Chapter 8
JARED's Point of View
Nang imulat ko ang aking mga mata, bahagya akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana. Nakita ko na mag-isa nalang ako dito sa kwarto.
Pinilit kong bumangon pero ramdam ko ang matiding sakit at bigat ng aking ulo. Umupo ako sa gilid ng kama at nakita ko sa orasan na alas-otso na ng umaga. Napabuntong hininga ako at bahagyang hinilot ang aking noo.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at nakita ko si Kate na bitbit ang isang tasa. Ngumiti sya nang makita nya ako. "G-Gising ka na pala."
Muli akong napabuntong hininga at umiwas ng tingin.
"May dala nga pala akong kape para sayo. Inumin mo ito para mainitan ang sikmura mo."
"Salamat."
Natawa sya at napailing. "Lasing na lasing ka kagabi. Iniwan ko na nga ni Jerry doon sa kubo mag-isa pero ayaw mo pa rin tumigil."
Humigop ako sa kape na dinala nya.
"Ayan tuloy, ang lakas ng hangover mo. Sa susunod kasi uminom ka lang nung hanggang kaya mo."
Tumingin ako sa kanya. "Paano pala ako nakarating dito sa kwarto?"
Natigilan sya sa tanong ko. "Umm.. Ano.. Inalalayan kita hanggang dito." Huminga sya ng malalim at binigyan ako ng isang pilit na ngiti. "Mabuti na nga lang at binalikan kita doon sa kubo, dahil kung hindi baka doon ka na nakatulog," natatawa nyang sabi.
"G-Ganun ba? Salamat kung ganun. Hindi ko na rin kasi alam ang mga ginawa ko kagabi."
Hindi naman na sya nagsalita at nakita kong napabuntong hininga sya.
Muli akong humigop sa tasa ng kape habang nangingibabaw ang katahimikan.
"Umm...Jared."
Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang seryosong nakatingin sa kawalan. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. "Bakit? M-May problema ba?"
Huminga sya ng malalim at napayuko. "W-Wala ka bang naaalala na ginawa mo kagabi?"
"Ang alin?"
Lalo pa syang umiwas ng tingin at bahagyang natawa. "Wala. Wag mo nang isipin yun." Tumayo naman na sya para umalis. "Babalik na muna ako doon sa kusina. Tutulungan ko na muna si Tita Jasmine."
Lalo pa akong nagtaka dahil sa mga kinikilos nya. "Sandali lang."
Huminto sya pero nanatiling nakatalikod sa akin.
"A-Ano ba talaga ang nangyari? May iba pa ba akong ginawa maliban doon sa... Doon sa umamin ako sayo at nung... Nung hinalikan kita?"
Napalingon sya sa akin at halatang natigilan.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tiningnan ko sya ng seryoso. "Ano nga? M-Meron pa ba akong ginawang iba maliban doon?"
Hindi naman sya nakasagot.
Hinawakan ko ang mga kamay nya. "P-Pasensya na. Yun nalang kasi talaga ang naaalala ko. Y-Yun lang ang naaalala ko kasi yun ang ginusto ko."
Unti-unti syang napangiti at pumatak ang kanyang luha.
Napabuntong hininga ako at kaagad na pinahid ang luha nya sa pisngi. "Wag mo naman akong pag-isipin oh. M-May ginawa pa ba akong iba?"
Umiling sya habang nakangiti at pinahid ang sariling luha.

BINABASA MO ANG
Saan Patungo? (short story)
Romance"Hanggang saan? Hanggang Kailan? Saan nga ba tayo patungo? Saan matatagpuan ang walang hanggan?"