Scene 25:
DJ: (seryoso ang tono) Bakit ang tagal mo? Saan ka galing?
Kath: (matatakutin ang boses at nakayuko) Wala, may kinausap lang ako.
DJ: (tataasan ng boses) Hindi ba’t sabi ko na huwag na huwag mong kakausapin si Ivan o Billy!?
Kath: Hi-hindi po. S-si Jane po ang kinausap ko
DJ: Ah….. Ayaw ko na ring kausapin mo si Jane
Kath: (papatak na ang luha, at unti-unti na lalakas ang pagagos ng kanyang mga luha)
DJ: (biglang magiging mahinhin) Ba-bakit ka naiyak?
Kath: Pagod na ako DJ, pagod na pagod na ako.
DJ: Ah, sige ihahatid na kita.
Kath: Hindi…. DJ. Sa iyo ako pagod..Pagod na pago na ako maging sunud-sunuran mo..
DJ: (mabangis ang boses) ANO? ANONG SABI MO?
Kath: (mapapaluhod habang naiyak) Ayoko na….. Ayoko na…
DJ: Huwag mong sabhin yan Kath. Kung si Jane, hindi tinablan, ikaw, siguradong makokonsiyensya ka. Hindi ko kaya ng wala ka Kath…. Alam mong magpapakamatay ako kapag iniwan mo ako
Kath: Maawa ka sa akin….. sige na… pakiusap, maawa ka
DJ: Hindi… Magpapakamatay ako kapaginiwan mo ako, Kath. (desperado) Magpapakamatay ako!
(biglang lalabas si Jane na patago palang sinundan si Kath)
Jane: (matapang) Sige, ituloy mo lang.
DJ: (gulat) Jane?
Jane: Natatandaan ko pa… (naka plastic na ngiti) noong una mo akong tinakot na magpapakamatay ka…. Natakot din ako noon. Pero alam mo? (sisgaw) NAPAGOD DIN AKO! SA SOBRANG PAGOD, MAS PINILI KO NANG MAGPAKAMATAY! Doon mo lang ako binitiwan, hindi ba? Kasi kahit papaano, ayaw mo pa rin akong mawala…. Ngayon, si Kath naman ang ayaw mong bitiwan. (biglang ilalabas ang nakatago niyang baril) Dalawa lang sa ating atlo ang mabubuhay ngayong araw na ito kung hindi ka bibitiw,
Kath: Jane…. Ano iyan? Jane?? (takot na takot)
Jane: Mamili ka, DJ. Dalawa lang sa ating atlo ang mabubuhay ngayong araw na ito kung hindi ka bibitiw. Wala akong pakialam kung si ikaw man, o si Kath ang matututukan nito. Basta gusto kong mapalaya si Kath. ANO DJ? ANO?
DJ: (ngingiti ngunit mapait ang tono) Iba ka na talaga, Jane. Ibang-iba… Hindi ba’t naawa ka rin sa akin noon?
Jane: Hanggang ngayon naman eh naaawa pa rin ako sa iyo. Pero sa ibang paraan nga lang…
Kath: Jane, pakiusap, wag mo na itong ituloy.
Jane: Hindi pwede Kath. Hindi ko hahayaan na makita kang unti-unti na lang mawasak
DJ: Alam mo kasi Jane, kahit patayin mo si Kath, makakahanap pa rin ako ng bago, tulad noong pinalitan kita!
Jane: ganoon lang pala eh, madali naman akong kausap (ngingiti sabay patak ng luha bago niya ikasa ang baril)
Kath: Anong gagawin mo Jane? Jane… wag Jane.. WAG!
Jane: Walang hiya ka. Hindi ko alam kung bakit kita minahal. Oo, naawa ako sa iyo. Pero minahal din kita (tinapat ang baril kay DJ)
DJ:Kaya mo ba Jane? Sige, iputok mo kung kaya mo!
Jane: DJ, MAHAL KITA!
Kath: WAG!
(Nagkahalohalo na ang sigaw ni Jane, ang hagulgol ni Kath, at ang pagputok ng baril. Marahil ay ang huling bagay na nakita o naaalala ng dalawang babae bago sila himatayin ay ang pagbagsak ng katwan ni Dj sa sahig, at ang unti-unting pag agos ng dugo nito)
BINABASA MO ANG
Clandestine
Romance(Tagalog-English "Taglish") A new girl arrives in school and is drawn towards the mysterious and bullied social outcast of their batch. Due to fascination and pity, she enters a relationship with him despite numerous warnings from Jane, her new be...