ONM- 2

9.4K 208 35
                                    


Gusto daw niya akong makausap. Wala raw siyang alam na kapatid ko si Johana dahil limited lang daw 'yong naikuwento ni Johana tungkol sa'kin.

At feeling niya hindi naman daw ako gano'n kaimportante kay Johana kasi nga mostly negative 'yong k'wento nito about sa'kin.

Like iyong maaga akong nabuntis t'saka nasa loob daw 'yong kulo ko. Oh 'diba? Ang bait niyang kapatid sa akin? Sabi ko, ganoon naman talaga 'yong nangyari e.

Nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Kahit kailan, hindi pala talaga nawala iyong epekto niya sa akin. Kinabahan ako at lumalakas ang tibok ng puso ko.

"Bakit hindi mo sinabi na nag-kaanak tayo?" parang buong katawan ko ay binuhusan ng malamig na tubig. Namutla ako sa tanong niya at gusto kong mahimatay sa sitwasyon na iyon.

"No. Nagkakamali ka! Hindi ikaw ang ama ni Noreen." Nanginginig ang kamay ko at alam kong naramdaman niya iyon.

Then bigla niyang kinuha 'yong wallet niya. May nilabas siyang picture at nanlumo ako sa aking nakita. Para akong mahihimatay no'ng ipakita niya sa'kin 'yong picture niya.

Grade two pa raw siya sa kuhang iyon at walang duda, kitang-kita iyong mukha ni Noreen sa picture niya.

"Hindi mo na ngayon maipagkakaila sa akin na ako ang Daddy ni Noreen. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit ka naglihim? Bakit ka nawala na lang bigla at iniwan ako?" Hindi ko kayang makipagsukatan sa mga titig niya kaya napayuko ako at umiyak na lamang.

"I'm really sorry. Natakot ako at nahiya sa nagyari. Hindi ko kayang sabihin sa'yo dahil baka... Baka hindi mo ako panagutan." Basag na ang boses ko. Alam kong bata pa kami noon, may mga pangarap at alam kong aksidente lang ang nangyari.

Pero hindi pinagsisihan ang naganap sa aming dalawa dahil dumating si Noreen sa buhay ko. Siya lang ang mayroon ako at siya lang ang dahilan kung bakit ako nagsisikap ngayon.

Hindi ako nakagalaw agad nang bigla akong yakapin ni Byron nang mahigpit.

"Nag-leave ako para makasama ang anak natin." Hindi ko alam kung ano ang plano pero masaya ako sa isiping gusto niyang magkaroon ng oras para maka-bonding ang anak namin.

Pagkakita raw niya kay Noreen, magaan daw 'yong loob niya at lalo raw siyang nagkakutob at nagka-idea ng nalaman niyang anak ko si Noreen.

Gabi na nang ihatid ni Byron si Noreen sa apartment. Pumasyal sila sa isang mall at marami siyang mga dalang paper bags at alam kong lahat ng mga iyon ay para sa anak ko. Nagulat ako kasi may bitbit din siyang pagkain. Gusto daw niyang mag-dinner kaming family. Family? Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Grabe 'yong feelings ko ns parang sasabog 'yong puso ko. Family, ang sarap pakinggan no?
Siya, ako at ang anak namin. Pero paano naman 'yong realidad na ilang araw na lang ikakasal na siya sa Ate ko?

Gabi nang pauwiin ko si Byron. Sabi ko ayaw kong malaman ni Ate na pinuntahan niya ako dito. Medyo nainis si Byron.

"Ilang taon mong ipinakait sa akin ang anak natin tapos ganito mo na lang ako kung itaboy?" Nainis ako lalo, tumakbo ako ng kuwarto pero sumunod pala siya tapos niyakap niya ako ulit.

"Byron, please... U-umalis ka na! Huwag mong gawing komplikado ang lahat. Ayokong malaman ito ni Ate Johana kaya huwag mo na kami lapitan ni Noreen ulit." Pagmamakaawa ko sa kanya. Umiyak na ako habang yakap-yakap niya.

"Kung sinabi mo lang sa akin any katotohanan... Matagal na sana tayong naging buong pamilya." Gumaralgal ang boses niya.

"Hinanap kita, nag-text ako sa number mo, nag-message ako sa Facebook mo pero wala along sagot na natanggap mula sa'yo, Mitsu." Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko.

"B-byron... please. Ayok---" Nagulat ako nang idikit niya ang noo niya sa noo ko. Hindi ako makahinga no'ng oras na iyon.


"I'm sorry dahil hinayan kong lumaya ka at mawala. Immature pa ako noong mga panahon na iyon. Nakailang girlfriends ako bago ko makilala si Johana." Langhap ko ang natural niyang pabango at ang kanyang mainit na hininga.

"Ayokong takasan ang responsibility sa anak natin. Pananagutan kita. Gusto ko mabuo ang pamilya natin at kikilalanin ako ni Noreen na Daddy niya at hindi Tito." Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ganoon kadali ang gusto niyang mangyari.

Nagulat ako nang halikan niya ako bigla sa labi. Hindi ako tumutol nang malasahan ko ulit ang labi niya. Ang labing sumamba sa buong katawan ko minsan. Lumalim iyong halikan naming dalawa at naging malikot ang mga kamay niya. Hanggang sa binuhat niya ako at dinala sa kama. Tulog na si Noreen nang mga oras na iyon kaya malaya naming nagawa ang bugso ng aming mga damdamin.
Inalay ko ulit ang katawan ko sa kanya. Buong puso kong sinabayan ang bawat halinghing at ungol niya. Magkahukbong ang aming mga labi nang marating naming dalawa ang sukdulan. Gumuhit sa mga labi niya ang ngiti habang nakatitig sa buong mukha ko.

"Papakasalan kita." Gusto ko mang magdiwang dahil sa sinabi niya pero hindi ko magawa. Ayokong kamuhian ako ng pamilya ko. Ayokong maipit si Noreen sa mangyayari kaya hindi puwedeng mangyari ang sinasabi niya.




To be continued...


A/N: Nakapag-update rin sa wakas. Thank you sa inyong support sa story ko.

Thank you always bhe myjeilapad ;) Hekhek.

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon