Scene 9

16 0 0
                                    

Scene 9: This is it

(Badtrip si Kath, naglalakad siya patungo sa may clinic para magpalamig ng ulo)

Kath: (Makikita niya na nakadungaw si DJ sa himpapawid at mapapatigil) A-ah… (hindi siya papansinin ni DJ) (pagmamasdan niya si DJ at bigla na lamang tutulo ang kanyang luha ng paunti-unti at iiyak ng tahimik)

(Maririnig at mapapansin ni DJ pagiyak ni Kath kaya naman ay lilingon siya dito at pagmamasdan ng may malambot na eksprensyon. Dahil dito, mas lalakas ang pagiyak ni Kath at bigla na lamang siyang matatawa at yayapusin si DJ habang patuloy na natulo ang kanyang mga luha)

DJ: (gulat at hindi alam kung ano ang gagawin) A-ahh (tahimik muna, ngunit mahinhin ang boses kapag nagsalita na) Ba-bakit ka naiyak?

Kath: (nakapikit at mahinhin din ang boses) Dahil nasasaktan ako

DJ: (Gulat) Papaano?

Kath: Kasi nasaktan ka.

(tatahimik muna silang dalawa ng saglit)

DJ: Huwag ka nang umiyak

Kath: Bakit?

DJ: Kasi mas lalo akong nasasaktan

Kath: (mapapatulala muna) H-Ha?

DJ: (ngigngiti at yayakapin rin si Kath. Maririnig na naiyak pa rin si Kath) Nasasaktan ka pa rin ba?

Kath: (bibitaw sa yakap at haharapin si DJ) Hindi… Natutuwa lang ako

(magyayakapan na sila muli ni DJ na parehas nang naka-ngiti)

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon