7

2.8K 120 5
                                    

.

Naisipan ni Althea na mag bakasyon sa probinsya nya kung saan sya lumaki. Para pormal na din na maipakilala niya si Jade sa kanyang mga magulang. Kaya nag file siya agad ng one month leave upang makapag bakasyon sila ng husto. Dahil masyadong nagiging busy sya sa trabaho. Pero kahit masyado siyang nagiging busy sa trabaho ay di parin nya nakakalimutan ang obligasyon nya bilang girlfriend ng ni Jade. Mas dumoble pa ang pagiging sweet at caring nya dito. Araw araw nyang ipinaparamdam dito kung gaano nya ito kamahal. Naalala nya tuloy ang araw na sinagot na sya ni Jade. Iyon kasi ang pinaka masayang araw sa tanang buhay nya. Kaya napapangiti tuloy siya ng hindi nya namamalayan.



"Ano ba yan irog. Ang creepy ng ngiti mo ah."

Basag ni Jade sa pag babalik tanaw nya sa araw ng sagutin nya toh.


"Irog?"

Tanong nya sa endearment na itinawag sa kanya ni Jade.


"Uhuh"

Sagot ni Jade habang kumakain ng popcorn. Nag momovie marathon kasi sila. Sunday kasi at dayoff nila sa kani-kanilang mga trabaho.


"Ang corny naman nun love." Sagot ni Althea kay Jade.

"Bakit ayaw mo? Diba ganun pag inlove ang isang tao nagiging corny?" Sagot din ni Jade kay Althea

"Wag na kasi yon mahal. Masyadong corny eh."

Maktol ni Althea kay Jade. Kaya napatawa naman si Jade dito.

"Nahiya naman ako sayo irog! Nung nanliligaw ka nga eh. Ubod ka ng ka kornihan sa mga pinag sasabi mo eh."

Sinamaan na siya ng tingin ng kaharap nya. Dahil sa pag tawag nya ulit ng irog.

"Hahaha joke lang mahal. Toh naman. Ang cute kaya ng tawagan na 'irog ko' kilig kaya mahal."

"Haha duhh mahal. Pang lumang panahon na yan eh. Mga ninuno pa natin ang nag tatawagan ng ganyan."

Natatawang sabi ni Althea dito.

"Anyway mahal bakit ka nga pala naka ngiti kanina ng maabutan kita dito? Siguro naiisip mo na naman mga babae mo ano?"

Birong tanong ni Jade kay Althea. Kaya napalaki ng triple ang bilugang mata ni Althea. Dahil sa sinabi ni Jade.

"Anong babae ang pinag sasabi mo dyan? Oh well. Babae nga ang aking naiisip kaya ako napapangiti sa hangin."


Biro ni Althea na may kasamang nakakalokong ngiti.

Kaya nakatanggap sya ng isang malakas na hampas at kurot sa kanyang tagiliran. Dahilan upang mapasigaw siya.





"Aray naman mahal. Mapanakit ka."



"Sinasabi ko na nga ba eh may babae ka eh. I hate you mag break na tayo dun ka na sa babae mo."

Galit na sabi ni Jade dito. Kaya lalo siyang napangiti. Dahil ang cute cute nitong mag selos sa sarili nya



"Nag selos ka naman agad mahal. Di mo ba muna itatanong kung sino yun babae na yon?"




"At bakit ko naman itatanong pa ang pangalan ng babae mo? Para saan sugurin ko? Pwes nag kakamali ka diko gagawin yun noh! Manigas ka."


Galit na sabi ni Jade at akmang tatayo na ito ng pigilan siya ni Althea.

"Wait lang naman mahal. Wala akong babae okay? At kung bakit ako nakangiti nang maabutan mo ako ay naalala ko ang araw na sinagot mo ako. Kasi hanggang ngayon mahal ko. Kinikilig pa rin ako sa i love you mo."



Paliwanag ni Jade. Kaya di nya maiwasan di mahiya sa kanyang inasal. Nag selos kasi sa kanyang sarili.

"Tse"

Iyon na lamang ang kanyang naisagot dahil nahihiya pa rin siya.


"Yiiee wag ka ng mag selos dyan mahal ko. Mahal na mahal kita Jade. At hindi hindi kita ipag papalit kahit kanino man."

"Promise? Hindi pramis?"

"Promise"

Sagot ni Althea sabay taas ng kanang kamay nya.

"Mahal na mahal din kita Althea. Ikaw ng for keeps ko."

Kinilig na naman ulit si Althea sa sinabi ni Jade. Kaya isang mabilis na halik sa labi ang ginawad nya dito.




"Haha ninja ka talaga mahal lagi kang nang nanakaw ng halik."

"Uhm ni nakaw mo naman ang puso ko eh 😉"


"Uhm nga pala mahal. Gusto ko mag bakasyon sa probinsya. At gusto ko rin sanang sumama ka saakin kayo ni nanay. Para pormal na kitang maipakilala nanay at tatay. Yun kung okay lang sayo?."


Alanganin tanong ni Althea dito. Bakas kasi sa mukha ni Jade na kinabahan to ng mabanggit na ipapakilala na siya sa mga magulang nito.



"Oo naman mahal. Bakit hindi diba? Para maka bakasyon ka naman sa trabaho mo."

"Talaga payag ka na? Dont worry mahal mababait naman sila nanay lalo na si tatay. Tanggap na tanggap nila ang preference ko. Kaya alam kong matatanggap nila tayo."



"Talaga mahal? Kung ganon excited na akong makilala sila."

Sabi ni Jade. Pero ramdam parin nya ang kaba sa kanyang dibdib. Madaming scenario ang pumapasok sa kanyang isipan pero pilit nyang inaalis yun. Hanggat kasama kasi nya si Althea ag hindi sya natatakot harapin kung ano mang problema sa buhay.
















****

Ngayon ang araw ng lipad nila Jade papuntang probinsya nila Althea. Dumaan muna sila sa RK upang mag bilin ng ilang trabahong maiiwan ni Jade doon.



"Uy girls mag iingat kayo sa biyahe ah. Hoy officer baka naman pabayaan mo itong si Jade."

Paalala ni Wila sa kanila lalo na kay Althea.

"Tsk. Daig mo pang jowa kung mag bilin ka eh."

Inis na sabi ni Althea dito.

"Pinapaalalahanan ko lang ikaw. Di baleng wag ng ikaw. Basta si Jade ang ligtas."

Biro nito. Kaya napasama na ng tingin si Althea dito.

"Ang sama talaga ng ugali mo wila. Pag balik ko dito. Sisisantihin talaga kita."

Banta nya dito.

"Hep tama na nga yan. Para kayong mga bata dyan tsk. Basta besty mag iingat kayo ni Althea sa biyahe nyo ah? At tska i kamusta nyo rin kami kina nanay at tatay"

Bilin din ni Sally sa kanila.


"Oo naman besty. Mag iingat kami dun. Kayo rin ha. Mag iingat din kayo dito. Tska mamimiss ko kayo. Isang buwan din kaming mawawala."



"Wag nyo din kalimutan yun mga pasalubong namin ha."



Hirit na naman ni Wila. Kaya napatawa na si Jade dito.

"Oo naman. Nakalista na ang mga bilin nyo."




Sagot naman ni Jade.



"So paano alis na kami? Bye girls."


Paalam ni Jade at ni Althea sa mga kaibigan si batchi ang mag hahatid sa kanila patungon airport.



















































TBC!


***




Enjoy reading mga irog! 😁😁

Now That I Found YouWhere stories live. Discover now