7.

77 2 0
                                        

Chapter 7

KATE's Point of View

"Kate, bilisan mo na! Tayo nalang ang hinihintay!" Inis na sabi ni Jared habang panay katok sa pinto ng kwarto.

"Heto na nga, patapos na," sabi ko habang nagmamadaling nagbibihis.

"Tsk. Bilisan mo naman!"

Nang matapos ako ay kaagad rin akong lumabas ng kwarto. "Heto na nga sabi eh."

Napangiwi sya nang makita nya ang suot kong fit na sando at sobrang ikling shorts.

Natigilan naman ako. "B-Bakit? May problema ba?"

"W-Wala naman. A-Ang sexy mo nga."

Nag-smirk ako sa kanya. "Alam ko naman yun."

"Umm.. Sine-seduce mo ba ako?"

Nalaglag ang panga ko dahil sa aking narinig. "Excuse me?!"

Natawa sya at pinisil ang ilong ko. "Masyado kang seryoso. Di ka na mabiro. Tara na nga." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na palabas ng bahay.

"Nasaan na ba sila?" Tanong ko habang hinihila nya ako.

"Nandoon na sila kanina pa. Ang bagal-bagal mo kasi. Kayong mga babae talaga. Magpapalit lang ng damit, inaabot pa ng halos isang oras."

"Ganun talaga."

Hanggang sa makarating na kami sa ilog kung saan naliligo na ang mga kamag-anak ni Jared.

Natigilan ako at namangha dahil sa sobrang ganda nito.

Ngumiti sa akin si Jared. "Ayos ba?"

Napangiti ako. "A-Ang ganda. Ngayon lang ako nakarating dito."

"Ate Kate! Tara na dito! Ang lamig ng tubig!" Tawag sa akin ni Ciara na kasalukuyan nang naliligo.

Napatingin ako kay Jared at ngumiti naman sya sa akin. "Gusto mo bang mag-swimming?"

Bahagya akong natawa. "Syempre naman. Nandito na tayo e. Palalagpasin ko pa ba ang pagkakataon?"

Ngumiti sya sa akin. "Kung ganun, edi tara na." Hanggang sa hinatak nya ako sa kamay at dinala sa kung saan.

"S-Sandali? Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.

"Basta. Sumama ka nalang."

"A-Akala ko ba maliligo tayo?" Sambit ko nang mapansin kong paakyat kami sa mga batuhan.

"Kaya nga. Tara na."

Bahagya akong napaatras nang bigla akong malula. "S-Sandali.. A-Ano ang ibig sabihin nito?" Kinakabahan kong tanong.

"Edi tatalon tayo."

"Ano?! Ayaw ko nga!"

"GO ATE KATE! TALON NA!" Natatawang sigaw ko ni Jerry na nasa tubig.

Halos lahat naman sila ay nakatingin sa akin at natatawa na tila inaabangan ang aking pagtalon.

"Tara na." Hinawakan ni Jared ang kamay ko pero kaagad ko itong tinabig.

"Ayaw ko nga sabi eh! Edi ako nalang ang tumalon!" Inis kong sabi sa kanya.

Tinawanan naman nya ako. "Ang dami mo talagang arte. Halika na." Hanggang sa bigla nya akong hinila.

"WOOOHOOO!"

"NYAAAAAAHHH!" Tili ko nang pabagsak kami sa tubig.

Kahit paano ay marunong naman akong lumangoy kaya kaagad rin akong nakaahon nang bumagsak kami sa tubig.

Saan Patungo? (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon