ONM-14

3.8K 107 7
                                    

Pagdating nila sa lugar kung saan tumigil ang bus ay saka na ginising ni Byron ang kanyang mag ina."Mitsu,baby Noreen gising na andito tayo bababa na tayo."Pupungas pungas pa ang dalawa ng magising.

"Halika na kayung dalawa bababa na tayo kakain muna tayo sa madadaanan nating kainan bago tayo humanap ng bahay na mauupahan."Sabi ni Byron sa kanila at binuhat ang anak at ilang bag nila.Sumunod na lamang na tahimik si Mitsu kay Byron maya niya na lang ito tatanungin kung anung pangalan ng lugar na napuntahan nila.Masyado pa siyang pagod sa byahe at masakit din ang kanyang ulo mahaba haba din ang oras ng inilagi niya sa kakaupo sa loob ng bus.

Pinagmasdan lang ni Mitsu si Byron at na buhat buhat si Noreen na tahimik lamang na naglalakad sa daan.Bigla niya nalang na tanong sa sarili kung kilan kaya babalik sa dati ang anak niya.Mis na mis na kita anak yung masayahin mong mukha sa isang iglap lang nawala.

Hindi namalayan ni Mitsu na lumuha na naman pala siya.Napasin naman agad yun ni Byron kaya binitawan muna nito ang dala at agad siya nitong nilapitan.Nagulat naman si Mitsu na bigla nalang siyang niyakap ni Byron.Siguro akala nito eh umiiyak siya dahil hindi siya nito pinapansin mula ng umalis sila sa bahay nila.Kaya niyakap niya nalang ito pabalik pati ang anak nila.

"Byron galit kapa ba sakin?sorry na talaga hindi ko naman sinasadya na gusto ko ulit ilayo sayo ang anak natin eh masyado lang magulo ang isip ko tyaka nasasaktan ako na makita siyang subrang naapiktohan sa nangyari sa kanya."

"Pasinsya kana rin sa akin Mitsu masyado lang akong nasaktan sa gusto mong gawin panu pala kung di ko na isip na may balak kang ilayo sa akin si Noreen malalaman ko nalang wala na kayo sa bahay?Mitsu kahit iwan mo pa ako at isama ang anak natin hinding hindi ko na babalikan ang kapated mo masyado ng malaki ang kasalanan na nagawa niya sa anak natin tignan mo nga si Noreen naging malungkotin at tahimik na bata wala na ang masayahing Noreen."Sabi ni Byron kay Mitsu na nag hihisterekal na dala narin ng galit na ngayon lang nailabas nito sa kanya.

Hindi agad nakapagsalita si Mitsu sa mga pinagsasabi ni Byron sa kanya dahil kahit siya ay nagulat din kaya niyakap niya nalang ulit ito at umiyak ng umiyak sa balikat nito.

"Sorry talaga ha Byron di na mauulit na ilalayo ko sayo si Noreen alam ko naman na siya talaga ang pipiliin mo sana dito sa lugar na pinuntahan natin babalik ang sigla ng anak natin."Sabi ni Mitsu kay Byron na kahit may luha ang mga mata ay nakangiti na.

"Oh tama ng iyak halika na maghahanap pa tayo na makakainan at matutuluyan ntin pansamantala kahit ngayung gabi lang bukas nalang ulit tayo maghahanap ng bahay na paupahan dito narin siguro mag aaral si Noreen dito natin bubuoin ang pamilya natin."Sabi ni Byron na nakangiti sa kanyang mag ina.

Sa wakas nakahanap na rin sila ng makakainan may na daanan kasi silang maliit na karenderya."Ate pa order po kami ng kanin at ulam."Si Byron na ang umorder para sa mag ina niya ng pagkain plano niya kasi magtatanung din siya kung may nagpapaupa ng bahay dito.Gabe na kasi at kailangan ng magpahinga ng mag ina niya alam niyang pagod na ang mga ito sa byahe kahit siya ay pagod narin.Pagod ang kanyang utak sa kakaisip ng gagawin sa mga susunod na araw at pagod rin ang katawan sa byahe hindi talaga siya natulog sa buong byahe sapagkat natatakot siya na baka pagmakatulog siya eh paggising niya wala na ang kanyang mag ina.

Hindi niya kasi alam kung anu ang tumatakbo sa utak ni Mitsu pa bago bago ito ng iniisip at naiintindihan niya naman yun kaya minsan napapraning na talaga siya.Ikaw ba naman ngayon mo lang makasama ang anak mo hindi mo itinuloy ang kasal mo para sa anak mo tapos sa huli ilalayo na naman sayo ang bata hindi ka kaya mababaliw tapos ang masakit pa nakakasama mo ang bata pero hindi ko pa masabi sabi na ako ang kanyang ama na hindi kunwari lang ang lahat ng ginawa ko para sa kanya.Kaya gagawin ko ang lahat para sa anak ko para kay Mitsu para bumalik na sa dati ang sigla ng aming anak sana dito sa lugar na pinuntahan namin hindi na kami masusundan ni Johana.

"Ate may alam po ba kayong bahay paupahan dito?baguhan po kasi kami dito ng asawa at anak ko wala po kaming kalilala ni isa."pag papaliwanag ni Byron sa tindera ng pinagkainan nilang karenderya.

"Ah baguhan lang po pala kayo dito iho naku kung gusto mo meron akong bahay na pinapaupahan pwede naman yun sa inyo kasi mukhang tatlo lang naman ata kayo ng anak at asawa mo.At saka mura nalang yun para sa inyo sa maynila paba kayo galing ng pamilya mo?hayaan mo mamaya dadalhin ko kayo duon pagkasarado ko ng aking tindahan kami lang naman ng asawa ko duon sa baba ng bahay kasi nasa abroad ang anak kung babae nagtatrabaho."Paliwag ng matandang tindera kay Byron na ikinatuwa niya sapagkat hindi na sila mahihirapan maghanap pa ng bahay.

"Maraming salamat po talaga ate hindi na po ako mahihirapan na hanapan ng matutulugan ang aking mag ina masyado na po kasi silang napagod sa napakahabang byahe namin mula manila."Hindi na niya tinama ang sinabi ng matanda na galing sila sa maynila.Pero sa isip isip ni Byron kahit hindi sila kilala kailangan parin nila mag ingat sa binibitawang salita kaya imbes pampanga ang lugar na dapat sabihin niya eh maynila nalang para walang problema.Kailangan na nilang mag ingat ngayon at dapat sa lahat ng tao mag asawa ang dapat nilang ipakilala baka hindi sila mabuko.

Matapos niyang magpasalamat sa matanda ay binalikan na ni Byron ang kanyang mag ina."Kinausap ko pala ang may ari ng tindahan at sinabi niya na duon nalang daw tayo uupa sa bahay nila kasi silang dalawa lang ng asawa niya."Sabi ni Byron na natutuwa sa magandang ibinalita kay Mitsu.

Huminto muna sa pagkain si Mitsu bago sinagot si Byron."Talaga?mabuti naman kung ganun atlis hindi na tayo mahihirapan maghanap ng mauupahan mabait parin ang panginuon sa atin."Sabi ni Mitsu na nakangiti at parang nabunutan ng tinik dahil sa mga iniisip dagdagan pa na wala silang kakilala sa lugar akala nila mahihirapan sila makahanap ng matutulugan ngayung gabi.

"Aantayin nalang natin na magsara sila ng tindahan para sasama na tayo sa bahay niya.Mitsu dapat magpanggap tayo dito na mag asawa dahil yun ang alam nila para makaiwas tayo na mabuking nila tayo."paliwanag ni Byron kay Mitsu tumango nalang ito sa kanya at hindi na nagsalita pa.

          To be continued

A/N:Maraming salamat po sa mga nag aabang at nag lalagay ng mga stories ko sa reading list nila...maraming salamat din sa mga nagbabasa at nagvovote at mga silent reader...thank you guys...godbless po...😊😊

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon