ONM-4

6.8K 162 14
                                    

Nakita ko si ate Johana na papasok ng bahay .Hindi ko magawang eh hakbang ang mga paa ko para lapitan siya.Natatakot ako sa pwedeng mangyari oras na masabi ko sa kan'ya ang pakay ko.

"Anu ba ang mahalagang sasabihin mo sa akin at tinawagan mo ako kanina at gaano ba ka halaga at importante ba talaga yan?"tanong ni ate sa pagkakita niya sa akin.

Pero hindi paman ako nakakapag salita ay inunahan na ako agad ni mommy."Wala ka namang sasabihin sa ate mo hindi ba mitsu?"sabi ni mommy sa akin na hanggang ngayon ay nakikita ko parin mukha niya ang galit.At sinasabi sa mga tingin niya sa akin na humanda ako pagnakagawa ako ng maling hakbang.

Pero hindi ako nagpatinag sa mga tingin ni mommy. Hinarap ko ang galit ni mommy sa akin.This time hindi ko na siya pinakinggan bahala na kong ano ang mangyayari pagkatapos nito. Bahala na kung ano ang gagawin niya oh ipahiya man niya ako sa trabaho ko wala na akong pakialam.Basta ang nasaisip ko lang ngayon ay mabigyan ng buong pamilya ang anak ko.

Alam ko pagkatapos kong sabihin sa kanila ang tungkol ky Byron at Noreen ay itatakwil na ako ng pamilya ko lalo na si mommy kasi mapapahiya daw si ate at ang pamilya namin pag hindi natuloy ang kasal.Pero masisisi niyo ba ako kong ngayon ay mas iisipin ko naman ang buhay namin ng anak ko?oo minsan nasabi ko na tahimik na ang buhay namin ng anak ko na masaya na kaming dalawa lang at kontento na ako doon.Pero nagbago ang tahimik namin na buhay ng magkita kami ni Byron sa hindi inaasahang pagkakataon.Nang magkita kami sa mall at sa bahay ng parents ko simula ng matuklasan niyang may anak pala ako.

Nilapitan ko si ate at lumuhod ako sa harapan niya."Ate im sorry sana mapatawad mo po ako hindi ko naman po kasi alam noon na ang Fiancee mo pala ay ang tatay din ng anak ko.Tyaka natakot din po ako na kung sabihin ko ang totoo sa inyo eh ba hindi kayo maniwala kaya nanahimik nalang ako tapos nakikita ko pa sa mukha mo na masaya ka talaga kaya hinayaan ko na lang."Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko yan kay ate at nakita ko sa mukha niya na nagulat siya,nasaktan at nakita ko rin ang galit.Oo alam ko galit siya sa natuklasan niya kasi sa umpisa palang ng ipakilala niya kami sa isat-isa ni Byron ay hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

Hindi ko naman kasi alam na susundan kami ni Byron sa Pampanga pagkatapos ng araw na nagkita kami sa bahay ng parents ko Hindi ko rin eneexpect na gustong makilala ni Byron si Noreen kasi hindi ko naman sinabi na nagbunga ang isang gabi na may nangyari sa amin.

Tumayo ako para sana yakapin si ate.Pero tinulak niya ako at sinampal alam ko kasalanan ko kong sinabi ko nalang sana sa kanya siguro baka naintindihan pa ni ate pero huli na eh nangyari na at hito na nga mababago ang lahat nakita ko rin na umiiyak si ate.Alam kong masakit rin sa kanya lalo pa at ikakasal na sila.

"Umalis kana Mitsu.Habang nakakapagtimpi pa ako sa sarili ko at baka kong ano pa ang magawa ko sayo.Mga walang hiya kayo.Lalo kana itinuring pa naman kitang kapated tapos ito ang igagante mo sa'kin?ang lokohin ako?ganyan naba kalaki ang galit mo sa akin at nagawa mo sa akin ito? pinaniwala mo akong magkaklase lang kayo ni Byron.Tapos ano ito isang araw bigla ka nalang pupunta dito sa bahay at sasabihin sa akin,sa amin na ang ama ni Noreen ay si Byron?pinagloloko mo ba ako ha!ginawa niyo akong tanga ikaw pa mismo na kapated ko ang gumawa nito sa akin.Umalis kana sa harapan ko ngayon ayaw na kitang makita pa."Sigaw ni ate Johana sa akin at napaluhod nalang siya dahil sa iyak rin siya ng iyak."Ate wala naman po talaga sana akong planong sabihin kaso pag hindi ko ginawa si Byron po ang magsasabi at hindi po ako papayag kaya ako na ang gumawa kahit masakit sana mapatawad mo po ako ate."sabi ko sa kanya na umiiyak"Umalis kana Mitsu alis."

Tumakbo ako palabas ng bahay namin na puno ng luha ang aking mga mata at ang bigat-bigat ng dibdib ko lakad lang ako ng lakad hindi ko alam kong saan ako pupunta masyadong magulo ang isip ko hindi ko na alam ang gagawin ko.Galit na galit na sa akin ang pamilya ko diyos ko tulungan niyo po sana ako ano po ba ang dapat kong gawin kayo nalang po ang makakapitan ko.

Pumasok ako sa nadaan kong simbahan.Lumuhod ako at nagdasal.Ano po ba ang dapat kong gawin?dapat nalang po ba na ipaubaya ko na lang si Byron ky ate Johana?kahit na ang kapalit nito ay ang makita kong masaya ang aking mag-ama?diyos ko sana po bigyan niyo ako ng sighn kong ano po ang dapat kong gawin pagod na po ako.Pagkatapos mag dasal ay lumabas na ako ng simbahan at sumakay ng taxi pauwi sa bahay.

Gabi na ng makauwi ako sa bahay tulog na rin si Noreen pagdating ko at nasa tabi niya naman siya Byron. Bigla na naman tumulo ang luha ko pagkakita ko sa mag-ama ko.Bakit ba napakalupit sa amin ng tadhana?Hindi ba pwedeng sumaya man lang kahit sandali?Hinaplos ko ang maamong mukha ng anak ko napaka bata pa niya para maranasan ang lahat ng ito kong sinabi ko kaya kay Byron noon na buntis ako siguro hindi na naranasan ng anak ko ang ganito.Na ama niya pala ang kasama niya na tinatawag niyang tito.Hinalikan ko sa noo ang aking anak bago pumunta sa aking kwarto.

Naligo na muna ako at nag palit ng pantulog saka inihiga sa kama ang pagod ko na katawan.Hanggang ngayon magulo parin ang isip ko at isa pa papaano ko sasabihin sa anak ko na ang tinatawag niya na tito ay ama niya pala? Lalong bumibigat ang ang dibdib ko ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at ipinagdadasal na sana paggising ko kinabukasan ay panaginip lang ang lahat ng ito at hindi totoo.

Papikit na sana ako ng marinig ko na bumukas ang pinto ng aking kwarto hindi ko na kailangan na lingonin pa kong sinu pagkat sa pabango palang na gamit niya ay kilalang-kilala ko na siya.Panu siya lang naman ang kasama namin dito na lalaki sa bahay.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa kama hindi ako nagpahalata na gising pa ako.Pinakiramdaman ko lang siya"Alam kong gising ka pa nagkausap na ba kayo ng pamilya mo?Sinabi mo na ba sa kanila ang tungkol sa amin ni Noreen?"hindi ako nagsalita kaya bumuntong hininga siya at tumabi ng higa sa akin.Pero nanatili parin akong nakapikit ayaw ko pa siyang kausapin galit ako sa kanya.Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip kong papaanu ko haharapin ang bukas na puro problema.

To be continued😊😊

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon