ONM-13

3.6K 94 8
                                    

Pagkatapos mag ligpit ni Mitsu ng mga gamit nila ni Noreen ay agad na silang umalis sa bahay nila.Kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta oh dadalhin ni Byron ay wala na siyang magagawa pa sapagkat ito na mismo ang nagdesisyon at wala na itong planong makawalan pa sila ng anak niya sa paningin nito dahil nahuli na siya sa balak niyang umalis kasama ang anak.

Agad silang nagpahatid sa  termenal ng bus.Pagkadating duon ay agad silang sumakay sa bus na hindi alam kung saan sila patungo ang importante kasi dito ay ang makalayo sila sa paningin ng kanyang ate Johana at ina.

Pagka akyat na pagka akyat ay agad siyang sinabihan nito."Matulog na muna kayo ng anak natin Mitsu maaga pa naman gigisingin ko nalang kayo mamaya ng anak natin kung saan man titigil ang bus na ito malayo layo din ang babyahein natin."Sabi ni Byron sa kanya na hindi man lang siya sinusulyapan alam niyang galit parin ito at may sama ng loob sa kanya sa dahil sa plano niyang ilayo ulit ang anak dito.

"Saan ba talaga tayo pupunta Byron?saang lugar ba papunta itong bus?"sinulyapan lang siya ni Byron pero hindi nito sinagot ang mga tanong niya  kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang manahimik na lamang.

Tinignan niya nalang ang kanyang anak na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ng bus.Hanggang ngayon kasi ay malungkutin parin ito at tahimik. Masyado na silang nag aalala para dito hindi  na nila alam kung anu ang gagawin nila.Sana sa lugar na pupuntahan nila ngayon ay doon makalimutan ni Noreen ang nangyari sa kanya.

Nakatulog ang mag ina sa  byahe dala narin siguro sa subrang pagod.Pasulyap sulyap lang si Byron sa kanyang mag ina.Talagang nagalit siya ng malaman niya na may balak na namang ilayo ni Mitsu si Noreen sa kanya pero hindi niya naman ito masisi kasi kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Pero sadyang makitid lang talaga ang utak ni Johana kaya hindi nito maintindihan ang sitwasyon nila kung tanggap lang sana nito ang bata hindi na aabot sa ganito ang lahat.Mababaliw tagala ako pag inilayo pa ni Mitsu sa akin ang anak ko hahanapin at hahanapin ko parin sila kahit saan sila magtago malaki ko na nga nakita ang bata tapos ilalayo na naman sa akin?

Hindi ako katulad ng ibang ama na walang pakialam sa anak nila.kahit hindi niya ako nakasama simula ng maliit pa siya at hindi niya man ako kilala sa ngayon na ako talaga ang totoong ama niya ay hindi parin ako maka papayag na mawalay pa siya sa akin.Babawi ako sa anak ko aalagaan at mamahalin ko siya ipaparamdam ko sa kanya na may ama siya na hindi siya bunga ng isang pagkakamali lamang.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon