Chapter 5
JARED's Point of View
"Ano ba namang ulan ito. Sana naman tumigil na," sabi ko habang nagmamaneho sa tila walang katapusang kalsada.
Hindi naman sumagot si Kate. Nakatanaw lang sya sa labas ng bintana.
Sinubukan ko syang biruin. "May kapangyarihan ka ba para pahintuin itong ulan?"
Tumingin sya sa akin saglit pero agad din akong inirapan at binalik ang tingin sa bintana.
Napakunot ang noo ko. "Anong problema mo?" Nagtataka kong tanong.
Hindi naman nya ulit ako pinansin.
"Wag mo sabihing may.." Napatingin ako sa kanya. "M-May dalaw ka?"
Humarap sya sa akin. "Pwede ba magmaneho ka nalang dyan at manahimik?!"
"S-Sige. Bale may regla ka nga. Ah!" Daing ko nang ibato nya sa akin ang isang stuff toy na display dito sa sasakyan.
"Wala akong monthly period!"
"Weh? P-Patingin nga?"
Nanlaki ang mata ko nang itutok nya sa akin ang baril na binigay ko sa kanya kagabi. "Hindi mo ba talaga ako tatantanan?"
"Uy, ano ka ba! Baka makalabit mo yan. Tsk." Kaagad ko namang hinawi ang baril. "Ano ba kasi ang problema mo? Kagabi ang bait-bait mo na sa akin tapos bigla ka na naman magsusungit dyan."
"Tanga ka ba talaga?! NAGUGUTOM NA AKO!"
Kaagad kong hininto ang sasakyan. "Ako pa ang sasabihan mong tanga! Bakit, si Madame Auring ba ako para hulaan kung busog o gutom ka?! Edi sana sinabi mo kanina pa!"
"Hindi ko na dapat pinapaalam sayo yun! Dapat nagtatanong ka! Kanina ka pa nagda-drive dyan! I don't even know where we are or kung saan mang lupalop tayo ng Pilipinas pupunta!"
"Aish. Pwede ba wag ka nang magalit, tutal friends naman na tayo, sabihin mo sa akin ng maayos hindi yung idadaan mo lahat sa pagsusungit mo. At saka.. D-Diba kakakain mo lang kanina? Tapos ngayon gutom ka na naman?"
"Sino ba naman ang mabubusog doon sa dalawang biskwit na bigay mo kanina?!"
"O-Okey na yun. Di ba diet ka naman?"
"KUMAKALAM NA YUNG TIYAN KO!"
"OO NA! Maghahanap tayo ng makakainan."
"Saan?! Eh kita mong puro bukid lang ang nakikita ko! Ano, palay ang ipapakain mo sa akin?!"
"Sandali lang kasi! Pwede ba maghintay ka! Mamaya siguradong may madadaanan rin tayo na pwedeng makainan."
Inirapan nya ako at muli syang tumanaw sa labas ng bintana.
Hindi ko nalang sya kinausap pa para magkaroon naman ng katahimikan.
Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto na pagmamaneho at paghahanap ng makakainan, nakatulog na si Kate. Napakunot ang noo ko nang makita ang mga nakahintong sasakyan. "May trapik din pala dito sa probinsya," banggit ko. Patuloy naman ang malakas na buhos ng ulan.
Ilang saglit lang ay nagising na rin si Kate. "N-Nasaan na tayo?"
"Tsk. Edi nasa daan pa."
Napabuntong hininga sya at umayos ng upo. "W-Wala ka pa bang nadadaanan na makakainan? N-Nagugutom na kasi talaga ako."
"Hindi mo ba nakikita? Nakahinto lang ng mga sasakyan. Magagawa ko bang paliparin itong kotse para makadaan tayo?"
BINABASA MO ANG
Saan Patungo? (short story)
Romansa"Hanggang saan? Hanggang Kailan? Saan nga ba tayo patungo? Saan matatagpuan ang walang hanggan?"
