Scene 1

61 1 0
                                    

Scene 1: First day of classes

(Nasa hallway)

Kath: (Naglalakad sa hallway pupunta sa pintuan ng Gold. Naninibago, mahiyain)

Jane: (lalapit kay Kath. Masaya at friendly) Hi! New student?

Kath: (nahihiya) Ah… oo (titingin sa ibaba)

Jane: Nahalata ko nga (ngingiti) Ako nga pala si Jane. Anong pangalan mo?

Kath: uhm, Katherine, pero Kath na lang ang itawag mo sa akin

Jane: Pwede ba kitang maging kaibigan, Kath?

Kath: Ha? (titingnan si Jane ng nakangiti) Oo naman!

Jane: Ayos yun! Tara, pasok na tayo sa classroom. Teka, Gold ka nga ba? Baka hindi kita ka-section

Kath: Galing na ako sa office, Gold nga daw ako

Jane: Mabuti naman kung ganoon! (papasok na sila ng classroom) Tabi tayo ah?

Kath: Sige (tatabi ng upuan kay Jane. Titingin siya sa paligid. Halos lahat ng tao ay may kausap, kaya napansin niya si DJ na kaisa-isang OP na nasa dulo ng classroom at nakatingin lamang sa labas ng bintana)

JC: (natakbo papasok ng classroom) Papunta na yung teacher! Papunta na yung teacher!

(Aayos ang mga estudyante at pupunta sa kani-kanilang upuan. )

Teacher: Good morning class

Mga estudyante: Good morning teacher, mabuhay! (Hindi alam ni Kath ang tungkol sa mabuhay)

Teacher: Please be seated (uupo na ang mga estudyante) Ako nga pala si

(Nakikinig si Kath, ngunit naagaw ni DJ ang kanyang atensyon kaya’t napatitig siya dito)

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon