1. #WHENinManila

205 8 37
                                    

Chapter 1

KATE's Point of View

"Yes, dad. Don't worry, kasama ko naman po si Darwin," sabi ko nang tawagan ako ni daddy.

Lumabas ako ng banyo dito sa restaurant at nasalubong ko ang isang lalaki na kanina ko pa napapansing panay tingin sa akin.

Lalagpasan ko na sana sya nang bahagya syang humarang sa aking dadaanan.

Umangat ang isa kong kilay habang nakatingin sa kanya. "Baka gusto mong umalis sa daraanan ko?"

Bahagya syang natawa at napailing. "Ikaw naman, di pa nga ako nakakapagpakilala sinusungitan mo na ako."

"Di na kita hihintaying magpakilala dahil hindi naman kailangan at wala akong pakialam."

"Well, kung ayaw mo man ako makilala, gagawin ko pa rin ako. I am Arnold Perez, the manager of this restaurant."

"Ow I see, so you're the manager," nakangiti kong sabi sa kanya.

"So pwede ko na bang malaman ang pangalan mo?"

Ngumiti ako ng sarcastic. "Sorry, hindi pwede."

"Why? You have a boyfriend? Well, di naman na ako magugulat kung meron man dahil sa ganda mong yan. But would you mind if I ask you, who's that fucking lucky guy?"

Napa-smirk ako at napailing. "Hindi mo gugustuhing makilala ang boyfriend ko."

Nag-smirk din sya na parang nang-aasar pa. "Bakit? Isa ba sa mga crew ko dito sa restaurant ang boyfriend mo? Tell me."

Tumingin lang ako ng seryoso sa mga mata nya.

"Babe?"

Sabay kaming lumingon sa taong nagsalita at nakita ko si Darwin na tila nagtataka habang nakatingin sa amin.

"May problema ba dito?" Muling tanong ng boyfriend kong si Darwin.

Tumabi ako sa kanya at kumapit sa kanyang braso.

Halatang gulat naman ang lalaking nagpakilala nang makita nya ang boyfriend ko. "S-Senyorito.. K-Kayo po pala.."

"Anong kailangan mo sa girlfriend ko?"

"Umm.. W-Wala po, senyorito. Umm.. Balik na po muna ako sa opisina." Magalang syang nagpaalam at kaagad na lumakad papunta sa kanyang opisina.

Napatingin sa akin si Darwin na nakakunot ang noo. "What the hell was that? May ginawa ba ang gagong yun sayo?"

Ngumiti ako sa kanya at bahagyang inayos ang polo nya. "Wag mo nang intindihin yun. Tara na, nagugutom na ako e."

Inalalayan naman nya ako at lumakad na kami papunta sa isang mesa para umorder ng makakain.

Well, other people say that I am the luckiest woman in town. Paano ba naman kasi, ako lang naman ang napiling mahalin ng isang Darwin De Mesa. Youre right, he's Senyorito Darwin De Mesa, the one and only son of Senator Tony De Mesa, the wealthiest man I have ever met, ang nag-iisang tagapagmana ng napakaraming properties inside and outside the country such as hotels, resorts, restaurants at kung ano-ano pa. Sa katunayan, isa na itong restaurant na kinakainan namin sa mga pagmamay-ari nila. So tell me, how could I choose that bastard manager over the owner?

I love Darwin, and he loves me too. Other people say that I am the luckiest woman in town. Luckiest? I don't think so.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba nang makita ko ang seryosong tingin sa akin ni Darwin.

Saan Patungo? (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon