Chapter 12
KATE's Point of View
Tiningnan ko sa mata si Jared habang pinupunasan ang dugo na nagmumula sa kanyang labi. Nakita ko naman na nakatingin lang din sya sa akin.
Huminga ako ng malalim. "Naaalala mo pa ba ang itsura ng mga taong nagdala sayo dito?"
Hindi naman sya sumagot na tila hindi pa rin magawang magsalita dahil sa sobrang panghihina.
Napayuko ako at napabuntong hininga. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at tiningnan sya sa mata. "Hayaan mo, gagawa tayo ng paraan para makaalis tayo dito." Napatingin ako kay Leslie na kasalukuyang nakatali sa upuan at nakatakip ang bibig nang tila may gusto syang sabihin.
"Hmmmmm."
Tumayo ako at kaagad na lumapit sa kanya. Inalis ko ang tape sa kanyang bibig. "L-Leslie."
Naiyak sya. "Pakiusap, tulungan mo kaming makatakas dito. Nakikiusap ako."
"Oo. Tatakas tayo dito." Sinubukan kong alisin ang pagkakagapos nya sa upuan pero nahirapan akong alisin ito.
"Tulungan mo ako, Kate. Nakikiusap ako," sambit nya habang umiiyak.
Inikot ko ang aking paningin dito sa buong silid pero wala akong makitang bagay na maaaring magamit para maalis ang kanyang pagkakagapos. Sinubukan ko ulit syang kalagan pero hindi ko talaga magawa. "Hindi ko maalis yung lubid sa kamay mo."
"PILITIN MONG ALISIN!" Sigaw nya habang umiiyak.
"Psshhh. Leslie, baka marinig ka ni Darwin. Siguradong nandyan lang sya sa labas ng silid."
"WALA AKONG PAKIALAM! GUMAWA KA NG PARAAN PARA MAKAALIS AKO DITO!"
Muli kong nilibot ang aking paningin hanggang sa nakita ko ang isang maliit na bintana. Kaagad ko itong nilapitan pero hindi ko ito mabuksan dahil sa pagkakakandado nito.
Muli namang sumigaw si Leslie. "ANO BA! PALABASIN NYO KAMI DITO! TULUNGAN NYO KAMI!"
Kaagad ko syang nilapitan. "Please, baka marinig tayo ni Darwin," pakiusap ko sa kanya. "Gagawa naman tayo ng paraan e. Makakaligtas tayo."
"TULUNGAN NYO KAMI!"
Napabuntong hininga ako. "Im sorry." Kaagad kong binalik ang tape sa bibig nya para hindi na sya sumigaw pa.
"Hmmmmmm.."
Huminga ako ng malalim at tumalikod sa kanya. Lumakad ako pabalik sa bintana at sinubukan ulit itong buksan pero hindi ko talaga magawa.
Napaupo nalang ako malapit kay Jared at napasandal sa pader. Tumingin ako sa kanya saglit at nakita kong nakatingin lang sya sa akin. Umiwas ako ng tingin at muli akong napabuntong hininga. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagpatak ng aking mga luha. Pilit kong pinipigilan ang aking mga paghikbi pero hindi ko magawa. Napatingin nalang ako sa kawalan.
"H-Hindi ka na dapat...p-pumunta dito."
Natigilan ako nang marinig kong nagsalita si Jared at napatingin ako sa kanya. "J-Jared."
"Ayaw kong mapahamak ka," halos pabulong nyang sabi dahil sa sobrang panghihina.
Lumapit ako sa kanya. "Pumunta ako dito para iligtas ka."
"Hindi nila tayo hahayaang makaalis ng buhay dito."
Umiling ako. "Hindi totoo yan. Makakatakas tayo, Jared. Makakaligtas tayo."
BINABASA MO ANG
Saan Patungo? (short story)
Roman d'amour"Hanggang saan? Hanggang Kailan? Saan nga ba tayo patungo? Saan matatagpuan ang walang hanggan?"