9.

63 2 0
                                        

Chapter 9

JARED's Point of View

Alas-otso na ng umaga nang magising ako dahil sa kumakanta.

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw ang iniisip-isip ko. Hindi ko mahinto pintig ng puso.."

Napabangon ako at nakita ko ang isang babae na nag-aayos sa harap ng salamin.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kaytagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw.."

"K-Kate?"

Lumingon ito sa akin ata nakita ko ang kapatid kong si Jam. Kumunot ang noo nya. "Anong Kate ang pinagsasasabi mo dyan?"

Napakamot ako sa ulo. "Tsk. Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Inis kong tanong.

"Obvious ba, edi nag-aahit ng kilay. Bumangon ka na kaya dyan at kanina pa kami nag-almusal lahat."

"Si Kate, gising na ba?"

Muli syang lumingon sa akin. "Si Kate talaga unang hinanap? Boyfriend ka?" Inirapan nya ako. "Feelingero."

"Tsk. Pwede ba sumagot ka naman ng maayos kahit minsan?"

"Kanina pa sya gising. Hinahanap ka nga kaninang almusal pero sinabi naming tulog ka pa."

Napangiti ako. "H-Hinahanap nya ako?"

Ngumiwi sya nang tumingin sa akin. "Tuwang-tuwa? Anong sa tingin mo, hahanapin ka nya dahil nasasabik syang makita ka? Wow naman, Kuya Jared. Taas ng pangarap ah," asar nya sa akin.

"Alam mo, ikaw, kahit kailan kontra ka talaga sa buhay ko. Dapat hindi ka na pumunta dito e, naninira ka lang ng araw. Palibhasa kasi walang nagkakagusto sayong lalaki. Hindi ka kasi kasing ganda ni Kate."

Inirapan nya ulit ako. "Alam mo puro ka Kate. Napapansin ko, nababaliw ka na kay Ate Kate. Pero kawawa ka naman dahil umaasa ka sa isang babae na never kang papatulan."

"Yun ang akala mo." Lumakad ako papunta sa bintana at natigilan ako nang makita ko si Kate na nagwawalis sa labas. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinapanood sya. Para bang nabuo kaagad ang araw ko nang matanaw ko ang kagandahan nya.

Hanggang sa nakita kong dumating si Kuya Sander na may dalang isang tasang kape at naupo sa isang upuan na nasa harapan lang ni Kate. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Epal talaga itong gagong to.

"Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" Natatawang tanong ni Kuya Sander sa mahal ko.

Ngumiti naman si Kate sa kanya. "Wala din naman kasi akong gagawin e. Maganda rin ito para naman ma-exercise ako."

"Baka mapagod ka nyan."

"Hindi naman siguro. Ginagawa ko rin naman ito noong nandoon pa ako sa bahay namin sa Manila."

"I guess may mga katulong naman kayo sa bahay di ba?"

"Meron naman. Pero kahit paano, tumutulong pa rin naman ako sa mga gawaing bahay. Sa pagluluto lang ata ako medyo sumasablay," natatawang sagot ni Kate.

"Masipag ka pala talaga, ano? Swerte naman ng mapapangasawa mo."

Nag-smirk ako. "Maswerte talaga ako," bulong ko sa sarili ko.

Bahagyang natawa si Kate. "Naku, wala pa akong balak mag-asawa."

"Bakit naman?"

"Marami pa akong ibang mga priorities sa buhay maliban dyan."

Saan Patungo? (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon