Scene 22:
(naglalakad mag-isa si Kath habang nagiisip ng malalim, biglang susulpot si Ivan)
Ivan: Kath! Kath!
Kath: (lilingon) Ha? Ah, hi Ivan…
Ivan: 'kamusta ka, Kath?
Kath: Okay naman…
Ivan: Mabuti naman. Okay na rin si Billy ngayon eh (ngingiti)
Kath: (magugulat) Aba, oo nga noh. Ang tagal ko nang hindi nakita si Billy. (ngingiti) Mabuti naman at maayos na siya
Ivan: Oo. May pinapasabi nga siya eh
Kath: Ano iyon?
Ivan: Gusto niya lang daw humingi ng sorry sa mga panggugulo niya. At sorry din daw dahil hindi niya masabi sayo ‘to ng harap-harapan. Okay na daw siya, pero wala pa daw lakas ng loob iharap sa iyo ang mukha niya (tatawa)
Kath: (tatawa rin) paki sabi pinapatawad ko siya, at ni minsan ay hindi sumama ang loob ko sa kanya
Ivan: Oo naman.
(biglang sisigaw mula sa malayuan si DJ)
DJ: Kath! (tatakbo pupunta kay Kath at aakbayan ito) Ginugulo ka ba niya?
Kath: Ah hindi, hindi (ngingiti) May sinasabi lang siya sa akin Tungkol kay Billy
DJ: (magiging mapait ang tono) Billy?
Ivan: Oo, sige, salamat talaga Kath. Ingat! (aalis na)
DJ: Ano yun Tungkol kay Billy?
Kath: Ah wala lang. Okay na daw siya, saka gusto daw magsorry. Wala nga lang lakas ng loob
DJ: Ah… sige (magiging mapait ang ekspresyon niya)
Kath: (nagaalala)Bakit? Anong problema?
DJ: Kath, wag mo sanang mamasamain, pero ayaw kitang nakikipaghalubilo kay Billy o kay Ivan.
Kath: (gulat) B-bakit naman?
DJ:Hindi maganda Kath. At Hindi rin ligtas
Kath: Pero okay nanaman daw si Billy eh
DJ: Hindi Kath, kahit na.
Kath: Ah… sige, susubukan ko. (malungkot)
BINABASA MO ANG
Clandestine
Romance(Tagalog-English "Taglish") A new girl arrives in school and is drawn towards the mysterious and bullied social outcast of their batch. Due to fascination and pity, she enters a relationship with him despite numerous warnings from Jane, her new be...