.
Jade's POV
After 6years...
kumusta na nga ba ang puso ko? Eto masaya parin naman kahit minsan meron mga bagay na hindi nagkakaroon ng pagkakaintindihan. Well ganun naman siguro talaga diba ang isang relasyon? Dumadaan sa ups and down. Nasasaatin nalang kung paano natin ito hahawakan.
Flashback....
After sagutin ako ni Althea sa akin panliligaw. Ay araw araw ko pinaramdam na mahal na mahal ko sya. Kasi unang kita ko palang sa kanya ng iligtas nya ako sa masasamang loob ay alam ko na sa sarili ko na siya na ang taong makakasama ko pang habang buhay.
Pero lahat ng kaligayahan kong yon ay may katapusan pala. Dahil nahuli ko si Althea na may kahalikang ibang babae. Halos gumuho ang mundo ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dala ng sobrang sakit. Dahil lahat na ng pagmamahal ay ibinigay ko na pero sa huli hindi pa rin ito sapat. After ng mga nakitang kong panloloko saakin ni Althea mabilis akong umalis ng bansa dahil ko na kaya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
3months after ng breakup namin ni althea o may breakup ba kami talaga o wala. Ay pinagpatuloy ko parin buhay ko mahirap sa una pero sa katagalan ay nakasanayan ko na rin. Dahil unang una wala akong mapapala kung mag mumukmok lang ako sa apat sulok ng kwartong tinutuluyan ko.
Hindi rin maiiwasan na may mga manligaw saakin mapa babae man o lalaki. Ineentertain ko naman. Kung wala akong maramdaman ay tinatapat ko na ito na wala talaga silang pag asa. Kesa umasa pa sila sa wala. Kung masasaktan ay dapat hanggang maaga palang ay malaman na nilang wala na silang pag asa. Paikot ikot ikot lang ang naging buhay ko sa NewYork kung saan bansa ako naroroon. Sa umaga ay mag ttrabaho. At sa gabi ay uuwi. Paminsan nakikipag date
Until one morning came. May nag iwan ng 3 red roses sa harap ng pintuan ng apartment na tinutulayan ko. At may isang not na mailit na nakapatong dito.
"Hi miss sana nagustuhan mo ang tatlong pulang rosas na handog ko para saiyo. Tatlo para I LOVE YOU! 💋"
Nag Mamahal
G.A ❤
Napataas nalang ang aking kilay sa taong nag padala ng tatlong pulang rosas. At napapaisip rin ako kung sino ang taong ito. Ito kasi ang unang beses na may nag padala saakin ng bulaklak na kapwa pilipino. Kadalasan kasi ay foreinger ang nanliligaw saakin.
Nandito ako ngayon tahimik na nag iintay sa taong halos isang buwan na nag papadala saakin ng bulaklak at notes. Sa loob ng isang buwan. Diko maiwasan na hindi mahulog sa taong ito. Kaya ng ayain nya akong mag makipag kita ay di na ako nagdalawang isip na pumayag. Kaya nga heto ako tahimik na inaantay kung sino man ang taong nasa likod ng bulaklak at notes na natatanggap ko. Pero kahit na nahulog na ako sa taong ito ay hindi ko pa rin maiwasan hindi maisip si Althea. Kumusta na kaya siya? Sa kabilang parte ng puso ko ay nalulungkot pa rin ako sa kaisipang hindi kami ang tinadhana para sa isat isa. Siguro nga ganon talaga ang pag ibig. Kung sino yun minahal mo ng sobra ay yun pa ang hindi talaga para sayo. Kaya kahit nasasaktan pa rin ako ay handa na akong tanggapin na hindi talaga kami para sa isat isa ni Althea.
Kinakabahan ako pero at the same time excited akong makita si G.A curious ako sa taong to. Maya maya ay may nag bukas ng pintuan. Pero napakurap kurap ako ng makilala ko ito. Halos di na ako makahinga sa sobrang kaba lalo na ng palapit ito sa kinaroonan ko.