13

1.9K 108 17
                                    

.








"Basta love mag iingat ka ha? Tawagan moko pagkatapos na pagkatapos ng isasagawa nyong misyon ah?" Nag aalalang sabi ni Jade kay Althea ngayon araw kasi isasagaw ang pag raid sa pagawaan ng shabu.

"Oo naman love. Diba nga? Promise ko sayo? Papakasalan pa kita? At gagawa pa tayo ng madaming anak diba?" Lokong biro ni althea dito. Kaya nahampas naman sya ni Jade.

"Puro ka naman kalokohan althea eh. Seryoso kasi mag iingat ka dun love. Mahal na mahal kita." Seryosong sabi ni Jade.

"Opo mahal ko. Promise na promise babalik ako babalikan kita mahal na mahal din kita Jade" sabi ni Althea at unti unti pinag lapit ang kanilang mga labi na agad naman tinugunan ni Jade. Puno ng pagmamahal ang binibigay nilang halik sa isat isa. Si Althea na ang unang pumutol ng halikan nila at napangiti.

"Uhm paano love? Aalis na ako ah? Baka ibang laban pa ang mapuntahan ko eh." Nakakalokong sabi ni Althea dito.


"Sira! Huhu basta love mag iingat ka ha? Wag mo kalimutan tumawag saakin ah?"

"Opo mahal ko so paano alis na ako ah." Paalam ni Althea kay Jade nag kiss pa itong muli bago tuluyan umalis.











***

"Ano bespren? Ready ka na ba?" Bungad na bati ni Batchi dito. Tipid naman napangiti si Althea dito bago sumagot.

"Kinakabahan ako batchi. Pero kaya ko to. Kaya natin toh." Pag papalakas ng loob ni Althea sa sarili.

"Sus ikaw paba bespren? Alam kong kayang kaya mo yan. Dont worry nandito lang kami. Babackup sayo."


"Salamat batch." Ngumiti lang si althea bago yumakap sa kaibigan. Kinakabahan may pero kailangan nyang gawin para kay Jade.




***








Panay naman ang lakad ni Jade sa living room ng bahay nila. Dahil hindi talaga sya mapakali dahil sa pag aalala kay Althea. Ilang oras na rin mula ng nakaalis ito sa bahay ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin syang natatanggap na tawag mula rito. Sari sari sernayo ang kanyang naiisip. Pero pilit nya itong nilalaban at patuloy na nag dadasal na sana ay walang panganib na mangyari kay Althea sa babaeng mahal na mahal nya.



Ilang oras pa ang nakalipas at gnun parin sya nag aabangan ng tawag mula kay Althea.







Calling unknown number......

Nagulat si Jade ng tumunog ang kanyang telepono at dali daling sinagot ito.

"Hello" bati nya sa kabilang linya



"Ikaw ba si Jade Tanchingco?"


"O-opo. Si-sino po ba ito." Tanong nya na nauutal dahil sa kaba. Narinig pa nyang napatawa ang nasa kabilang linya.




"Hahaha so ikaw ang kasintahan ni officer guevarra?" Tanong nitong muli.



"O-opo. A-ako nga po may nangyare po ba sa kanya?" Kinakabahan may ay lakas loob pa rin nyang tinanong ito.



"Kung gusto mo pa siyang makitang buhay ay pumunta ka rito inaantay ka na nya."

Nangaasar na sabi pa ng mga dumukot kay Althea.



"Saan lugar yan. Sabahin mo at ppunta ako. Huwag na huwag nyo lang sasaktan si Althea. Na kikiusap ako sa inyo." Pakiusap ni Jade habang naiiyak na.


"Mag madali kang pumunta dito kung gusto mo pang maabutan ang minamahal mo."




Sabi nito at agad pinatay na ang tawag. Nanghihina naman napabagsak si Jade sa sahig dahil sa sobrang pag iyak. Maya maya pa ay tumunog na ang telepono at natanggap na nya ang address kung nasaan si Althea. Nag mamadaling lumabas si Jade ng bahay at sumakay ng taxi. Hindi na nya nakuha pang mag paalam sa kanyang ina. Dahil sa pag mamadali at takot na hindi maabutan ng buhay ang babaeng minamahal nya.








'Diyos ko huwag nyo naman po sanang pabayaan si Althea mahal na mahal ko po sya. Iligtas nyo po sana siya at wag hayaang mapahamak kung nasaan man po siya ngayon amen.' Mahinang panalangin ni Jade na hindi mapagilang mapaiyak dahil sa sobrang pag aalala kay Althea.











Nangmarating ni Jade ang lugar kung nasaan naroroon si Althea ay dali dali nya itong tinungo. At wala ng sinayang na sandali. Lakad takbo ang ginawa nya. Naka receive naman siyang muli ng text mula sa mga kidnaper ni Althea.


'' nasa rooftop ang babaeng mahal na mahal mo. Bilisan mo kung gusto mo pa siyang maabutang buhay''

Pagkabasa nya sa text ay mabilis niyang tinungo ang papuntang rooftop. Sobrang naninikip na ang kanyang dibdib sa sobrang takot na baka hindi na nya maabutan pang buhay si althea. Inip man sya sa loob ng elevator ay matiyaga pa rin nyang inantay makarating ito sa rooftop. Pagkabukas na bukas ng pinto ay agad syang lumabas at dali daling tinungo ang daan patungon rooftop.










Pagkabukas na pagkabukas nyang ng pinto ay laking gulat nya sa mga sumunod na nakita nya. Napatulo nalamang ang kanyang mga luha. Dahil sa kanyang mga nasaksihan




































"A-Althea"


















TBC!


AN: short update guys!!! Maybe monday ang nextupdate 😊

huhu pero anyare kaya kay Althea? 😢😢😢
Sana makaligtas pa siya sa mga kidnaper nya 😭

👇VOTE AND COMMENT👇

Now That I Found YouWhere stories live. Discover now