ONM-6

5.4K 145 5
                                    

Kinabukasan maagang lumuwas pabalik ng manila si Byron.Buo na ang pasya niyang kausapin ang pamilya ni Mitsu lalung-lalo na ang ate Johana nito na kanyang mapapangasawa.

Pagdating ni Byron sa Manila ay duon na siya nagpahated sa bahay nila Johana.Ayaw na niyang patagalin pa ang problema dahil baka mas lalo lang na lumala pa.At isa pa gustong-gusto na niyang makasama ang kanyang anak.

Pagdating ng taxi sa bahay ng kasintahan agad siyang bumaba sa tapat ng bahay nito.Agad siyang nag doorbell at pinagbuksan naman siya ng ina ni Johana.

"Oh Byron anak ikaw pala.Pasok ka nasa loob ng bahay si Johana."sabi nito sa kanya na nakangiti pa na ginantihan niya naman.

Agad namang pumasok sa loob ng bahay si Byron at hinanap ng kanyang mga mata ang kasintahan at hindi naman siya nabigo nakita niya itong nanunuod ng tv sa sala nila.Agad niya itong nilapitan at hinalikan sa noo bago siya nag salita.

"Babe pwede ba tayong mag-usap na tayong dalawa lang?may sasabihin sana akong napaka importanteng bagay sayo at sana sa sasabihin ko eh maiintindihan mo ako at san mauunawaan mo rin ako anu man ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko kasi mahal na mahal kita."Sabi ni Byron na malungkot pagkat mahal niya talaga si Johana pero mahal niya rin ang kanyang anak at gusto niya rin itong mabigyan ng buo at kumpletong pamilya kaya sana matanggap ito ni Johana kung talaga mahal siya nito kasi gagawin niya ang lahat para kay Noreen.

Pumunta silang dalawa sa kwarto ni Johana para doon mag-usap ng masinsinan.Ayaw kasi ni Byron na marinig ng magulang ni Johana ang pag-uusapan nila kahit pa alam na niya,na alam narin ng mga ito ang tungkol sa nakaraan nila ni Mitsu at ang naging bunga nga ay si Noreen.

Saka na lang niya kakausapin ang mga ito kapag na ayos na niya ang sa kanila ni Johana. Nakukonsensya rin siya kahit papaano kasi magkapted pa talaga ang dalawa na hindi niya naman alam kung hindi niya nakita si Mitsu sa bahay ng kasintahan.

Siguro kung sinabi lang sa akin ni Mitsu noon na nabuntis ko siya nung may nangyari sa amin hindi sana naging ganito ka komplekado ngayon at sana matagal ng buo ang pamilya namin.At sana matagal ko na silang nakasama pero hindi ko naman masisisi si Mitsu sapagkat alam niyang kaibigan lang ang turing ko sa kanya noon at lasing lang kami ng may mangyari sa amin.Pero nangyari na kaya itatama ko nalang ang lahat .

"Johana babe alam kung malapit na tayong ikasal.At gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.Pero kasi may mga bagay talaga na di mo aakalaing bigla nalang dadating sa buhay natin.Babe yung anak ni Mitsu si Noreen yung pamangkin..."Hindi na natapos ni Byron ang kanyang dapat na sasabihin pagkat ito ay pinutol na agad ni Johana.Tinignan ito ni Byron na pareho na pala silang umiiyak din nasasaktan si Byron makita ang kasintahan na umiiyak at siya pa ang naging dahilan pero kailangan niyang aminin dito ang lahat bago sila magpakasal para wala ng magiging problema pa sa kanilang dalawa.

Tumingin ito sa kanya na lumuluha.Makikita sa mga mata nito ang sakit galit at pagkamuhi na alam niyang siya ang may kagagawan.Pero nakahanda na siyang harapin ang lahat ng galit nito mapatawad lang siya ng kasintahan. Dahil kung maaga niya lang sana nalaman na may anak pala siya baka hindi ito nangyayari sa kanila ngayon.

"Anu sasabihin mo sa akin na anak mo si Noreen?pwes alam ko na Byron at alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun?oo alam ko ngayon lang ulit kayo nagkita eh at ang masakit pa alam mo kung ano ha Byron yung malaman ko na ang tatay pala ng pamangkin ko ay ang fiancee ko.Sabihin na nating pareho nating lahat na hindi alam at aksidente lang ang nangyari pero masakit eh masakit na masakit at ang mas lalo pa akong nasaktan kasi doon ka sa kanila nag stay imbes na tulungan ako para sa kasal natin."sabi ni Johana sa kanya na sumisigaw at iyak ng iyak.

Nagulat man si Byron pero hindi niya pinahalata pano kaya nalaman ni Johana na kila Mitsu siya nakatira ng ilang araw eh wala naman siyang pinagsabihan at alam niyang hindi rin sasabihin ni Mitsu sa ate niya dahil lalong gugulo ang sitwasyon.

"Ano nagulat ka ba kung paano ko nalaman na anduon ka sa kanila?pumunta kasi ako duon para sana kausapin si Mitsu pagkagaling niya dito sa bahay.Pero nasurpresa ako sa nakita ko nakita lang naman kita na naglalaro kayo ni Noreen at masayang-masaya pa kayo.Kaya mas lalo lang akong nasaktan kasi kung kilan pa na ikakasal na tayo saka pa nangyari ang lahat ng ito.Diba nga bubuo naman tayo ng pamilya?pwede naman na pabayaan mo na lang si Noreen kay Mitsu total sanay na naman sila na silang dalawa lang at isa pa hindi naman alam ni Noreen na ikaw ang kanyang ama kaya okey lang naman yun eh mananatili na lang na lihim yun babe."sabi pa ni Johana na parang nagmamakaawa pa kay Byron pero hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kasintahan kasi parang gusto nito na abandunahin niya na lang ang kanyang anak na hindi niya kayang gawin pagkat mahal niya ito.

"Babe Johana makinig ka sa akin okey?Babe mahal na mahal kita pwede mo namang tanggapin si Noreen diba bilang anak natin at isa pa pamangkin mo naman mo rin naman siya hindi ba babe.Hindi na naman iba sayo yung bata eh mas madali nga yun para sayo eh isa pa mabait naman na bata ang anak ko at matalino pa kaya ipaiintindi na lang natin sa kanya ang sitwasyon namin ng mommy niya babe sana maintindihan mo mahal ko rin si Noreen ngayon ko nga lang siya nakasama kaya huwag mo naman sanang ipagkait sa akin yun.Sabi pa ni Byron kay Johana na lumuhod pa sa harapan nito at panay ang tulo ng luha.

"No ayoko pagnakasal na tayo guato ko bumuo tayo ng sarili nating pamilya at mga anak ko lang ang kilalanin mo na anak wala ng iba Byron ayoko ng may kahati sila sa pagmamahal mo.Kahit pamangkin ko pa si Noreen ayoko parin at gusto kung mananatiling lihim na anak mo siya.Ayaw kung malaman ng iba naming kamag-anak at mga kakilala natin na may anak ka sa ibang babae naiintindihan mo ba dahil malaking kahihiyan yun sa pamilya pagnagkataon at hindi ko na matatanggap yun."sabi nito na galit na galit.

Dahil sa narinig ni Byron na pananatilihing lihim sa lahat ang anak niya at itatago pa ay bigla na lang uminit ang kanyang ulo hindi niya ito matatanggap bigla nalang siyang umalis na walang paalam sa bahay ng kasintahan kailangan niya mag isip ng mabuti para sa ikatatahimik ng lahat.




One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon