ONM-5

7.4K 171 21
                                    

Paggising ko kinabukasan ay subrang bigat ng mga talukap ng aking mga mata. Siguro dahil sa kaiiyak ko kahapon kaya masakit rin ang aking ulo.Bumangon na ako sa aking higaan wala narin si Byron sa tabi ko. Siguro siya na ang nag-asikaso kay Noreen may pasok kasi ito ngayon sa school.

Pumasok muna ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.Tapos ay nag bihis na ako ng aking damit.At nag iisip pa ako na paraan kasi hindi ko pa kayang harapin si Byron ngayon.Pero wala akong magagawa pagkat andito parin siya sa bahay kaya pakikitunguhan ko nalang muna siya sa harap ng anak namin. Ayaw kung mag-isip si Noreen na magkagalit kami ni Byron.At papaanu ko ipapaliwanag sa anak ko ang mga nangyayari sa amin ngayon?napakabata pa niya para maranasan ang lahat ng ito.Pero matalino ang anak ko kailangan ko lang ipaintindi sa kanya ang lahat.

Alam kong uhaw sa pagmamahal ng isang ama ang aking anak.Mula pagkabata niya hanggang nyayon ay kaming dalawa lang ang palaging magkasama.Pero kuntento naman ito sa akin.Dahil sa tuwing tatanungin niya ako ng tungkol sa kanyang ama ang lagi ko namang sinasabi ay nasa malayo at nagtatrabho.Napakahirap para sa akin ang magsinungaling at makita ang anak ko na naiingit sa mga kaklase niya.Na kumpleto ang pamilya.Lalo na pag family day nila sa school lahat ng.mga kaklase nya my mommy at daddy samantalang siya kaming dalawa lang.At ang mga ama din nila ang sumusundo sa kanila sa school tahimik lang sila na pinapanood ni Noreen.

Minsan tinanong ako ni Noreen"mommy nasan po si daddy.Bakit hindi po siya natin kasama dito sa bahay katulad ng mga kaklase ko. Tapos mga daddy po nila ang nag-hahatid at sumusundo sa kanila sa school.Bakit po ako walang daddy,mommy?"inosenting tanung ng anak ko sa akin. Hindi ako agad nakapagsalita sa kanya sapakat ako man ay nagulat nalang nag tanung na naman siya ulit tungkol saama niya.Lumuhod ako sa harap niya at niyakap ko siya ng mahigpit at napaluha na lamang ako hindi ko alam kong anu na namang kasinungalingan ang sasabihin ko sa anak ko.

Hinawakan ko siya sa kanyang mga pisngi at sinabing"anak makinig ka kay mommy okey?tumango naman siya sa akin.Si daddy mo kasi diba sinabi ko na sayo dati na nag wowork si daddy sa malayo?tumango siya ulit sa sinabi ko,kaya wala dito si daddy mo ngayon sa bahay natin.Kasi need ni daddy mag ipon ng maraming pera para pag-uwi ni daddy hindi na siya aalis.Ayaw mo ba na si mommy ang naghahatid sayo sa school?"sabi ko sa kanya na kunwari ay nagtatampo ako sa kanya.

Tinignan niya muna ako at hinawakan sa mukha ng kanyang dalawang maliliit na mga kamay na para bang akala niya eh malaki na siya tao na siya."no mommy masaya naman po ako na kayo lang ang kasama ko eh.Kaya lang minsan po naiingit po ako sa mga kaklase ko.Tapos tinutukso po nila ako na bakit daw po puro nalang ikaw ang nag hahatid sundo sa akin sa school.Tapos pag may mga okasyon tayong dalawa lang din po bakit hindi daw po nila nakikita si daddy kasi wala naman daw po talaga akong daddy.Mommy hindi naman po totoo yun diba?may daddy naman po ako kaya lang nasa malayo lang po siya nagwowork di po ba mommy?"tumango na lang ako sa kanya."kaya minsan po sad po ako sorry po mommy.Pero ngayon po okey na po ako sa susunod po na tutuksuhin nila ako sasabihin ko nalang po na nasa malayo po ang daddy ko at nag wowork para kasi po need muna ni daddy ng maraming pera para pag umuwi na siya hindi na siya aalis ulit at pupunta sa malayo.So don't be sad na po mommy I love you po."tapos niyakap niya ako at hinalikan.Napakabait talaga ng anak ko kaya napaluha na lang ako at niyakap ko siya ulit ng mahigpit.Mababaliw talaga ako kapag mawala sa akin ang anak ko.

Habang papalabas ako ng kwarto ay nakita ko si Byron na pinapakain si Noreen.Nilapitan ko ang anak namin at sinabihan ng "Good morning baby"sabi ko sa kanya at sabay halik sa noo niya tapos gumanti naman niya ng bati sa akin"Good morning din po mommy,mommy si tito Byron po ba wala pong good morning?"inosenting tanong ni Noreen.Kaya no choice ako kaya hinarap ko nalang ito at nginitian ng peke tapos binati ng "good morning"na ginantihan niya naman.Ayaw ko kasing makahalat ang anak ko.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon