ONM-8

4.8K 130 15
                                    

Sa pampanga na dumiritso ng uwi si Byronagulo man ang isip dahil sa nangyari sa kanila ng dating kasintahan oo dati dahil tinapos na niya ang ugnayan nila ni Johana. Wala din namang silbi kung magpapakasal pa siya sa taong makitid ang utak na imbis ito dapat ang unang makakaintindi sa kalagayan niya.Oo naiintindihan naman niya na apektado din ito sa sitwasyon nila pero tao lang din siya at ayaw niyang maka gawa ng desisyon na pagsisihan niya sa huli lalo na at anak pa niya ang pinag-uusapan dito.

Dahil sa gustong-gusto na niyang makita ang kanyang anak dahil namimis na niya ito at para narin makausap niya si Mitsu tungkol sa nangyari sa kanila ng ate nito duon na niya ipinasyang umuwi.Dahil kailangan niyang paalalahan ito hindi niya kasi alam kung ano ang posebleng gawin ng pamilya nito sa kanya at sa anak nila.Lalo pa at galit na galit ang mga ito kay Mitsu alam niyang gagawa at gagawa ng paraan si Johaha para mapalayo ang anak niya sa kanya kaya uunahan na niya ang mga ito.

Pagdating ni Byron sa Pampanga ay nagpahated na siya agad sa bahay ni Mitsu.Pagkakita niya sa kanyang anak ay agad na naman siyang napaluha. Dahil sa naaalala na naman niya ang mga pinagsasabi sa kanya ng kanyang dating kasintahan.Agad niya itong tinawag at hinalikan sa noo.

"Baby kamusta kayo dito ng mommy mo?hindi kaba pasaway sa kanya?"tanung ni Byron sa anak na masayang naglalaro ng madatnan niya ito sa bahay ni Mitsu.Wala kasi itong pasok ngayon dahil araw ng sabado kaya naglalaro na naman itong mag-isa.

Tumingin muna sa kanya ang anak saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.Kaya parang dinudurog na naman ang kanyang puso."No daddy mabait naman po ako eh at tyaka hindi po ako pasaway kay mommy.Tyaka alam mo ba daddy sabi ko sa mga classmates ko na ikaw ang daddy ko.Kaya hindi na po nila ako tinutuks o inaaway ngayon mabait na po sila sa akin.Tyaka pwede naman po na ikaw nalang muna ang daddy ko diba po?wala pa naman po kayong baby ni tita Johana kaya ako nalang po muna ang baby niyo."Sabi pa ng kanyang anak na masayang masaya. Kaya paanu ba niya ipagkakait sa batang ito ang maging masaya?hindi niya talaga kayang gawin ang sinasabi ni Johana.Hindi na napigilan pa ni Byron ang hindi maluha sa mga pinagsasabi ng anak.Paanu ba niya sasabihin dito na anak ako nga ang iyong ama.Kaya may karapatan ka talagang tawagin akong daddy mo na natakot lang noon ang mommy mo kaya hindi niya sinabi sa akin na nabuntis ko pala siya noon kasi nga mga bata pa kami.Niyakap nalang ni Byron ang anak at palihim na umiyak.

At yun ang eksina na nadatnan ni Mitsu sa sala nila ang yakap-yakap nito ang anak nila.Nakita niya sa mga mata ni Mitsu ang pagtataka at lungkot siguro iniisip nito na iiwan na niya ang kanilang anak dahil nga sa umiiyak siya.Kaya agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.Bumitaw siya sa pagkakayap sa anak at nilapitan niya ito dahil gustong-gusto na niyang magkausap sila ngayon.Ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras kailangan na nilang mag desisyon para sa bata.Plano niya na ring sabihin dito na nakipag hiwalay na ito sa ate niya pagkat hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi nito tungkol sa anak nila.At ngayon na nakipaghiwalay na siya sa ate nito nakapag desisyon na siya na buoin na lang ang pamilya nila.

"Pwede ba tayong mag-usap Mitsu?doon tayo sa hindi maririnig ng bata kung pwede lang sana importante itong sasabihin ko sayo."tumango lng ito sa kanya at nagpatiuna na sa kusena nilingon niya muna ang anak na busy sa paglalaro sa barbie nito bago siya sununod ky Mitsu.

"Mitsu hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.Doon ako galing kahapon sa bahay ng ate mo pagkaalis ko dito.Kinausap ko siya kahapon kasi ang akala ko noong una ay maiintindihan niya ang sitwasyon kapag nasabi ko na sa kanya ang problema natin tungkol sa bata pero lumala lang ito at isa pa alam din pala niya na dito ako nakikituloy sa inyo.Nalaman daw niya nung pumunta ka doon sa kanila kasi pag alis mo daw doon nung sinabi mo nga ang tungkol sa bata ay sinundan ka niya pala dito sa bahay.Kasi ang akala niya ay dito kana dumiretso pauwi pero imbis na ikaw daw ang makita niya ay ako daw ang nakita niya sa labas ng bahay niyo na nakikipag laro kay Noreen kaya mas lalo siyang nagalit.Noong una nagulat ako pero hindi ko pinahalata galit na galit siya oo.Pero sinabi ko na sana matanggap niya ang bata na magiging anak niya na rin ito pag ikinasal na kami kasi pamangkin niya naman ang bata eh so hindi na nalalayo sa kanya.Pero iba pala ang gusto niyang mangyari at gawin ko ang sabi niya ayaw daw niya na may anak ako sa ibang babae at ayaw din daw niya na kilalanin kung anak si Noreen pati ayaw din niyang malaman ng iba niyong pamilya at mga kakilala namin.Gusto niya na abandonahin ko ang bata pero hindi ako pumayag sa gusto niya sa galit ko pumunta ako ng bar at nagpakalasing doon dahil nga sa hindi ko talaga nagustuhan at matanggap ang mga pinagsasabi niya anak ko dugo at laman ko aabandonahin ko lang? para kay Noreen sympre bilang ama ng bata nasaktan talaga ako at hindi ko inaasahan na masasabi niya yun."Sabi ni Byron na makikita sa mga mata ang galit.

"Siguro galit lang talaga si ate kaya niya na sasabi yun sympre malaki ang kasalanan ko sa kanila pero hindi ko naman kasi alam na sa tinagal-tagal ng panahon eh magkokros pa ang landas nating dalawa at ikakasal kapa sa kapated ko pa.Pero kung yan ang mga sinabi ni ate sayo magagalit din ako sympre ina ako. okey lang sana kung sa akin lang sila magalit huwag lang nila idamay ang bata kasi wala naman siyang kaalam-alam at kasalan sa pagtatago ko ng secreto sa kanya kung sino ang kanyang ama eh.At loob-loob ni Mitsu masama man ang kanyang iniisip sana ay hindi na matuloy ang kasal ng kanyang ate. Na sana mas sila ang pipiliin nito bahala na kung ano ang mangyayari oh sasabihin sa kanya ng mga tao wala na siyang pakialam pa.Kung sila man sa sitwayon ko siguro ganun din ang gagawin nila siguro mag papakalayu-layo nalang sila sa lugar na walang makakakilala sa kanila na mamuhay sila na masayang pamilya."sabi ni Mitsu pero hindi niya alam pareho lang din sila ng iniisip ni Byron.



A/N:Maraming salamat po sa mga nag-aabang ng aking update pagpasinsyahan niyo na lang po kung maraming mali.At salamat din po pala sa mga nag vovote,comments at lalo na sa mga silent readers ko thank po sa inyong pagbabasa.😊😊😘😘

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon