4. #Savior

76 5 7
                                    

Chapter 4

JARED's Point of View

Pinahid ako ang mga luha ni Maam Kate na dumadaloy sa kanyang pisngi.

Hanggang sa narinig ko na ang boses ni Senator De Mesa mula sa loob ng bahay. "Nasaan na sya?! Hanapin nyo at wag nyo hahayaang makatakas ang babaeng yun!"

Kaagad kong hinatak ang isang kamay ni Maam Kate. "Halika na. Parating na sila." Tumakbo kami papunta sa lugar kung saan ko iniwan ang sasakyan.

Pero kaagad na huminto sa pagtakbo si Maam Kate at napatingin ako sa kanya.

"Anong problema?" Hinihingal kong tanong. Napatingin din ako kung saan sya nakatingin at nakita kong dumating ang isang sasakyan na alam kong pagmamay-ari ng Pamilya De Mesa.

"Si.. Si Darwin." Sambit ni Kate.

"Halika na! Kailangan na nating umalis!"

"P-Pero si Darwin.. Ililigtas tayo ni Darwin."

Hindi ko naman binitiwan ang braso nya. "Umalis na tayo! Papatayin ka lang din nyan!"

Tumingin sa akin si Kate. "Hindi ako sasaktan ni Darwin! Maniwala ka sa akin, ililigtas nya tayo!"

"Ikaw ang maniwala sa akin, papatayin ka rin nya katulad ng tangkang pagpatay sayo ng tatay nya!"

"Mahal nya ako at hindi nya ako sasaktan!"

"Ano ba! Hindi pa ba sapat sayo ang mga sinabi ni Senator De Mesa! Buong pamilya nila ang kalaban natin! Lahat sila kriminal!"

Tinabig nya ang kamay ko at tumakbo sya para puntahan si Darwin. "DARWIN! NANDITO-" Hindi na nya naituloy ang kanyang pagtawag sa nobyo nya nang pigilan ko sya sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nya. "Ano ba! Bitiwan mo ako!"

Hindi ko naman sinunod ang gusto nya kahit pa pilit syang nagpupumiglas. "Umalis na tayo dito!"

"Kailangan akong makita ni Darwin!"

Halos kaladkarin ko na sya para lang hindi kami tuluyang makita nina Senyorito Darwin.

"DARWIN! NANDITO KAMI!"

Isinandal ko sya sa kotse at hinarang ko ang katawan ko sa kanya. "ANO BA! Makinig ka nga sa akin! Papatayin din tayo ni Darwin!"

"Ikaw ang makinig sa akin sa pagkakataon na ito! Si Darwin lang ang makakatulong sa atin para makaligtas tayo sa mga tauhan ni Senator!"

"Maniwala ka naman sa akin! Ano ba naman!"

Tinulak nya ako para tumakbo papunta sa loob ng bahay kung nasaan si Darwin.

Pero bago pa man sya makalayo, kaagad ko syang nahawakan.

"Bitiwan mo ako!" Sambit nya habang nagpupumiglas.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na sya hinayaang makawala pa. Nilabas ko ang buo kong lakas para maisakay sya sa kotse.

Nang maipasok ko si Maam Kate sa kotse, kaagad akong tumakbo papunta sa kabilang pinto ng sasakyan at kaagad na sumakay.

"DARWIN! TULUNGAN MO KAMI!" Bababa pa sana sya ng sasakyan pero kaagad ko syang nahawakan sa braso.

Kaagad kong pinaandar ang sasakyan ng mabilis at tuluyang kaming nakaalis sa lugar kung nasaan ang mga taong gustong pumatay sa amin.

"DARWIN!"

Patuloy na humihingi ng tulong si Maam Kate sa kanyang nobyo habang natataranta na ako ng sobra sa pagmamaneho.

Saan Patungo? (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon