ONM-11

3.6K 104 6
                                    

kinabukasan pag gising ni Mitsu ay agad niyang tinignan ang anak na nasa kanyang tabi niyakap niya ito ng mahigpit na para bang mabawasan non ang mararamdaman ng kanyqng anak.

Hinagkan niya muna ang anak sa noo nito bago pumunta sa CR para mag hilamos ng mukha at gawin ang kanyang morning retuals.Pagkalabas ng CR ay agad na itong nagbihis ng kanyang damit ayaw na niya munang pumasok sa trabaho.Babantayan nalang muna niya ang anak at aalagaan hindi niya na rin muna ito papapasukin sa school may trauma pa ang anak dahil sa pagsugod ng ate Johana niya at ng kanyang ina.

Pinag-iisipan niya kung anu ba ang dapat niyang gagawin masyado na siyang nasaktan sa nangyari kay Noreen.Ok lng sana kung siya nalang kaya niyang harapin ang galit ng mga ito at na pang aalipusta sa kanya pero bakit pati pa ang anak ko?dahil ba mas pinili ito ni Byron kisa sa kanyang ate.

Hindi niya naman masisisi si Byron pagkat mahal lang nito ang anak kaya lang umabot na kasi na napagbuhatan na ito ng kamay ng ate niya na ni minsan ay hindi niya nawaga sa kanyang anak.Galit na galit talaga siya sa ate niya at hindi niya ito mapapatawad dahil dito naging malungkutin na ang anak at lagi na lang nakatulala.

Siguro lalayo na lang muna sila ni Noreen yung malayong malayo sa lahat ng sakit na nararanasan nilang mag-ina ngayon.Siguro hindi na lang niya nalang muna ipapaalam kay Byron ang kanyang plano bahala na kung saan man sila ma padpad ng kanyang anak ang importante eh hindi na sila makita at masundan ng ate Johana niya at ina saka nalang niya ulit haharapin si Byron wala na siyang choice sa ngayon.

Pagkalabas ng kwarto ay hindi na niya nakita si Byron iniisip na lang niya baka lumabas at may binili.Kaya nag luto na lang siya ng almusal nilang tatlo.Mamaya nalang siya mag liligpit ng gamit nila ng anak niya para maaga silang makaalis at sisiguraduhin niya na hindi sila makikita ni Byron alam niyang magagalit na naman ito sa kanya dahil inilayo na naman niya ang anak pero ito lang ang naisip niya na paraan sa ngayon.


Short update guys pasinsya na nasa bakasyon po si author ngayon kaya hirap sa load huhu.Salamat sa nag aantay ng update ko

One Night MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon