ONM-16

4K 107 17
                                    

Pagkatapos mag-usap nila Byron at may-ari ng bahay ay umakyat na sila sa taas para magpahinga.

Niligpit muna ni Byron ang mga gamit nila samantalang si Mitsu naman ay binihisan ang anak na si Noreen.

"Anak kilan kaba babalik sa dati mis na mis na kita."sabi ni Mitsu sa anak niya

Tinitigan ni Noreen ang kanyang ina at saka niyakap kaya bigla nalang napaiyak si Mitsu kasi para sa kanya sign na ito na unti unti ng bumabalik sa dati ang anak kaya tinawag niya si Byron sa tuwa niya.

"Byron ang anak natin niyakap niya ako ito na ata ang sinyalis na na unti unti na siyang babalik sa dating siya."Sabi ni Mitsu kay Byron na makikita ang galak at tuwa sa mukha.

Agad naman lumapit si Byron sa kanyang mag-ina niyakap niya ang mga ito dahil sa tuwa para sa anak.

"Salamat sa dios at gumagaling kana anak mis na mis kana namin ng mommy mo sana tuloy tuloy na yan hayaan mo dito hindi kana masasaktan ng kahit na sino pinapangako ni daddy sayo yan sorry kung hindi man lang kita napagtanggol noon sa tita Johana at Lola mo."Sabi ni Byron sa anak na umiiyak din at nagulat pa siya na niyakap din siya ng anak.

"Mitsu patulugin muna si Noreen pati ikaw magpahinga kana rin alam kung pagod ka sa byahe"sabi ni Byron at ipinagpatuloy na ang ginagawa

"Eh ikaw dapat magpahinga kana rin alam kung pagod ka rin pwede naman bukas na ayosin ang mga gamit natin ako na ang bahala diyan magpahinga kana rin."Sabi rin ni Mitsu kay Byron.

Magpoprotista pa sana si Byron pero sa huli napilit din siya ni Mitsu na matulog dahil narin sa subra nilang pagod kaya pagkahiga nila ay nakatulog silang tatlo

Kinaumagan maaga nagising si Byron siya narin ang nagluto ng kanilang almusal plano niya kasi maghanap ng mapapasukan kahit pansamantala lang muna hanggat wala pa siyang permamente na trabaho balak niya na sa susunod na taon nalang pag aaralin ang anak.

Ginising niya ang kanyang mag ina at sabay na silang kumain na tatlo pagkatapos nila kumain siya narin ang naghugas.

Planu niyang kausapin ang matandang lalaki baka sakaling may alam ito na pwede niya extrahan ng trabaho kahit may kaunti siyang naipon ay hindi pwedeng duon niya nalang iaasa ang lahat may pamilya na siya ngaun kaya kailangan niya ng magsikap ng mabuti napapangiti nalang si Byron sa sarili niya.

"Mitsu maghahanap ako ng trabaho huwag kayo masyado maglalabas dito sa  bahay alam mo naman dilikado."Sabi ni Byron kay Mitsu at paalala narin dito

"Saan ka naman maghahanap ng trabaho eh wala pa naman tayong kakilala dito at tyaka nag aalala ako baka may makakilala sayo diyan sa labasan. "Sabi ni Mitsu na may pag aalala sa mukha

"Huwag kang mag alala walang makakakilala sa akin sa atin dito malayo na tayo sa pamilya mo pero syempre kailangan parin natin ng doble ingat mahirap na at magpapatulong ako sa matanda sa baba para kahit extra lang muna may trabaho ako."pagpapanatag ni Byron kay Mitsu na naiintindihan naman ng huli kasi kasama na sila ng anak sa binubuhay nito hindi na puro sarili nalang nito.

Pagkaalis ni Byron ay nag isip din si Mitsu kung anu ang kanyang pagkakaabalahan balak niyang mag apply sa tindahan ng may ari ng bahay kasi HRM graduate dib naman siya so walang magiging problema.

Tama at kapag nakapag ipon na siya sila ni Byron pwede din naman siguro silang magtayo ng maliit na tindahan oh kaya naman ay makipagkasosyo nalang siya kay aling Elle.

Napangiti nalang si Mitsu dahil sa iniisip at sana magtagal kami sa lugar na ito.


Short update guys😊😊


A/N:Salamat sa mga nag aabang di kuna po iisaisahin alam nyo na po kung sinu kayo😊😊at salamat din sa mga na cocoment...nag vovotes at mga silent reader sana wag kayong magsawang basahin ang update ko salamat...godbless po😊😊

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon