2. #Eskapo

89 5 15
                                        

Chapter 2 of 12

JARED's Point of View

Dinaig pa ng bagong taon ang aking naririnig na mga malalakas na putukan. Pero imbes na pataas, patungo ang mga ito sa aking sinasakyan.

"BILISAN MONG MAGMANEHO! KAPAG NAABUTAN NILA TAYO PAPATAYIN TALAGA KITA!"

"Im begging you.. Don't kill me, please. Huhu.. Marami pa akong pangarap sa buhay. Let me go. Huhu.. NYAAAAAHH!"

"Waaaaa!" Napahiyaw nalang din ako nang muling paulanan ng bala ng mga tauhan ni Senator De Mesa ang sinasakyan naming kotse. "BILISAN MO KASING MAG-DRIVE! MAAABUTAN NA NILAA TAYO!"

"ARRRRGGG! ANO BANG KAILANGAN MO SA AKIN?! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?! Huhu.. Isusumbong kita sa daddy ko!"

"GUSTO MONG PASABUGIN KO YANG BUNGO MO PARA HINDI KA MAKAPAGSUMBONG?! BILISAAAN MO!"

"WAG MO AKONG TINATARANTA AT BAKA MABANGGA TAYO!"

"WAG KA NA RIN KASING MARAMING SATSAT KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY!"

"NYAAAAHH!" Tili ni Maam Kate nang muli kaming paulanan ng bala ng mga humahabol sa amin.

Tumingin ako sa side mirror at nakita kong tatlong sasakyan na ang humahabol sa amin. "BILISAN MO PA! NANDYAAN NA SILAAA!"

"Huhu.. Daddy, help me.."

Nilabas ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at gumanti ng putok sa mga tauhan ni Senator De Mesa. Tila natamaan ko ang gulong ng isa sa mga sasakyan dahil nawalan ito ng kontrol at tuluyang napunta sa talahiban. "ARRRGG! TIGILAN NYO NA KAMI!"

"EH KUNG SUMUKO KA NALANG KAYAA?!" Natatarantang sigaw ni Maam Kate habang nagmamaneho.

"ALAM KONG PAPATAYIN NILAA AKO!"

"THEN I DON'T CARE! IHIHINTO KO NA ITONG SASAKYAAN!"

"SUBUKAN MO! SISIGURADUHIN KONG LALABAS YANG UTAK MO KAPAG BINARIL KO YANG ULO MO!"

"Huhu.. Im just joking.. Don't kill me."

"MAY TRUCK!" Sigaw ko nang makita ang pasalubong na malaking truck.

"NYAAAAHHH!"

Napapikit nalang ako dahil sa sobrang takot. "WAAAAA!" Sa aking pagdilat, nakita kong naiwasan namin ang malaking truck.

Sumilip ako sa rear mirror at nakita kong nawala na rin ang mga tauhan ni Senator De Mesa na humahabol sa amin. Marahil dumiretso na sila sa talahiban o di kaya'y tuluyan nang nabangga ng malaking truck. Ah basta, wala na akong pakialam.

Napasandal ako at tila naghahabol ng hininga. Mabuti nalang at di nila ako nahuli, dahil kapag nagkataon, siguradong bangkay na akong dadamputin sa kangkungan.

"Idiretso mo lang! Wag kang hihinto," utos ko kay Maam Kate na may halong pagbabanta.

"P-Pero wala na sila.. Can you let me go? I wanna go home.."

"Walang uuwi!"

"ARRRGG! ANO PA BANG KAILANGAN MO SA AKIN?! HINAHANAP NA AKO NG DADDY KO!"

"WALA AKONG PAKIALAM BASTA HINDI KA UUWI!"

"Arrrgg! I hate you! I swear to God, oras na ako makauwi ako, sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan! Tandaan mo yan, Ramirez. Si Darwin mismo ang magpapakulong sayo at babaril dyan sa ulo mo!"

Hindi ko nalang sya pinansin pa. Sumandal ako at napabuntong hininga. Hindi pa rin ako makapaniwala nang makita ko ang malamig na bangkay ng anak ni Mayor Ortiz na si Jessica.

Saan Patungo? (short story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon