ONM- 1

19.2K 267 52
                                    

Ako nga pala si Mitsu,
I'm a single mother. My baby girl turned 7 last july 26. Siya ang buhay ko at ang aking lakas.

Nabuntis ako no'ng ako ay nasa 2nd year college pa lamang. Halos isumpa ako ng parents ko. Adopted lang kasi ako. Namatay ang mother ko no'ng ako ay grade 6 pa lang.

Isa siya sa biktima ng lumubog na barko noon. Ang Tita at Tito ko ang parents ko. Kapatid ni mama ang kinikilala kong Mommy.

Matalino naman ako kaya isa siguro iyo sa dahilan kung bakit sila 'yong nagpalaki sa'kin.

My honors ako noong grade school at first honor noong high school. Naging scholar ako noong college sa isang maganda at malaking university.

Isa rin siguro 'yon sa reason kung bakit hindi kami naging gano'n ka-close ni Johana, ang ate ko at nag-iisang tunay na anak ng kinalakihan kong mga magulang.

Madalas kami naikukompara na dalawa. 2 years lang ang agwat namin. Kahit nokng bata pa kami bully na siya sa akin kasi 'di naman kami magkatulad ng buhay na kinalakihan.

Single mother din kasi ang biological mom ko. Ang sabi noon, kasamahan niya sa Kuwait ang tatay ko at tinakasan siya noong malaman na buntis siya.

Nang mabuntis ako nawala ako sa scholarship. Iyon iyong masakit. Nahinto ako sa pag-aaral kaya sobra 'yong galit ng parents ko, sabi nila sinayang ko 'yong mga ginastos nila sa'kin.

Sa sobrang hiya ko sa kanila, nag-working student ako. Pumasok ako sa isang fastfood kapag umaga at nagna-night student ako.

Sa awa ng Diyos, natapos ko ang course ko na Hotel and Restaurant management. Nag-concentrate ako sa pastry at baking. Iyong isang professor ko noong college nag-retired na pala at noong minsang nagkita kami sa mall inalok niya ako kung type ko daw maging Chef sa bagong bukas niyang resto sa Pampanga. Dahil gusto ko na rin na mabawasan ang stress ko sa parents ko sinama ko ang anak ko at doon na ako sa Pampanga nag-work bilang Pastry Chef.

Nagalit na naman uli iyong parents ko noong sinabi ko iyong desisyon ko. In fairness naman sa kanila, mahal naman nila ang anak kong si Noreen. Naging mabuting grandparents naman sila pero buo na ang loob ko kaya ngayon magti-three years na kami sa Pampanga. Kung may mga holiday lang umuuwi kami sa Manila at dinadalaw ko 'yong parents ko.

Then last month nakatanggap ako ng phonecall sa Mommy ko, gusto niyang umuwi kami this month kasi ikakasal na daw si ate Johana.

Aside sa mamamanhikan daw iyong family ng lalaki, susukatan daw iyong anak ko kasi kinuha kasi ni ate Johana na flower girl at ako naman daw ay isa sa mga bridemaids. Medyo nagulat lang ako kasi hindi naman ako updated sa lovelife niya. Hindi naman kami close lalo na at nagtampo ako sa kanya dahil noong buntis ako, isa siya sa mga taong may mga pinakamasasakit na sinabi sa'kin at hindi basta iyon mawawala sa isip ko.

Nagkuwento si Mommy na na-meet daw ni ate Johana 'yong lalaki sa work tapos isa raw sa head ng department ni ate iyon. Then after one year nagpasya na ngang mag-propose kay ate Johana.

Wala naman akong idea about sa guy kasi nag-deactivate na'ko ng facebook 3 years old palang ang anak ko. Sapat na kasi sa'kin 'yong less social media kasi busy naman akong tao.

Then after ilang days, si ate naman 'yong tumawag. nagkuwento siya ng kaunti pero hindi naman ako interesado pero bakas sa boses niya na sobrang saya niya. Excited siya and good for her.

Pinayagan akong lumuwas ng boss ko, dumiretso kami sa bahay namin at sakto andoon sina ate pero lumabas yata iyong fiancé niya at may binili raw. Nagpaalam ako saglit sa kanila kasi naubusan ng gatas 'yong anak ko. Kinakailangan ko siyang bilhan.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon