ONM-17

8.9K 230 107
                                    

Agad na kinausap ni Mitsu si  aling Elle pagkababa niya bitbit niya rin ang anak na si Noreen.

"Nanay Elle pwede po ba akong tumulong muna sa tindahan niyo pansamantala?huwag po kayong mag alala marunong naman din po akong magluto dahil nakapagtapos po sa ng korsong HRM ganyan din po ang trabaho  ko dati sa manila bago kami lumipat dito sa lugar niyo."sabi ni Mitsu sa matanda na naka ngiti pa kaya ngumiti din ang matanda sa kanya na para bang tuwang tuwa pa ito sa narinig mula sa kanya.

Nagsimula ng tumulong si Mitsu sa karenderya at hindi na niya namalayan ang oras hindi na rin niya napansin na kanina pa pala naka masid lang sa kanya sa Byron.

Pinakatitigan siya ni Byron mula sa malayo para bang natatakot ito na mawala sa paningin niya ang mag ina

Nakahanap narin siya ng mapapsukan na trabaho kaya hindi na siya mag aala pa para sa kanyang mag ina

At gagawin niya ang lahat para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay

Gabi na ng magsara sila Mitsu dahil sa napakaraming mga costumers na kumakain kanina sabi pa nga ni nanay Elle eh swerte daw ang pag dating nila sa kanilang mag asawa dahil marami daw talaga ang nasarapan ng kanilang panindang pagkain.

plano din niyang magdagdag ng kakanin para maka dagdag income para sa pag aaral ng anak niya sa susunod na pasukan.

Samantalang matapos titigan ni Byron si Mitsu ay nilapitan niya na ito para yayain ng umuwi alam niya kasing pagod ito sa maghapon na pagluluto at asikaso narin sa mga costumer nakita pa niya kanina kahit gabi na madami parin ang bumibili ng ulam at kumakain at alam niyang nag iinjoy naman ito sa ginagawa

Napapangiti nalang si Byron sa nakikita at ipanagdadasal nalang niya na sana ay bumalik na sa dati ang kanilang anak para mas lalo ng maging masaya si Mitsu at alam niya sa sarili na unti unti naring nahuhulog ang kanyang loob sa nanay ng kanyang anak sana hindi pa huli na mawala ang nararamdaman sa kanya.

Gusto niya na kapag bumalik na sila sa manila ay ok na ang lahat na wala ng galit sa isat isa si Mitsu at ang pamilya nito pero sa ngayon parang malabo pang mangyari yun.

Iniisip din niya na panu kaya kung sundan nila si Noreen papayag kaya si Mitsu?minsan narin na may nangyari sa kanilang dalawa at hindi na nasundan pang muli.

Napapangiti nalang si Byron sa iniisip kung anu ano nalang kasi ang pumapasok sa utak niya

Nilapitan niya nalang si Mitsu para maiwaglit ang mga na iisip kanina

"Mitsu tapos naba kayo?pwede na ba tayong umuwi kanina pa tulog si Noreen at para makapagpahinga ka naman"sabi niya dito

"Ah oo tinatapos ko nalang ligpitin itong mga kalat tapos uuwi na tayo ikaw kamusta naman ang paghahanap mo ng trabaho?"sabi ni Mitsu na nakangiti pero makikita sa mukha ang pagod sa maghapong trabaho

"Ok naman naka hanap na ako ng mapapasukan magsisimula na rin ako bukas kaya huwag kana mag aalala ok?sabi ni Byron kay Mitsu sabay halik sa noo nito

Sabay na nga silang umuwing dalawa kalong kalong ni Byron ang anak sa isang kamay at nakayapos naman ang isang kamay sa baywang ni Mitsu malalarawan sila ng isang buo at masayang pamilya.

Pagdating sa bahay agad ng diniritso ni Byron ang anak sa kanilang silid samantalang si Mitsu naman ang pumunta sa banyo para mag shower at makapagbihis

Paglabas ni Byron sa kwarto tamang tama naman na tapos ng magbihis si Mitsu

"Halika kana magpahinga na tayo alam kung pagod na pagod ka sabi ni Byron kay Mitsu" na sinunud naman nito at humiga narin sa kama nilang dalawa dahil magkatabi silang matulog tuwing gabi

Noong una ay naaasiwa pa si Mitsu pero kalaunan ay nasanay narin ito na katabi siya pero niririspito niya parin ito kaya laking pagpipigil niya sa kanyang sarili na maangkin muli ang nanay ng kanyang anak

Nakukuntento nalang siya sa nakaw na sulyap dito at minsan hinahalikan niya kapag tulog na ito

To be continued

A/N:sorry po sa matagal na update sana nandyan parin ang mga readers ko😀😀maraming salamat din sa mga naglalagay ng story ko sa mga reading list nila...salamat din sa mga nag vovotes...nag cocoments😀😀😀😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon