Scene 23:
(sa bahay nina Kath)
Leny: (gulat at nagaalala) Oh anak, bakit may pasa ka nanaman? Parang noong isang lingo lang ay may pasa ka rin. Hindi pa nga nawawala ata
Kath: (mahinhin at matamlay) Wala po ito, mama. Sa volleyball lang po galing
Kevin: (malambing) Volleyball, volleyball. Palagi na lang volleyball. Huwag ka na kayang magvolleyball, anak?
Kath: Hindi po puwede papa, varsity na po ako eh.
Kevin: Ganoon ba anak. O, heto iha. (itataas ang kamay para kunin ang Agua Florida sa estante)
Leny: Oh anak, bakit parang napailang ka noong kinuha ng papa mo ang Agua Florida?
Kath: Ah.. ah… Hi-hindi lang po ako sanay sa amoy ng Agua Florida.
Kevin: bueno, wag na lang?
Kath: Ah hindi po papa, okay lang po.
Leny: Iha, matamlay ka. Noong nakaraang lingo pa. Matulog ka kaya ng maaga, anak?
Kath: Sige po mama, salamat po.
Kevin: Ipapapanik na lang namin kay yaya yung dinner mo, anak?
Kath: Kahit huwag na po ako kumain
Leny: Ay, hindi!
(mapapapikit si Kath)
Leny: bakit anak?
Kath: Na-napuwing lang po ako…
Leny: Sige. Ay oo nga pala, yun sinasabi ko. Hindi ka pwedeng matulog na walang laman ang tiyan, anak. Mas lalo kang magiging matamlay. Baka’y magkaulcer ka pa nga eh
Kath: Sige po mama, papa, papanik na po ako
(titingin sa isa’t isa ang magasawa na nagtataka)
BINABASA MO ANG
Clandestine
Romance(Tagalog-English "Taglish") A new girl arrives in school and is drawn towards the mysterious and bullied social outcast of their batch. Due to fascination and pity, she enters a relationship with him despite numerous warnings from Jane, her new be...