Chapter 10
KATE's Point of View
Lumakad ako at naupo sa isang mahabang upuan habang tinatanaw ang kabuuan ng resort na pansamantala naming tinuluyan namin ni Jared. Napayakap ako sa aking katawan dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa aking balat.
Napatingin ako sa dalawang babae na kasalukuyang naliligo sa pool.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kawalan.
"Kate."
Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Jared na seryosong nakatingin sa akin.
Lumapit pa sya sa akin at naupo sa tabi ko. "Okey ka lang ba?"
Hindi ako sumagot. Muli akong tumingin sa kawalan at ganoon din sya.
"Anong problema?" Mahina nyang tanong.
"Umm.. Nag-aalangan lang ako sa kaligtasan natin dito sa tinuluyan natin."
"Wag kang mag-alala, pansamantala lang naman tayo dito sa resort. Bukas o sa makalawa, babyahe na ulit tayo papuntang Ilocos. Sa ngayon, kailangan lang muna natin magpahinga dahil siguradong mainit ang mga tauhan ni Senator De Mesa sa paghahanap sa atin. Mas mainam na rin kasi ito kaysa manatili tayo sa kalsada. Siguradong lahat ng madaraanan natin ay may mga check point para pagdakip sa akin."
Huminga ako ng malalim. "Nakakapagod."
Halatang natigilan sya sa salitang binitiwan ko. "P-Patawad. Kasalanan ko ang lahat. Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makauwi ka na sa inyo." Napabuntong hininga sya at napayuko. "Sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang may masamang mangyari sayo. Mas makabubuti na rin siguro na wag ka nang sumali sa gulong ito."
Pumatak ang mga luha. "Jared, napapagod na ako."
Napatingin sya sa akin.
"Napapagod na ako pero ayaw kong bumitiw. Ayaw kong pabayaan ka kasi gusto kong masiguro na makakasama pa kita ulit."
"P-Pero Kate.."
"Pakiusap, hayaan mo akong makasama ka sa laban na ito. S-Sabihin mo sa akin na kailangan mo ako at hindi mo hahayaan na magkalayo tayo."
Ilang saglit pa syang nanahimik habang nakatingin sa akin ng seryoso. Pinahid nya ang mga luha ko.
Marahan kong tinabig ang kamay nya. "Sabihin mo sa akin, Jared. Sabihin mong hindi ka lalayo sa akin."
Unti-unti syang tumango. "Hinding-hindi ko hahayaan na magkalayo tayo." Muli nyang pinahid ang mga luha ko at niyakap ako ng mahigpit. Tumitig sya sa dalawa kong mata at hinawakan ang aking mga kamay. "Pangako, matatapos rin itong problema natin. Magtatagumpay tayo at oras na mangyari yun, magsasama tayo habambuhay."
Tumango ako sa sinabi nya. "H-Hihintayin ko."
Ngumiti sya sa akin at hinalikan ang isa kong kamay. Sumandal sya sa upuan habang nananatiling hawak ng mahigpit ang isa kong kamay. "Saka nga pala, tumawag sa akin sina Tita Jasmine. Kinamusta lang tayong dalawa. Hindi ko na rin sinabi sa kanila ang kinaroroonan natin tutal hindi rin naman tayo magtatagal dito." Tumayo sya at nag-unat ng katawan. "Pero tingan mo, ang ganda pala nitong resort na ito lalo na sa gabi. Para tayong nasa paraiso." Tumingin sya sa akin. "Kahit paano, nakakabawas ng problema di ba?"
Ngumiti naman ako sa kanya.
Nilahad nya ang kamay nya, humawak naman ako dito at inalalayan akong makatayo. "Hindi mo ba nagustuhan itong lugar?"

BINABASA MO ANG
Saan Patungo? (short story)
Romance"Hanggang saan? Hanggang Kailan? Saan nga ba tayo patungo? Saan matatagpuan ang walang hanggan?"