11.

37 2 0
                                        

Chapter 11

JARED's Point of View

Habang mag-isang binabaybay ang tila walang katapusang daan, hindi maiwasang bumalik sa aking isipan ang ilang alaala na kasama ko sya sa ganitong paglalakbay.

"Let me go! Pauwiin mo na ako sa amin!"

"Hindi ka pwedeng umuwi hangga't hindi ko nasisiguro ang kaligtasan ko mula sa pamilya ng boyfriend mo!"

Nakakatakot man ang dumating na problema sa aking buhay, pero binigyan naman ako ng lakas at inspirasyon para lumaban. Sya ang lakas ko, sya ang naging inspirasyon ko sa laban na ito.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Sa walang hanggan."

Pero paano ko pa magagawang lumaban kung wala na ang taong nagbigay sa akin ng lakas para lagpasan ang lahat ng ito?

"Pangako, walang mamamatay sa atin. Walang mawawala."

Paano ko pa magagawang lumaban kung wala na sya?

Napabuntong hininga ako at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ko. "Hello Tita," sambit ko nang sagutin ko ang tawag ni Tita Jasmine.

[Jared, nasaan na kayo?]

"Umm.. Nasa byahe na po papuntang Ilocos."

[O sige. Mag-iingat kayo. Tumawag sa akin ang Tito Steve mo at sinabi nyang hinihintay na nya kayo doon sa kanila.]

"Sige po, tita. Ako na po ang bahala."

[Si Kate? Gusto kong makausap si Kate.]

Natigilan ako sa aking narinig. "Umm.."

[Nasaan sya? Pwede ko ba syang makausap?]

"T-Tita Jasmine... H-Hindi ko po kasama si Kate."

[Anong ibig mong sabihin?]

"Umalis na po sya kahapon pabalik ng Manila."

[Pero alam mong delikado sa kanya ang umuwi doon sa kanila. Bakit hindi mo sya pinigilan?]

"P-Pinapabalik na po kasi sya ng daddy nya. Mas mainam na rin po siguro yun, Tita Jasmine. Mas lalo lang malalagay sa panganib ang buhay ni Kate kapag kasama nya ako."

[Pero Jared..]

"Hindi po kasali si Kate sa laban na ito. A-Ayaw ko na rin pong madamay sya sa problema ko."

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita Jasmine mula sa kabilang linya. [I-Ikaw ang bahala.]

"Wag po kayong mag-alala. Kakayanin ko naman po sigurong mag-isa. Sige na po, Tita Jasmine, nagmamaneho po kasi ako ngayon."

[Okay. Mag-iingat ka. Tumawag ka kaagad sa akin kapag nakarating ka na doon sa Tito Steve mo.]

Nang mawala si Tita Jasmine sa linya ay agad ko nang nilapag ang phone ko sa bakanteng passenger seat.

Napatingin ako sa bakanteng upuan at lalo kong naramdaman ang matinding kalungkutan.

Sa dulo ng daan na aking binabaybay, bumungad sa akin ang dalawang daan.

Sinuot ko ang aking sumbrero at kaagad na bumaba ng kotse para magtanong. "Manong, saan po ba ang daan papuntang Ilocos Sur?" Tanong ko sa matandang lalaki na nagtitinda ng sigarilyo.

Saan Patungo? (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon