Scene 6: Do or die
(Nasa labas ng classroom si Billy dahil nagiipon ng lakas ng loob kausapin si Kath na nagiisa sa loob ng classroom)
Billy: (kinakabahan) Ito na talaga ‘toh pare
Ivan: (Masaya at ine-encourage si Billy) Kaya mo yan dude!
Billy: Kinakabahan talaga ako eh…
Ivan: Ayos lang yan, sa una lang naman yan eh.
Billy: Sige, salamat dre. (aakbay kay Ivan) Papasok na ‘ko.
Ivan: Sige (tatapikin ang balikat ni Billy. Lilipan ang ilang mga saglit na nakatayo lamang si Billy) Ano na? Akala ko ba go na?
Billy: (nahihiya) Eh pare, naduduwag talaga ako eh..
Ivan: (tataasan ng kilay si Billy at kukunot ang noo) Ito naman oh…
Billy: Pagbigyan mo na ‘ko pare, unang bes ko palang naman ‘toh manligaw eh
Ivan: Ligaw? Eh hindi ka panga nag papakilala eh.
Billy: Kaya nga andito tayo, diba?
Ivan: Oo na, oo na. Pumasok ka na lang.
Billy: Hihinga muna ako
Ivan: Wala nang hinga-hinga, kalahating oras na tayo naka nga-nga dito (bubuksan ang pinto at itutulak si BIlly papasok)
Billy: Teka, pare! (ngunit nasa loob na ito ng classroom at nasara na ng natawa na Ivan ang pinto)
BINABASA MO ANG
Clandestine
Romance(Tagalog-English "Taglish") A new girl arrives in school and is drawn towards the mysterious and bullied social outcast of their batch. Due to fascination and pity, she enters a relationship with him despite numerous warnings from Jane, her new be...