Scene 15: Buking
(Sa bahay nina Kath)
Leny: (Masaya) Kamusta ka, anak?
Kevin: (Seryoso) Ayos ka lang ba sa college? May nangaaway ba sa iyo?
Kath: (pagod) Medyo pagod po ako Mama. Papa naman, siyempre wala po (ngingitian si Kevin)
Kevin: (maangas) Aba dapat lang! Subukan lang nila, makakatikim sila.. May nobyo ka na ba?
Leny: tsk tsk tsk! Ikaw, umayos ka nga. Para naman wala kang tiwala sa anak natin. Diba anak?
Kath: (mapapatahimik) ah…
Leny: Anak?
Kevin: (may malisya ang boses) Sabi ko na nga ba! Kaya late ka na nauwi!
Leny: (gulat) Anak, totoo bang may nobyo ka na?
Kath: Uhm…
Kevin: (matapang) Anong pangalan niya? Saan siya nakatira? Ilang taon na siya? Nasa kolehiyo pa rin ba siya?
Leny: (sisikuhin si Kevin) Tinatakot mo yun anak natin eh! Anak, pagusapan natin ito ng maayos. Tayo’y umupo sa sala
Kath: (guilty) Sige po…
BINABASA MO ANG
Clandestine
Romance(Tagalog-English "Taglish") A new girl arrives in school and is drawn towards the mysterious and bullied social outcast of their batch. Due to fascination and pity, she enters a relationship with him despite numerous warnings from Jane, her new be...