mana po ako sainyo." Ngiting sagot din nito sa ama.

"O siya ija welcome sa pamilya.. masaya ako at napapasaya mo itong unicaija ko." Ngiting sabi nito kay Jade.

Napansin naman ni Althea na nakatinging lang ang mama nya kay Jade na seryoso ang itsura.

"Mama di nyo po ba gusto si Jade?"

Tanong ni Althea sa kanya ina. Nag iwas naman ng tingin ang ginang at nagsalita.

"Halina kayo nag pahanda akong ng mga paboritong mong pagkain althea."

Sagot ng ginang sa kanila. At nauna ng naglakad papasok ng bahay. Tinap lang ng tatay ni Althea ang kanyang balikat. At sumunod ma sa asawa.

Nag alalang tumingin naman kay Jade at mahigpit parin ang mga hawak niya sa kamay ng kasintahan.



"Sorry love kung ganun ang pakikitungo sayo ni mama. Ah? Baka nagulat lang siya na ang pogi nyang baby ay may baby na."

Now That I Found YouWhere stories live. Discover now